Elle’s POV Pagkatapos ng auction, nagsimula ang slow waltz. Inimbitahan ako ng ilang businessmen, pero bago pa ako makasagot, tumayo si Mav at inalok ang kamay niya. Alangan man akong tanggapin iyon pero kinuha ko pa rin sa huli kaysa naman makasayaw sa mga businessmen na garapal katulad lang din ni Zach. “May I dance the most in-demand woman tonight?” Napatingin sa kamay niya na nasa harapan ko at tumingin sa mga mata niya at walang pagdadalawang isip na tinanggap iyon, sumayaw kami sa gitna ng hall. Ramdam ko ang mga mata ng lahat, pero higit sa lahat, ramdam ko ang matalim na tingin ni Zach mula sa mesa nila. Lalo akong ngumiti ng ubod tamis kay Mav. “Enjoying yourself?” tanong ni Mav habang umiikot kami. “Trying to,” sagot ko, na nakangiti. “Pero alam kong any moment, he’ll snap.

