CHAPTER 7

1378 Words
Hellaina’s POV AGAD niya akong tinulak at yumakap siya Zach at umatungal ng iyak. Nanlilisik ang mga mata ng asawa kong nakatingin sa akin. “Sinampal ako ng walanghiyang asawa mo baby, sabi niya kabit daw ako? Diba ako naman ang nauna? She stole you from me, ang sakit masabihan ng kabit, Zach!” Nanlaki ang mga mata ko. “Totoo ba Hellaina? Ikaw pa talaga ang masasabi niyan kay Crystal? Ang kapal ng mukha mo? Kung hindi mo nilasing at inakit, hinding-hindi kita papatulan! Hindi mo na nga ako mabigyan ng anak, ang tangas pa ng tingin mo sa sarili mo?” Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko mula kay Zach. Halos mabali ang leeg ko. Nasapo ko ang aking pisngi, hindi ako nakapagsalita, sa sobrang lakas napabalya ako sa pader. “Zach, h—hindi totoo ang sinasabi ni Crystal.” Naiiyak kong sagot. “So, sinungaling siya at ikaw nagsasabi ng totoo ha? Hellaina? Kitang-kita ko kung paano mo isalya si Crystal. H’wag kanang Magsisinungaling pa! Huling-huli kana itatanggi mo pa?” Napapikit na lang ako. “K—kasi nag sisinungaling siya.” Halos pabulong na lang iyon dahil hindi naman niya ako paniniwalaan. Sinalubong ko ng tingin si Zach, hilam ang luha sa mga mata ko. Nag-pause ng ilang segundo, “sige ako na lang ang sinungaling, ako na lang ang walang kwenta, ako na lang walang silbi, kung kulang pa yan paki lagay na lang sa resume ko ang kakulangan ko para paulit-ulit mong isumbat sa akin ang mga iyon. Tanggal ko naman, bakit hindi mo na lang ako palayain kung iyon naman ang tingin mo sa akin? Pagod na rin naman ako, Zach, pagod na rin akong mag makaawa sa atensyon at pagmamahal na hindi para sa akin. Tanggap ko naman na inutil ako, just set me free, para pwede na kayong mag sama ni Crystal. Para wala nang gagambala sa kaligayahan niyo. I am so tired in all these, Zach.” Natigilan siya, nagbago ang mukha niya, saglit lang iyon pero pinukol agad niya ako ng masamang tingin. Napakalas si Crystal at sinamaan din ako ng tingin. Mabilis na lumapit sa akin si Zach at hinablot ang aking braso at pinisil niya ng mariin ang braso ko at napangiwi ako sa sobrang sakit. “Tired? f**k you! Wala kang karapatan mapagod, you brought this yourself tapos mapapagod ka? No Hellaina this is far from over, alam kung bakit? Sinira mo ang buhay ko, at sisiguraduhin na hindi ka pakikinabangan ng lalaki mo. Is it André? Iyong doktor na iyon? Magkaka-interest sayo? Ang kapal ng mukha mo malandi ka!” Hinila niya ang buhok ko at kinaladkad sa storage room, “hindi ka makakaalis dito naintindihan? Hindi pa tapos ang pagpapahirap ko sayo. Why would I let you leave?” Sabay tulak niya sa akin sa loob. Walang ilaw dahil nasa labas iyon. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot. “Bakit hindi Zach? Ito naman ang gusto mo diba?” Kasabay ng malakas na pagbalibag ng pintuan, bumulusok ang katahimikan sa loob ng madilim na storage room. Ang huling tanong na binitiwan ko ay humalo sa alingawngaw ng poot ni Zach. Naninikip ang dibdib ko. Ilang beses kong kinalabog ang pintuan. “Zach, please… huwag ganito… Buksan mo ito. Ayoko dito! Zach!” Nanginginig ang boses ko, nangingilid ang luha habang hinahampas ang pinto sa harapan ko. Walang siyang awa. Walang paliwanag. Wala akong ibang narinig kundi ang matalim niyang buntong-hininga at ang malutong na tunog ng padlock na ni-locked niya mula sa labas. Napatigil ako sa paglalakad-pabalik, napaupo ako sa malamig at maalikabok na semento. Madilim. Mababang kisame. Amoy amag, kalawang, at nakakaawang sitwasyon ko, nalilitong damdamin at sa sitwasyong 'di ko maintindihan. “Bakit mo ‘to ginagawa sa’kin…?” mahinang bulong ko, halos paos na. Napaigik ako nang haplusin ko ang braso ko, may galos. Nanginginig ang mga kamay ko habang niyayakap ko ang aking sarili. Sa pagitan ng hikbi at singhot, tila sumisigaw ang damdamin ko na wasak na wasak, pakiramdam ko durog na durog na ako. