FRAUD'S POV Tinawagan ako ni sir Adam kanina for Ada's escort. Nagulat nga ako dahil nalaman na niya pero parang hindi naman niya ako sinisi or something. Siguro dahil hindi naman talaga niya nalaman na kasama ako, at na ako talaga ang nagplano ng lahat nang gagawin namin ni Ada. Nagtataka talaga ako pero okay na rin at least ako ang naisip niyang escort ni Ada. A point for me. "Ada, anak, Fraud's here na," narinig kong tawag ni ma'am Safrina kay Ada habang nakaupi ako at naghihintay sa kanya sa salas nila. Kanina pa kasi ako nandito. Gusto ko kasing maaga ako para in case na mabago ang plano, magagawan ng paraan. "Fraud, just a bit of reminder,” napatingin ako kay sir Adam, “Please don't take off your eyes with my daughter, understand?" matinding bilin sa akin ni s

