Hellaina’s POV RAMDAM ko ang paninigas ang aking buong katawan kaya napakapit ako kay André. Napalunok ako ng maraming beses. Napatingin doon si Zach, bago ibinalik ang tingin sa akin. “Let’s go home,” malamig na aya ni Zach sa akin. Halos ayaw kong ihakbang ang mga para ko. Napatingin ako kay André. “She will not go home with you,” napatanga ako sa sinabi ni André. “Dré?” Napatingin siya sa akin at inalalayan ako. Iyong inaasahan kong magwawala si Zach susugurin si André susuntukin pero hindi niya iyon ginawa. Hindi pinansin ni Zach ang sinabi ni André. Kasing lamig ng yelo ang tingin niya sa akin. Wala akong nababasang iba sa mga mata niya kundi nagpipigil na galit. Ayokong madamay si André. “Sige na André, I’ll be fine. Salamat.” Itinulak ko na siya paalis. “No, Elle, sasakta

