Elle’s POV Sobrang hiyang-hiya ako sa pamilya ni Mav, gusto ko na lang kumaripas ng takbo at lumayo. Parang wala na akong mukha ihaharap pa sa kanila. Pinisil ni Mav ang kamay ko na nasa ilalim ng mesa. “You, okay?” Umiling ako. Parang iiyak na ako sa nangyari. “Mom knows, and my entire family.” Hinila niya ako mula sa mesa. Nahihiya akong nagpaalam sa pamilya ni Mav. Buti na lang talaga understanding sila. “Saan tayo pupunta?” Tanong ko kay, Mav. “Basta sama ka lang, magugustuhan mo promise.” Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumama kay Mav. Ilang metro din ang nilakad namin hanggang sa makarating kami sa malaking puno. Napaawang ang aking bibig. Tree house at nakabakod. May nakasulat na private property by Maverick. Pumasok kami sa maliit na bakal na kulay gold. Napatingala ako

