Elle’s POV NALULUNGKOT ako iwan sina mama at papa. Kahit na maayos ang kalagayan nila. Nag-aalala pa rin ako. “Mama, sigurado po ba kayo? Baka gusto niyong sumama pabalik ng Maynila para maalagaan ko kayo ni Papa?” Naiiyak kong tanong. Umiling siya. Hinaplos ang aking mukha at hilam na rin ang luha sa mga mata niya. “Anak, kung sasama kami sayo paano ang mga naipundar mo dito ang iyong center? Sino ang titingin sa mga iyon. Tsaka kailangan kami dito ng papa mo.” Mahabang paliwanag ni mama at pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. Wala na akong nagawa kundi ang tumango na lang. Lumapat ako kay papa, na naka wheelchair pa rin, pero may improvement dahil naigagalaw na niya ang kanyang mga paa. “Papa, aalis na po muna ako, sure po ba kayo?” Tanong ko. Ngumiti si papa at tumango.

