FROLIC'S POV Awesome! Iyan lang ang masasabi ko. Ang ganda naman kasing talaga ng fishpond nila Mr. Lee. At take note, ang linis ng tubig. Parang nasa isang malaking aquarium kami dahil sa dami ng mga isda. "Doon tayo," aya ko kay Adarina. Naglakad kami para makapunta ro’n sa may hanging bridge. Hindi nga namin alam kung bakit merong pa-tulay, pero ang ganda talaga ng view. At bumagay naman talaga siya sa lugar. "Oh. Careful, ah?" paalala ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. "Ang ganda, grabe!" sambit niya habang papalapit kami sa hanging bridge. Nakatingin s’ya sa mga isdang lumalangoy habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ang ganda naman ng view pero sa kanya ako nakatingin. "Ayon, ang ganda no’ng fish na ‘yon, oh," saad niya habang

