Crystal’s POV “Congratulations!” Nakipagkamay ako sa new project na ino-offer sa akin ng Black Sapphire Entertainment Center, na kalaban ng Redstone Entertainment Inc. “Thank you, Mr. Perez, for this opportunity. I can start soon, right?” Nakangiting tanong ko. Ito na ang moment ko para sa counterattack kay Hellaina. Kailangan kong gamitin ang pagkakataon na ito para malipat ang simpatya ng publiko sa akin, at sa amin ni Zach. Hindi ko naisakatuparan ang lahat ng plano ko! Makalipas ang ilang araw, finally, sumalubong sa akin ang makinang na ilaw ng primetime talk show studio. “Ladies and Gentlemen, ang ating new host, kilalang personalidad na magaling at sanay na sanay sa camera, ay walang iba kundi si Crystal Marquez!” Masiglang pagpapakilala ng co-host ko sa akin. Tumutok ang sp

