Elle’s POV RAMDAM ko ang panginginig ng aking buong katawan. Nasa unahan lang ang bagong pamilya ni Mav. Ang huling kita ko at pag-uusap namin ng Sydney na iyon, noong araw na dinala ako ni Mav, sa Batangas, mula kami sa last fashion ko sa Paris. Ang daming nangyari, all I know he was killed in front of me. Ilang beses kong ni-recall sa utak ko ang nangyari. I was there when Crystal shot him. Then the doctor told me na wala na si Mav. I saw him in a coffin pati ang pagbaba ng kabaong niya. Nakita ko lahat hindi ako umalis sa tabi niya. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. “Mommy, tapos na po ang misa.” Niyugyog ako ni Ravick napamulat ako ng aking mga mata. “Oh, okay anak sorry, taimtim lang nagdadasal si Mommy.” Tinakpan niya ang kanyang bibig at humagikhik. Kinurot ko ng bahagya ang

