Elle’s POV NAPATINGIN ako sa bagong bahay namin na kumikislap sa ilalim ng araw, para bang dalang bagong pag-asa. Ito ang simula na parang isinalang mula sa abo ng nakaraan na nabigyang ng buhay at kulay. May mga puting kurtina na humahampas sa hangin, mga bulaklak sa bawat mesa, at amoy ng adobo at inihaw na isda sa paligid. Isang munting salo-salo, dahil makalipas ang ilang buwan, sa wakas heto na sa harapan ko ang bagong tahanan na parang sisimulan ng bagong yugto ng buhay namin. “Elle!” Malakas na sigaw ng trabahante naming si Aling Tanya. “Ang ganda ng bahay niyo! Hindi man kasing laki ng dating mansyon pero malaki rin! Parang sa teleserye! Bamangon mula sa lusak!” Napatawa ako. “Hindi po, maliit lang ito kumpara sa dati.” Natatawang sagot ko. Isa si Aling Tanya sa naging saksi

