CHAPTER 6

1322 Words
Hellaina’s POV MAKALIPAS ng dalawang araw, na pananatili ko sa ospital, hindi na mapipigilan ang pag labas ko. Walang Zach na dumalaw sa akin, naging malapit naman kami ng bagong kakilalang kaibigan. Si Reina. Mag kasing edad kami. Si André lagi akong dinadalaw, at sinisigurado ang kalagayan ko. Kahit paano gumaan ang sumunod na dalawang araw ko pa sa ospital. Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang mahihinang katok. “Good morning, Elle,” bungad na bati ni Reina. “Good morning, Reina,” nakangiti kong sagot. “Ang ganda ng mood natin ah excited kana umuwi?” Napalis ang ngiti kong iyon, alam ko naman na hindi maganda ang kahihinatnan ko pagdating ko sa bahay. “Hindi naman, masaya lang ako ang ganda-ganda ng bago kong kaibigan. Walang halong bola yan ha?” Natatawang sabi ko sa kanya. “Alam ko naman maganda pa ako sa umaga,” Pagsasakay niya sa komento. “Good morning,” napatingin ako sa bagong pasok. André “Nurse Reina, how is she?” Tanong ni André sabay dampot sa aking chart na nasa paanan ko. “She is well Doc. Ready na umuwi. I.V removed.” Itinaas pa niya ang tray. Kumaway si Reina palabas. Pero may pilyang ngiti. Pinandilatan ko siya ng mga mata dahil sa kakabuyo niya sa akin kay André na bagay daw kami. Tahimik lang si André abala siya sa sinusulat niya. Halos nagsalpukan ang kilay niya. Nang mag angat siya ng tingin agad akong umiwas. Hindi ko alam kung nahuli niya ako. Kasi ngumiti siya. “All set, wala naman akong nakita sa Xray mo na fractured, your laboratory results in normal range maliban sa isa. Mababa ang iyong haemoglobin, Reresetahan lang kita ng hemarate wit folate take it once daily.” Mahabang paliwanag niya na ikinatango ko. “Salamat Doc André buti na lang mabait ang doktor ko.” Ani ko na ikina taas ng kilay niya. “Nambola ka pa. You need plenty of rest, Elle,” paalala pa niya sa akin. “Opo dok.” Pumasok ulit si Reina dala ang wheelchair. Kahit hindi naman kailangan. Pero since hospital protocol wala na akong nagawa kundi ang umupo doon. “Dalaw-dalawin mo naman AKO dito friendship ha? Diba dok?” Napaikot ang mga mata ko sa sinabi ni Reina. Nagplay role pa talagang kupido. “Opo dadalaw ako kapag may time, okay na?” Kunwari akong naiinis. Pero ang totoo masaya ako na nagkita ulit kami ni André at may bago akong kaibigan. Pinindot ni André ang button ng lift at nang bumukas iyon tahimik kaming pumasok sa loob. Halos manuyo ang lalamunan ka sa sobrang katahimikan hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator. “So paano yan friend, this is not goodbye ha?” Tumayo ako at niyakap si Reina. Parang naluluha siya sa akin. Naikwento ko kasi sa kanya ang dahilan bakit ako na ospital. Nagpaalam na siya para bumalik sa station niya. Kahit alam kong ayaw pa niya. Dinig ko ang busina sa labas ng driveway ng ospital at nakita ko ang si Mang Amadeo. Kumaway sa akin. Driver lang ang sumundo sa akin. Ano aasahan mo susunduin ka ng asawa mo? Asa ka pa! “Sige na André mauna na ako.” Akma kong inumang ang kamay ko ng niyakap niya ako. Nanlaki ang mga mata ko, nanigas ako sa aking kinatatayuan. Sigurado ako kitang-kita iyon ni Mang Amadeo. Baka Isusumbong niya ako kay Zach. “Mag iingat ka ha?” Tumango ako at ti-nap ang likod niya at kumalas siya sa akin. It was plain and simple pero sa loob ko, GULO! Si André ang nag bukas ng pintuan ng kotse. “Salamat ulit, Dok.” Ani ko. “You’re welcome.” Isinara ko na iyon na may pagmamadali. Makahulugang tingin ang pinukol ni Mang Amadeo sa akin at sinalakay ako ng kaba. Tahimik siyang nag drive, habang nasa daan kami panay ang sulyap niya sa akin, na mas lalo akong kinabahan, na parang may sasabihin pero hindi naman masabi-sabi. Hanggang nakarating na lang kami sa bahay. Mabilis akong umibis ng sasakyan. Kinuha ang dapple bag ko sa likuran. Nang maisara ko iyon, napatayo ako sa harapan ng pintuan. Ilang beses akong mag buntong hininga baka lakas loob na pumasok. Wala si Zach ngayon, nasa opisina. Hindi ko alam si Crystal. Pag pasok ko, umaalingasaw ang amoy, amoy panis, alak. Nagkalat ang mga plastik ng junk food, empty bottle ng mga alam late ng walang lamang beer. Dinala ako ng aking mga paa sa sala, nanlaki ang mga mata ko akala ko mas makalat na sa nabungaran ko hindi pa pala, mas magulo at makalat sa salat. Tulog na tulog si Crystal kasama ng mga kaibigan niya na tila nag party pa dito kagabi. Napabuntong hininga na lang ako. Dinala ko na ang gamit ko sa aking silid. Inilagay ko lang iyon at hinarap ang lahat ng kalat na madadaanan ko at inilagay sa black plastik bag. Inabot rin ako halos ng kwarenta minutos pag tatanggal isa-isa. Kumuha na rin ako ng spin mop na may disinfectant. Hindi ko na muna ginising si Crystal at mga kaibigan niya. Inuna ko muna ang pwedeng linisin. Pagkatapos ko, sunod kong nilinis ang dining, at kitchen na akala mo dinaanan ng bagyong Yolanda. Nakakarimarim ang dudugyot. Kuskos dito kuskos doon. Ilang araw lang akong nawala ganito na ang nadatnan ko. Parang hindi ako galing ospital. Nilinis ko na rin ang ref. Parang hindi matapos ang gawaing bahay ko. Nang matapos ako, sunod kong nilinis ang kwarto ni Zach, para akong naduduwal, nahilo ako bigla sa baho ng amoy. Tao pa ba ang gumamit nito? Hindi hayop? Nag gloves na ako at dinampot ang nagkalat na panty ni Crystal, mga bote ng alak, may walang laman na Nutella, siguro ginamit nila sa s****l desires niya! May peanut pa, at mga gamit kung ano-ano pa. Ang lala. Dinaig pa nila ang cabaret dito. Nag spray ako ng glade para man lang hindi amoy bulok, na kung ano. Pinalitan ang kurtina, kahit sobrang bigat noon. Dating putting kobre kama nag kulay brown na dahil may pinag halong chocolate ng Nutella at peanut butter. Oh, di kayo na satisfied sa s****l desires! Sinunod kong nilinis ang banyo. Ngitngit na ngitngit ang kalooban ko habang naglilinis. Sinigurado na matanggal ko ang kamandag ni Crystal sa bawat sulok. Makalipas ng halos tatlong oras na tapos na rin ako. Banyo check, kama check, pwede na kayong mag kantutan malinis na! Kurtina check! Makintab na tiles check! Akma kong isasara ang pintuan ng isinalya ako ni Crystal na hindi ko namalayan nasa likuran ko. Gulong-gulo ang buhok niya, nagkalat ang make up niya sa mukha, dinaig pa ang kinalantri ng sampung lalaki sa hitsura niya. “Buti naman umuwi kana? Ano yan nag eenjoy ka sa ospital? O nag iinarte ka lang?” Akma niya akong sasampalin nang sinalo ko iyon at maharas kong binitawan. “Pamamahay ko ito Crystal, subukan mo ulit na saktan ako, lalabanan kita!” Nagulat siya sa sagot ko. “Ah ganoon ha!” Ilang beses niya akong pinagsasampal. Tinadyakan pero lahat ‘yon hindi tumama, hinuli ko ang kamay niya at mahigpit ko siyang hinawakan. “Ako ang asawa ni Zach, hindi mo naman talaga siya mahal diba? Ginamit mo lang siya para makuha ang yaman niya,” sumbat ko sa kanya. Ngumisi lang siya. “at yaman mo. Mayaman ka nga hindi ka naman mahal ng asawa mo na lover ko. I will use you or him to satisfy my need Hellaina at wala kang magagawa doon. Tingin mo paniniwalaan ka ng asawa mo?” Akma ko siyang sasampalin. “Hellaina!” Malakas na sigaw ni Zach at tinakbo ang ikalawang palapag ng bahay. “See? Ako, ang paniniwalaan niya. Watch and learn bitch.” Mariin niyang bulong. “Zach! Zach! Si Hellaina she hurt me, sinampal niya ako?” Humagulgol niyang sumbong. “What?!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD