CHAPTER 5

1302 Words
Hellaina’s POV “HINDI ka naman nag eenjoy sa reunion mo ng iyong—?” Pabiting tanong ni Zach. Umiling ako. Alam ko naman na ito ang pag sisimulan na naman ng away namin. “Is he your lover Hellaina? Akalain mo iyon magkaka gusto pa sa isang baog at walang silbing babaeng katulad mo?” Nanlilisik na mga matang tanong niya sa akin. Hindi ako makapag salita. “Kaklase ko si André noong high school wa—” “Shut the f**k up Hellaina! Wala akong pakialam kung sinong Pontio Pilato ang putang inang André na iyon sa buhay mo. Lumayo ka sa kanya kung hindi mata mo lang ang walang latay!” Marahas na binitawan ni Zach ang panga ko. Sobrang sakit iyon. “Ayusin mo ang sarili mo lalabas na tayo! Ayokong tumigil sa ospital na ito na nandito ang lalaki mo!” Mabilis na lumabas si Zach at pabalibag na isinara ang pintuan. Hindi man lang ako naka pagsalita. Ilang minuto pa ay pumasok ang nurse. Nababakas sa mukha niya ang awa. Hindi man siya nagsasalita ramdam ko. “Are you okay po?” Tanong niya makalipas ang ilang sandali. Hindi ako makasagot. Ano ba ang pwede kong isagot. Desisyon ni Zach na iuwi ako. “Y—yes okay lang ako.” Halos pabulong kong sagot. “Hindi pa po kasi sana kayo pwedeng umuwi ma’am kasi may mga test pa kayong gagawin. Ang putla niyo pa po. Baka lumala po ang kalagayan niyo kung uuwi kayo na hindi pa kayo tuluyang magaling.” Nag aalalang saad ng nurse sa akin. Tumango ako. “Ayoko na lang ng gulo nurse. Kapag nag decide ang asawa ko na uuwi, kailangan kong sundin. Para wala na lang gulo.” Malungkot kong sagot. Hanggang sa tuluyan na niyang natanggal ang swero ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon. Bago sinalubong ang mga mata ko. “Madalas po akala natin wala na tayong worth, at nakulong sa isang sitwasyon na akala niyo normal na lang.” Parang karayom ng life lesson ang mga salitang iyon mula sa isang taong ngayon ko lang nakilala. “S—salamat, Nurse Reina. Na-appreciate ko.” Mahina kong sagot na ikinatango niya. “Ito ang number ko, baka kailangan niyo ng tulong, tawagan niyo lang ako.” Nakatingin ako sa calling card niya. Mapakla akong ngumiti. Kusang umagos ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam pero ang gaan nga pakiramdam ko sa kanya kahit ngayon lang kami nagkakilala. Mabilis ko siyang niyakap. “Maraming salamat,” madamdaming kong sabi sa kanya. Tumango-tango siya at hinagod ang likod ko para kumalma ako. Isang simpleng pasasalamat pero punong-puno iyon ng sari-sari emosyon na hindi ko man lang maisatinig. Simula ng maging asawa ako ni Zach nawalan na ako ng kaibigan. Ilang beses akong napalunok para matanggal ang bara sa aking lalamunan. Ilang sandali pa na paghihintay ay pumasok si André, lukot ang mukha. “I can’t let you out. I’m your doctor, Elle at kapag may nangyari sayo, sagutin kita. You are not well.” Itinaas pa niya ang papel na hawak niya, hindi ko naman alam kung ano iyon. “André, please, whatever it is, sign it—Ayoko ng gulo. I know Zach very well,” nakikiusap kong hiling sa kanya. Nakatingin ako sa mukha niya halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. “What happened to you, Elle? He’s not treating you right. May sakit kana iisipin mo ba ang gulo na gustong gawin ng asawa mo? How about your health, hindi ba mahalaga iyon sayo? Where is my best friend? Parang hindi na kita kilala.” Pigil na pigil nito ang pag taas ng boses niya. Ramdam ko ang gigil at inis. Pero mas pinili ni André sa malumanay na pahayag. Mapakla akong ngumiti. “Love changed people, André; it changed me.” Pinahid