Kanina pa ako nandito sa labas ng rest house nila Mr. Lee at kanina pa ako umiiyak. I don't know. Pakiramdam ko kasi ay ang sama sama kong tao dahil sa mga sinabi ko kanina kay Frolic. Iyon naman kasi ang totoo eh. Ayokong gustuhin siya dahil sa kamukha niya ang pinakamamahal kong si Fraud. Kung magugustuhan ko man siya ay ‘yong tipong siya talaga ang nakikita ko at hindi si Fraud. Napayakap ako sa katawan ko. Ang lamig na kasi. Hindi ko pa naman dinala ang jacket ko. Ang akala ko kasi ay makakapag-usap lang kami ni Frolic saglit pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari sa pag-uusap namin. Nagsa-sob ako nang nagsa-sob hanggang sa I couldn't catch my breath. Hinihingal na ako. Nahihirapan na akong huminga. "Haaaaaah! hhhhhhhh!

