ADAM'S POV Matagal ng wala sina Ada at Frolic sa hotel dahil na rin sa project na sila ang magka-partner and I am at ease naman kay Frolic kasi alam kong mapagkakatiwalaan ko siya para kay Ada. As I was saying, since wala si Ada at Frolic as of now, ako muna ang gumagawa ng mga naiwan nilang proposals, paper works at mga meetings. Ako muna para pagdating nila from Batangas eh hindi naman sila matambakan. "Hi, mahal. Good morning," si Saf from behind. We kissed each other. "Morning. Um, halika na. Let's eat na," aya ko sa kanya. Naupo naman siya. "Mahal, kailan pala ang uwi ng anak mo?" tanong niya habang kumukuha ng tinapay. Ako naman ay nagbabasa ng dyaryo. ‘Yan ang hilig ko every morning. Binaba ko muna ang dyaryo tapos nag-sip ng coffee bago sumagot. "

