Kanina pa kami nakarating at nakabalik from site ni Frolic, at hindi pa drin kami nagpapansinan hanggang ngayon. Hindi pa rin. Hindi pa rin naman kasi siya humihingi ng sorry o kung anuman sa akin. Alangan namang ako ang maunang humingi ng sorry sa kanya? Samantalang wala naman akong ginagawa in the first place. Siya ang may kasalanan kaya marapat lang na siya ang humingi ng paumanhin sa akin. Tama naman ‘di ba? Pagbalik naman sa rest house nila Mr. Lee from the site ay umakyat lang ako kaagad sa kwarto ko at nag-ayos ng mga damit ko. Ewan ko siya kung ano ang ginawa niya at kung nasaan siya. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga damit ko ay naglaba ako. Nakita ko lang siya sa veranda na nagla-laptop nang mapadaan ako sa may kitchen para uminom ng tubig.

