FRAUD'S POV Alam ko talagang sinundan ako ni Adarina dahil nahalata ko na kaagad ang taxi na sumusunod sa akin no’ng una pa lang, kaya nga nang pinipilit na ni Mr. Corpo na maka-dinner siya, hindi talaga ako pumapayag, kasi ayoko. Ayoko talaga. Hindi pwede. Syempre kilala ko na ang mga tipo ni Mr. Corpo. He is a simple maniac, at halata ko na sa kilos at mukha niya na gano’n siya. Well, I can’t blame myself if I judge him that way, pero ano ang magagawa ko kung gano’n naman talaga ang image niya na tumatak sa akin? And for my love, Adarina, kahit sino naman siguro eh magkakagusto sa kanya. She’s so innocent, simple and very beautiful. No need for her to wear make ups dahil she is beautiful in her own way, kaya ko nga siya nagustuhan because she has somethi