ko ang luha sa mga mata ko. Tiningnan ko siya at pilit na ngumiti. “I’ll be fine—” “Nalingat lang ako ng konte, heto na naman kayong dalawa?” Akusang tanong ni Zach, pagkapasok na pagka pasok niya. “The f**k, Mr Velmorez, ganyan mo ba tratuhin ang asawa mo?” Nagliliyab ang mga matang tanong ni André. Sana may magic wand ako para kahit anumang oras pwede akong mag disappear gaya na lang ngayon. “Wala kang pakialam, kung paano ko tratuhin ang ASAWA ko!” Pinagdiinan pa niya ang huling katagang iyon. “Asawa ko nga diba? Hindi mo asawa so sign damn certificate and we take our f*****g leave!” Matapang na sagot ni Zach. Namumula siya sa galit. “I won’t sign it. She will stay here! Sue me, I will fight you in any court, Mr Velmorez.” Puno ng pinalidad sa boses ni André, malakas nga hampas ng papel sa dibdib ni Zach. Iyon ata ang aking medical certificate para makalabas. Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan sa takot. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawang lalaking nagtatalo sa harapan ko. Nag sukatan ng tapang, lalaki sa lalaki. “It’s our f*****g right to go home!” Mabilis nga inundayan ni Zach ng suntok si André pero mabilis itong naka ilag at sinalag niya ng isang ng kaliwang kamay nito at isang malakas na suntok sa tagiliran. Sumadsad at tumama ang mukha ni Zach sa pader. “Tama na please!” Naiiyak kong saway sa kanila. Akma akong baba sa aking kama pero nanghihina pa ang tuhod ko. “Tama na!” Halos walang lakas ang boses ko. Nang hindi pa rin siya nakinig, kumuha ako ng baso at inihagis sa pader at nabasag iyon. Tsaka pa lang sila lumingon na dalawa sa akin. “Tama na.” Kita ko ang dugo at pamumula ng mukha ng dalawa. “Para kayong mga bata. Zach, please.” Nagsusumamo akong tumingin sa kanya. Pero the usual Zach. Mabilis siyang lumapit sa akin. “You will pay for this.” Mahina lang iyon. Napapikit ako. Ang mga salitang iyon parang patalim na sa oras na makalabas ako sa ospital, kalbaryo na naman ang haharapin ko sa bahay. Nang umalis si Zach, mahabang katahimikan ang namagitan sa amin ni André. Hindi ako nagsalita at tahimik lang din siya. Hanggang pumasok ang nurse at utility personnel para linisin ang kalat at ibinalik ng nurse ang swero. Nagbigay ng bilin si André sa nurse Reina, pero hindi na ako muling kinausap. Nang tahimik na, naiwan akong mag isa. Napapikit na lang ako. Nasasaktan pero walang magawa. Hanggang sa muling bumukas ang pintuan at pumasok doon si André at may dalang tray ng pagkain. Kahit hindi man niya sabihin iyon, amoy na amoy ko ang aroma ng bawang, at luya. “Dinalhan kita ng arroz caldo. Masarap ito mainit-init pa.” Aniya na parang walang nangyari. “André, hindi mo naman kailangan gawin ito. Okay lang ako.” Saway ko sa kana. I know him. He is very thoughtful. “I know, pero gagawin ko pa rin, Elle, kahit ayaw mo, o kahit wala kang sinasabi. Not because I am your friend because you need it. Unahin mo naman ang kalusugan mo bago ang sasabihin ng sira ulo mong asawa.” Nag iwas ako ng tingin. Dahil nahihiya pa rin ako. “Susubuan ba kita or susubuan kita?” Pilyong tanong niya. Napailing na lang ako. “Kaya ko na, hindi na ako bata.” Inayos niya ang aking kama, para makaupo ako ng ayos. Inilagay niya sa harapan ko ang portable table at inilagay ang arroz caldo at tubig. “Sabayan mo na ako, masarap,” aya ko sa kanya, pagkasubo ko. Ngumiti lang siya at umiling. “Ubusin mo na yan para, lumakas ka.” Utos niya. “Thank you, Dré,” mahinang sabi ko na ikinangiti niya at tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD