Elle’s POV HINDI pa rin mawala sa isip ko ang ipinagtapat ni papa. Parang pinupukpok ng martilyo ang impormasyon na iyon sa ulo na lalong bumabaon sa utak ko. I was set up by my own father. Wala akong makapa na galit sa puso ko siguro dahil napatawad ko na siya. Pero si Zach? He used my family misfortune in his personal interest at iyon ang hindi ko mapapatawad. Nang sumunod na linggo, dinala ako ni Mav sa buong La Trinidad. Parang siya ang hindi dayo sa lugar namin, na dapat ako ang magto-tour sa kanya. Pero heto at napakagwapo sa suot niyang summer polo white na nakatupi hanggang siko nito. Sports short na saktong hanggang tuhod niya. Rubber shoes na parang pupunta sa hiking. Naka Rayban Aviator shade. Daig pa ang model sa magazine. Walang panama. “Tour guide mode!” Malakas sigaw ni

