CHAPTER 27 Elle’s POV “We need to talk,” biglang pumasok si Maverick sa training room ko at seryoso ang mukha niya. Kinabahan ako, pero pilit kong kinakalma ang aking sarili, napahawak pa ako sa aking dibdib. Tumango lang ako at sumunod sa kanya. Nagkatinginan ang ibang kasama ko. Lumapit si Bernard sa akin. “Nyare doon?” Mabilis akong nagkibit balikat at nag taas pa ako ng aking dalawang na tila indikasyon na hindi ko alam. Well, hindi naman talaga, besides isa lang naman ang dahilan kung bakit iyon gano’n “Puntahan ko na diyan ka muna.” Tumango si Bernard at pinisil pa ang kamay ko parang nagpapahiwatig ng ‘good luck’ sa akin. Pumasok ako sa conference room, nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Si Mav nagsalpukan ang kilay hindi niya at narinig ang pagbukas ng pintua

