Nakayakap ako sa sarili ko habang nag-iisip ng tungkol sa amin ni Frolic ng may biglang tumawag sa akin. "Nak…" Napatingin akong bigla sa nagsalita. "Ikaw po pala, Dad," sabi ko. Lumapit siya sa akin. "Bakit gising ka pa?” tanong nito. “Hindi ka pa magpahinga. Maaga pa tayo bukas." “Um, I can't sleep, Dad," I said. "Bakit naman? May problema ka ba?" tanong na naman niya. Huminga naman ako nang malalim at hindi ko ito pinahalata kay Daddy. Sasabihin ko ba? "Am, Dad..” tawag ko rito. “Um? Yes, Anak?” baling naman niya sa akin. “Um, can I ask you something?" tanong ko na humarap dito. "U-um,” tango naman ni Daddy. “Sure. What is it?" tanong niya. I took first a very deep breath before I spill the words that is bothering in my min

