Elle’s POV PABALIK na kami ng Manila pagkalipas ng limang araw na bakasyon sa ancestral house nina Mav sa Batangas. Sa loob ng limang araw walang pagsidlan ang saya ang puso ko lalo na ang Mommy ni Mav. I wish I could have a mom like that. Iyong supportive sa anak. “Ang lalim naman ng iniisip ng babe ko, gusto mo ba bumalik ulit sa Batangas?” Nunuksong tanong nito. Napatingin ako sa kanya ang pilit na ngumiti. “Sira! May trabaho ako,” natatawang sagot ko sa kanya. “Sayo lang may tama ang puso isip at puso ko, the rest pwede na iyon maayos lang.” Ganti niyang sagot na lalo akong natawa sa banat niyang double meaning. Kinuha niya ang kamay ko at dinala niya sa labi nito at ginawaran ng halik. “Ang sweet namin ni boyfie,” natatawang komento ko. “For you only, babe.” Sumulyap siya s

