Hellaina’s POV “Hellaina?” Nakakainis na tawag ni Crystal sa akin, sabay silang pumasok ni Zach sa main door. Nagsusuot na siya ng maternity dress kahit wala pa naman umbok ang tiyan niya. Hindi naman siya masyadong excited, no? “Bakit Crystal?” Bale wala kong tanong. “Bukas mag papa-prenatal ako, gusto ko nandoon ka para tulungan ako, diba baby?” Tumingin pa siya kay Zach para sang-ayunan ang kaartihan niya. Itong kumag na ito ngumiti pa at tumango. “Bakit Crystal katulong mo ba ako? Tsaka marami akong gagawin dito sa bahay. Nandiyan naman ang asawa ko na ama ng anak mo? Diba dapat siya ang kasama mo hindi ako?” Simpleng sagot ko pero nagdilim na agad ang mukha niya. Pati si Zach pinukol niya ako ng masamang tingin. “Baby, ayaw niya tayong samahan oh?” Kunwaring paiyak na si Crysta

