AVA’s POV WALA PANG sampung minuto ang nakakalipas simula nang pumasok ang professor namin sa Architectural Form and Space, pero ramdam ko na agad ang bigat ng temperatura sa classroom namin. Lahat tahimik, nakatingin sa screen habang ipinapakita ni Sir Delacrex ang listahan ng final project pairings. Napatingin ako kay Slyvia na kilig na kilig at matamis ang ngiting nakatingin sa akin. Sadyang binubuyo ako. “Okay class,” simula ni Sir Delacrex, may bahid ng French accent ang bawat salita. “This project will count for forty percent of your grade, so I suggest you choose collaboration over conflict.” Napasinghap ako nang makita ko sa screen ang pangalan ko, Ava Sotomayor – Blaze Rutherford. Parang biglang huminto ang pintig ng puso ko. Parang nanlalabo ang mga mata ko. Tumingin ako kay S

