CHAPTER 18

1879 Words

Hellaina’s POV Pumasok ako sa opisina ni Zach nang hindi kumakatok. Nakaupo siya sa likod ng malaking desk, hawak ang ilang papeles, pero halatang wala doon ang isip niya doon. Nang makita niya ako, agad siyang tumayo, matalim ang tingin na ipinukol sa akin. “Ano ang ginagawa mo rito?” malamig niyang tanong. Hindi na ako tinapunan ng tingin. Tumikhim ako, pinilit kong pinapatatag ang boses ko kahit kumakabog ang dibdib ko. “Narinig ko na, Zach. Narinig ko ang plano mo. Itataboy mo ako sa bahay na ito.” Halos umusok ang ilong ko sa galit. Tumawa siya nang mapait, tsaka tumayo at tumalikod sa akin paharap na tumingin sa bintana. “At ano pa bang dapat kong gawin? Hellaina, ilang beses ka nang naging dahilan ng gulo. Sa bawat araw na kasama ka namin, palaging may nangyayaring masama.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD