ADA'S POV Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala si Frolic sa tabi ko nang umatake na naman ang sakit ko. Hindi ko rin kasi nasabi sa kanya na may asthma ako. Hindi naman din kasi siya nagtatanong kaya hindi ko talaga nasabi sa kanya. "Sorry,” I said. “Hah?” napatingin naman siya. “Sorry kasi hindi ko nasabi sa iyo na may asthma ako," wika ko. Naglalakad na kami n’yan pabalik ng bahay ni Mr. Lee. Umiling naman siya sa akin. "Okay lang ‘yon,” he then said, “Pasensya ka na nga pala, ah?” sabi niya na siya naman ang humingi ng dispensa. “Hah? Bakit naman?” tanong ko naman dito. “Kung alam ko lang kasi na may sakit kang asthma edi hindi na sana kita pinagod. Hindi na sana tayo naghabulan. Hindi na sana kita hinabol," sabi niya sa akin. Ngiti l

