ADA'S POV Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa mga nalaman ko sa mga sinabi ni Frolic. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwla sa mga sinabi niya sa akin. "Ada, mahal kita. Mahal kita," bigla ko na namang naalala ang mga salitang binitawan niya kagabi lang. I can feel the hurt in his eyes. I closed my eyes and think. Fraud… bigla kong sabi. I miss you. I'm sorry kung gano’n ang nararamdaman ng kapatid mo. I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Napaluha ako sa pagdilat ko ng mga mata. Hindi ko naman kasi gusto na ganito ang mangyari. Hindi ko ginusto. Pinunasan ko ito at nag-ayos na para bumaba. Lumabas na ako ng kwarto ko at nagkasabay na naman kami ni Frolic pero hindi siya nag-good morning sa akin. Dumiretso lang siya sa kitchen. Kum

