Elle’s POV Para akong binuhusan ng yelo nang marinig ko pangalan niya. Akala ko namamalikmata lang ako. Akala ko dinadaya lang ako ng aking mga mata at niloloko lang ako ng aking pandinig. Pero hindi. Halos tatalon ang puso ko. "Elle…” Iyong paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko, pero hindi man lang niya ako matingnan gaya ng Pagtingin niya sa aking noon. What the hell happened? Parang umiikot ang mundo ko. Parang hindi ako makahinga. Huminto ang lahat ang aking hininga, ang ingay ng paligid, pati t***k ng puso ko. “Hindi puwede…” iyon lang ang nasabi ko. “Hindi puwedeng buhay siya. Nakita ko… nakita kong wala na siya.” Pero malinaw ang sinabi niya siya si Maverick Sotomayor! Hindi ko alam kung paano kami nakauwi. Parang lumulutang lang ako, habang paulit-ulit na naglalaro sa isi

