Elle’s POV Pagkatapos ng buong araw ng training, halos mamaga na ang paa ko sa kakalakad gamit ang heels. Habang isa-isa nang nag-empake ang ibang modelo na laging nakasimangot sa tuwing napapadako ang tingin ko sa kanila. Napailing na lang ako. Tingin ata nila isa itong kompetisyon. Naiwan akong mag isa sa gilid, pinupunasan ang aking pawis gamit ang towel. Akala ko tapos na ang torture, pero narinig kong sumara ang pinto at nang lumingon ako, iisa na lang kaming tao sa hall. Si Maverick...Binundol ako nang malakas na kaba. Hindi ko siya magawang tingnan. Ayokong i-entertain ang kakaibang paghanga na nararamdaman ko. I saw his other side. Iyong side na hindi ako hinusgahan o ang aking nakaraan. He even gave me an opportunity, pagkakataon para bumangon. Or is he planning something else?

