Elle’s POV SOBRANG lakas ng ulan, nakakabingi ang patak noon sa bubong. Parang kasing bigat ng nararamdaman ko. Ang mga hikbi ko lang ang aking naririnig sa buong apartment, at ang mahinang tilamsik ng ulan na tumatama sa bintana. Nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa pader, nakapulupot ang kumot sa aking buong katawan. Ang mga mata ko, namamaga na sa kakaiyak. Ang ilaw ng cellphone sa mesa ay walang tigil kakakislap, may sunod-sunod na tawag mula kay Mav. Hindi ko sinasagot. Hindi ko kayang magsalita. Pero ilang sandali pa, dinig ko ang mahihinang katok sa pinto. Isang beses. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses niya. “Elle, buksan mo ‘to, please.” Pero wala akong lakas ng loob na tumayo. Wala rin akong paki kung basang-basa na si Mav sa labas ng pintuan ko. Ayoko

