Elle’s POV NAPAUPO ako sa gilid ng kama. Napatingin ako sa kabuuan ng aking silid at sobrang tahimik iyong klase ng katahimikan na nakakabingi. Pero malakas ang t***k ng puso ko. Tanging tunog ng zipper ng maleta ang aking naririnig habang isa-isang inilalagay ko ang mga damit ko. Para akong nag-iimpake hindi lang ng gamit, kundi ng mga bahagi ng aking sarili winasak ni Zack at inabanduna ng aking mga magulang. Sobrang sakit. Akala ko dahil magulang ko sila karamay ko sa lahat ng pag subok ko sa buhay. Sila pa ang mag mamanipula, mag control sa buhay ko. Lumabas ako ng aking silid. Sa sofa, nakaupo si Mav, tahimik lang siya at napaangat ang tingin niya nang makita ako. Kakaibang tingin niya sa akin. Iyong klase ng tingin na walang salita pero sapat na. May hawak siyang tasa ng kape, malam