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ako sa loob. Nakaramdam na ako ng panunuyo ng aking lalamunan. Ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata, dala ng aking pag iyak. Narinig ko ang pagkalansing ng lock sa pintuan at ilang sandali pa bumukas iyon. Akala ko si Zach. Akala ko may awa siyang natira at nakonsensya. Pero hindi isang pamilyar na tinig ang bumulaga sa akin. “Well, well, well… look what we have here. Ang reyna ng drama, kinulong sa sarili niyang palasyo,” ani Crystal, habang pinapanood akong nakasalampak sa sahig na parang basahan. Bitbit ang flashlight, sinadya niyang ituon ito sa mukha ko, na para bang gustong makita ang buong ang hitsura ko at kalagayan ko. “Crystal…” garalgal kong tawag, pero sinagot niya lang ako ng mahina at nakakainsultong tawa hindi basta tawa, kundi puno ng pang-aalipusta. “Hindi ka na bagay kay Zach. Alam mo 'yon? Masyado kang weak, Hellaina. At kita mo ngayon, kahit siya, sawa na sa'yo. Kahit siya hindi kailanman maaawa sayo, paniniwalaan ka pa kaya?” Naglakad siya palapit sa pwesto ko, yumuko, at halos iangat ang baba ko gamit ang daliri niya. “Alam mo kung anong pinaka gusto ko sa eksenang ‘to?” bulong niya. “Yung wala ka nang kontrol. Yung ikaw ang nakaluhod ngayon. Sa wakas, hindi ikaw ang pinipili.” Ngumisi siya. Na tila tuwang-tuwa siya sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung anong mas masakit ang lamig ng semento sa balat ko, ang hapdi ng sugat ko, o ang katotohanang totoo ang mga sinasabi niya. Nang makalabas siya, naiwan akong mag-isa. Sa dilim. Na pakiramdam ko isang impyerno. Ramdam ko ang walang kasing sakit na parusa sa kasalanang hindi ko ginawa at awa ko sa aking sarili. Akala ko tapos na ang bangungot. Pero hindi pa pala. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik siyang may hawak na paper plate at tali ng aso at isnuot niya iyon sa leeg ko. Inilapag niya ang sunog hotdog, malamig na kanin, at tustang itlog. Nakaipit pa sa plastic na puting tray na parang galing sa tirang pagkain sa kusina. “Tara na, Queen Hellaina,” aniya habang ihinla iyon sa sahig sa tapat ko. Kumalabog ang tray, at umalingasaw ang amoy ng panis na mantika. “Kumain ka na. Baka magutom ka at mawalan ka ng ganda.” Napatitig ako sa pagkain. Kumakalam ang sikmura ko, pero mas malakas ang pagngitngit ng dignidad ko. Tiningnan ko siya, umaasa na kahit kaunting konsensya, maramdaman ko sa kanya. Pero tumawa lang siya. “Ano, ayaw mo? Gusto mo siguro isubo ko pa ‘yan sa’yo gamit kamay ko ‘no?” sabay yuko niya, tinulak ng daliri ang itlog papalapit sa akin. “Say ‘woof’ muna. Parang cute mong tuta.” “Crystal, huwag na… tama na, please…” nangingilid na ang luha ko, nanginginig ang labi ko sa sama ng loob. Ang baba ng tingin ko sa aking sarili. “Hindi mo ba naiintindihan?” Tanong niya, nanlilisik ang mga mata. “Wala ka nang karapatang magsabi ng ‘tama na.’ Hindi ikaw ang may kontrol dito, Hellaina, ako, hindi si Zach ako! Dapat nga magpasalamat ka pa at pinakakain kita.” Kinuha niya ang plastic spoon, pinulot ang kanin, at biglang isinubo sa akin ng madiin, parang sinasaksak ang bibig ko ng pagkain. Napaubo ako. Nabilaukan. Kasabay ng pag agos ng luha ko. “Hayan, h‘wag kang maarte. Gutom ka ‘di ba?” Humalakhak siya habang pinapanood akong luhaan at nanginginig, halos masuka sa bawat subo niya. Habang gumugulong ang pagkain sa lalamunan ko, ang liit-liit ng tingin ko sa aking sarili. Hindi dahil sa init ng pagkain, kundi dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay wala na akong halaga. Parang nilimas niya lahat ng respeto sa katawan ko, itinapon sa sulok ng storage room na ito. Lumuhod si Crystal sa harapan ko, tinapik ang pisngi ko, at mahinang bumulong, “Ganyan ang nararapat sa isang babaeng inagaw ang hindi kanya.” Pagkatapos niyon, tumalikod siya. Naiwan akong luhaan, nangangatog, at wasak na wasak ang aking pagkatao. “Hindi mo ako tuluyang masira, Crystal., hindi…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD