CHAPTER 3

1021 Words
Hellaina’s POV NANGINGINIG ang buong katawan ko inaapoy ako ng lagnat, garalgal ang labi ko sa labi. Pero walang pakialam si Crystal at Zach na nakatunghay sa akin. Kusang pumatak ang luha ko. Pilit akong tumayo para ipagluto sila. Nang makatayo ako, halos mabuwal ako ng tayo dahil, nanghihina ang tuhod ko. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi, ramdam ko ang pagsunod ng tingin nilang dalawa, pero tuloy-tuloy lang ako nang paika-ikang lakad. Halos hindi ko na iyon maihakbang pa. Hindi ko alam paano ako nakarating sa kusina ng hindi natutumba. Dahil lahat ng madadaanan ko ay todo kapit ako. Konting-konti na lang parang babagsak na ako. Pero kailangan kong magluto. Hinanda ko na agad ang rekado na gagamitin ko buti na lang ay ibinaba ko na ang karne kanina kaya hindi ko na kailangan i-taw pa iyon ng matagal na minuto. Mabilis ang kilos ko kahit sobrang sama ng pakiramdam ko. Sa bawat hawak ko ng kutsilyo nanginginig iyo na pwede kong mabitawan o masugat anumang oras kaya ingat na ingat ako. Nagsimula akong maghanda ng steak ang paborito nilang dalawa. Pikit mata kong tiniis ang sakit ng dibdib ko para lang mapagsilbihan si Zach at Crystal na hindi makakatanggap ng sakit ng katawan. Dahil hindi ko na kaya pa. Ibinaba ko ang ribeye sa cutting board. Nilagyan ko ng asin at paminta habang nanginginig ang kamay ko. “Para sa’yo ‘to…Zac,h” mahinang bulong ko, pilit ngumiti pero tumulo ang luha ko sa karne. Umiyak ako habang pinapa init ang kawali, nag-iinit din ang puso ko sa sakit na hindi ko maipaliwanag, ang alam ko handa akong mag tiis makasama ko lang si Zach kahit pa masaya siya sa piling ni Crystal. Tumalsik ang mantika sa kawali, sumirit ang init sa hangin. Inilagay ko ang steak, nag-sizzle. Sa bawat tunog ng pagkakaluto, parang sinisigaw ng puso ko ang sakit na hindi niya naririnig. Iyong gusto kong sabihin lahat ng laman ng puso ko pero kapag nasa harapan ko na siya parang tinahi ang bibig. “Ba’t kasi hindi ka na lang umalis at magpakalayo…” Habang hinihintay maluto ang kabilang side, sinimulan kong durugin ang patatas. Mainit pa ito, parang puso kong hindi pa rin maka-recover. Handa pa rin magpakatanga. Mahal ko eh. Dinagdagan ko ng butter, asin, at kaunting gatas para maging malapot ng konte, tinikman ko iyon pero wala pa rin itong lasa sa dila ko. Gumawa ako ng butter garlic sauce. Tinunaw ang butter, pinakuluan ang tinadtad na bawang, tapos nilagyan ko ng parsley. Halos hindi ko na makita ang niluluto dahil sa luhang hindi na tumitigil na umaagos sa aking pisngi. Isinunod kong sinauté ang asparagus sa olive oil. “Gusto mo ‘to ‘di ba?” paos kong tanong sa kawali. Para na akong nasisiraan kinakausap ang sarili. Tila naghihintay na may sasagot. Kung may bibig lang ang kawali siguro hinampas na niya ang pwetan nito para magising ako. Pagkaluto, inayos ko lahat sa plato. Steak sa gitna, mashed potato sa gilid, asparagus na parang palamuti sa dulo. Kumuha ako ng plato, fork at steak knife na nilagay ko sa magkabilang gilid na nakataob na plato. Sunod kong inihanda ang glass wine. Naglagay din ako sa bucket ng yelo at nilublob doon ang wine na paborito ko ni Zach. Kapag steak ang kakainin niya, hindi pwedeng walang wine sa mesa kung hindi magwawala na naman iyon at pagbubuhatan ako ng kamay. Pagkahain ko, pinunasan ko ang gilid ng aking mata bago ko tinawag ang dalawang taong dahilan ng pagod at pagkakasakit ko sa araw na 'to. Ilang beses akong napalunok para lang hindi pumiyok boses ko. Parang gusto ko na lang magkulong sa banyo para hindi ko makita silang dalawa. “Zach… Crystal… Kain na kayo,” mahinang tawag ko, pilit pinapatatag ang boses ko. Ayokong mahalatang namamaga na ang mga mata ko sa pag-iyak habang nagluluto. Ayokong mahalata nila na namamaos ang lalamunan ko. Lumabas sila sa kwarto. Dinig na dinig ko ang pagbaba nila ng hagdan hanggang bumungad sila sa dining table. Si Crystal naka-short lang at oversized shirt ni Zach. Ang asawa ko naman, magulo pa ang buhok pero malamig ang tingin na ipinukol sa akin at ang lambing sa mata niya ay para sa babaeng hindi ako. Umupo sila. Ako naman, nanatiling nakatayo sa gilid. Tulad ng dati. Parang hindi kami mag asawa, at kasambahay ang turing sa akin. “Ay, ang bango nito!” tili ni Crystal habang tinutusok ang steak. “Baby, tikman mo ‘tong mashed potato. Swear, ang sarap! Wala naman siguro iyong lason ano, Hellaina? Alam mo na ang mangyari sa negosyo ng pamilya mo na ipinangalan na kay Zach.” Patuyang komento ni Crystal. Kaya napayuko ako. Nakangiti si Zach, pinunasan pa ang gilid ng labi ni Crystal. “Sa’yo lang masarap lahat, Love.” Naghalikan pa sila sa harapan ko. Napayuko ako at ilang beses kumurap para hindi tumulo ang luha na kanina ko pinipigilan. Subo rito. Subo roon. Malambing na tinginan at nag I love youhan pa. Tila umikot ang sikmura ko. Parang lahat ng effort ko ang pagluto, ang pagtitiis, ang pagmamahal ay kinain nilang dalawa na parang wala akong halaga. Hindi ko na kinaya. Tumalikod ako agad at tahimik na pumasok sa kusina. Napakapit ako sa counter habang nanginginig ang mga kamay ko. “Bakit ba ako nandito pa…” Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit kahit harap-harapan na ang kataksilan nila ay heto pa rin ako umaasa. Gusto kong umiyak, pero parang tuyo na ang luha ko. Ang naiwan na lang ay isang uri ng sakit na hindi ko na mailabas kundi sa pagluluto, sa pananahimik, at pagtitiis. “Hellaina…” tawag ni Zach mula sa hapag. Pero hindi ako lumingon. Hindi ako sumagot. Kinuha ko ang baso, uminom ng malamig na tubig para maibsan ang sa sakit sa dibdib. Pero walang epekto. Wala. Lalo lang lumalim ang sakit. Dahil mas masakit pa pala ang pakiramdam ng hindi ka pinili. Parang mas mainit pa sa mantika ang nakikita mong asawa mo… masaya sa piling ng iba. “Hellaina!” Malakas na sigaw ni Zach!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD