Hellaina’s POV
NAGBILANG ako ng hanggang lima, bago pumihit pero, saktong pagharap ko isang malakas na sampal mula kay Zach ang natanggap ko. Halos mabali ang leeg ko. Ramdam ko ang ikot ng paningin ko.
“Are you deaf? Ilang beses ba dapat kita tawagin ha? Hellaina?” Nanggagalaiti niyang sigaw na halos lumuwa na ang mata niya sa galit. Parang sobrang laki ng kasalanan ko sa mukha niya.
“I—I’m sorry Zach,” hingi ko ng tawad kahit ako na ang nasaktan.
“Sorry, sorry! ‘Yan na lang ang madalas lumabas sa bibig mo. Wala kang kwentang asawa!” Ilang suntok sa sikmura ang natanggap. Halos panawan ako ng ulirat. Namimilipit ako sa sobrang sakit.
“Bilisan mo ligpitin mo ang pinagkainan namin, pagkatapos hilutin mo ang paa ni Crystal!” Hindi pa ako nakabawi. Sa sobrang sakit ng sikmura ko kung saan ako sinuntok ni Zac. Tumango na lang akong nakayuko. Nang tumalikod siya nanginginig ang mga paa ko sa aking bawat paghakbang.
Napakapit ako sa hamba ng pintuan dahil parang mawawalan ako ng balanse. Umiikot ang paningin ko. Ang init pa rin ng pakiramdam ko. Pilit kong pinapalakas ang tuhod ko. Para hindi ako mabuwal. Akma kong dadamputin ang plato nang biglang mabitawan ko iyon, napahawak ako sa upuan pero hindi na ako nakakapit at tuluyan akong bumagsak.
*****
HINDI ko alam kung ilang oras ako nawalan ng malay, pagbalik ng malay ko, hindi ako nag mulat ng mga mata, nanunuot sa ilong ang aming zonrox, pinaghalong alcohol at disinfectant. Pagmulat ko ng aking mga mata wala akong kasama. Ramdam ko sakit ng tiyan, ulo at bawat himaymay ko nakaramdam ng sakit.
Ilang beses akong pumikit at nag mulat ng mata, napadako ang tingin ko sa kakabukas lang na pintuan, at bumungad sa akin ang doktor. Nanlaki ang mga mata ko.
“A—André?” Kahit siya nagulat din tsaka napatingin sa chart.
“Elle?” Halos hindi siya makapaniwala na makita niya ako. Nagbago agad ang mukha niya.
Gusto ko na lang lumubog sa higaan ko o kaya bumuka ang lupa para lamunin ako. André is my high school best friend. Nagkahiwalay after high school dahil sa United State siya nag aral doon nag migrate ang parents niya.
“Long time no see, but here you are, we met again in an unpleasant situation.” Malungkot ang tono ng boses niya. Hindi man niya masabi pero, ramdam niya.
“Ang laki na nang pinagbago mo, kumusta kana?” Pilit kong pinakaswal ang boses ko. Kagat labi kong umiwas ng tingin.
“Hindi ba dapat Elle ako ang Magtatanong niyan? Kumusta kana? How long is it been? Ten years?” Komento niya pero may tanong. Pilit akong ngumiti.
“Y-yes, something like that,” pagsang ayon ko sa kanya. Lumapit siya sa akin, pero tiningnan niya ang swero ko, inilagay niya ang stethoscope sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim. Inalalayan niya ang likod ko at doon naman nilagay ang stethoscope niya.
Huminga ulit ako ng malalim. Parang may dumaan na multo sa pagitan namin hindi siya nagsasalita. Panay din ang record niya sa chart ko. Hindi ko alam kung ano ang nilalagay niya doon na data.
“Wala naman akong malalang sakit diba, Doc?” Tanong ko at bahagyang ngumiti. Umiling siya at ngumiti.
“Palabiro ka pa rin, gaya ng high school,” aniya. Sabay sulat ulit. Nawala ang ngiti ko.
“So, Dr. André Soren Zaldivar, tell me your diagnosis, or wait assessment pala muna.” Nakangiti kong komento. Ito na ang unang pagkakataon na may nakausap akong lalaki. Isang taon na kaming kasal ni Zach pero hindi kami lumabas na magkasama. Sa party ng kumpanya or kahit saan.
“You’re married?” Halos hindi ko marinig ang tanong na iyon. Hindi siya makapaniwala na may asawa na ako.
“Y—yes. Married.” Itinaas ko ang aking daliri. Tumango siya.
“Magaling na ba agad ako?” Tanong ko sa kanya. Ngumiti siya. Iyong ngiti na alam niyang nakukulitan na siya sa akin.
“Wala kanang lagnat, it cools down temporarily, but you have a concussion. You'll need to stay a few days for tests and an X-ray to rule out internal bleeding. You have bruises.” Mahabang paliwanag niya.
“Sus naman malayo sa bituka. I feel fine, pwede na siguro akong lumabas bukas?” Tanong ko ulit. Ayaw ni Zach na may makaka usap akong lalaki. Usok ang ilong noon sa galit. Pero kung si Crystal ang kausap at kakantutan niya okay lang. I have no say to it.
“Ikaw lang ang pasyente ko na matigas ang ulo. So better, you need to stay here. Home against medical advice Mrs. Velmor—” Hindi natuloy ni André ang sasabihin niya ng pumasok si Zach na madilim ang mukha.
“Zach—” Nauutal kong tawag sa pangalan niya. Mabilis nagbago ang anyo na akala mo maamong tupa. He looks at me the way na tingnan niya si Crystal.
“How's my beautiful wifey?” Ilang beses akong kumurap. Napaawang ang aking bibig. Hindi ako makapaniwala. Did he just call me wifey?
“Hi Doc, I am Zach Justin Velmorez, Hellaina’s husband? Kumusta ang asawa ko? Anything I be alarm on her condition?” Seryoso tanong ni Zach at mariin pinisil ang kamay ko na hawak-hawak niya. Napangiwi ako sa sobrang sakit.
Nagsukatan sila ng tingin. “Ahh…Uhmm. Pwede na akong lumabas bukas, Zach,” imporma ko sa kanya. Napabaling ang tingin niya sa akin. Ngumiti ng ubod tamis. Na akala mo mahal na mahal niya ako.
“Is it true, Doc?” Balik niyang tanong kay André, ilang beses akong napalunok, piping dasal ang nagawa ko nasa sakyan ang sinabi ko. I know André well.
“I’m sorry, Mr Velmorez, El—your wife needs to stay for a few days. To make sure and roll out any possible internal bleeding.” Seryosong sagot ni André. Napapikit ako, nahigit ko ang aking paghinga.
“Is that so?” Sarkastikong tanong ni Zach.
“Yes. We need to run some tests to see if everything is normal, then I will send her home.” Ani nya at ibinaling ang tingin sa akin.
“I will ask the nurse to change your gauze and attend to your wounds, Mrs Velmorez.” Seryosong saad nito. Na ikina tango ko. Gusto ko na lang paalisin si André para maka iwas sa gulo kay Zach.
“That would be all. I will see myself out, Mr and Mrs Velmorez.” Tumalikod si André at tinungo ang pintuan. Nang lumapat iyon napalunok.
Mabilis na dinakma ni Zach ang pangahan ko. Nanlilisik ang mga mata niya sa galit. “Malandi ka!”