Halos ala-una na ng madaling araw nang makarating sila sa condo. Tahimik ang paligid, parang pati ang siyudad ay pagod na rin. Napansin ni Lia ang paminsan-minsang pagkurap ni Gino habang inaayos ang take out sa mesa. “Gino, dito ka na lang matulog. Sunday naman bukas,” malambing niyang sabi habang yakap ang Winnie the Pooh bear. “Baka makatulog ka pa sa pagmamaneho.” “Okay lang sayo?” tanong ni Gino. “Oo naman. Unit mo ‘to,” sagot niya. Sa huli, nagkatabi sila sa kama—may unan sa gitna bilang harang. “Harmless ka ba?” nakataas kilay na tanong ni Lia. Ngumiti si Gino. “Oo naman.” Ilang minuto lang, nakatulog na si Lia. Pinatay ni Gino ang TV at tumingin sa kanya. Tahimik ang mukha nito, mahimbing ang tulog. “Hay naku, Lia… nag-iisa lang ako,” bulong niya habang marahang inaayos ang

