Elle’s POV AKALA ko tapos na ang interview pero may nag raise pa ng kamay kaya pinagbigyan ko na. Base sa mukha niya mukha mas madaling sagutin at lumapit siya sa mic. “Miss Elle, what’s next? Where do you see yourself after this?” Ngumiti ako, genuine, walang halong ka-plastikan kahit halos lahat plastik. “I see myself walking more runways, owning more covers, and proving that a woman can be reborn at any point of her life. Hindi ko alam kung saan tatapusin ng mundo ang kwento ko. But one thing’s certain — ako ang magsusulat nito, hindi kung sinumang tao,” magalang kong sagot, hindi na ako nag banggit ng name para hindi humaba ang issue at eskandalo. Napatingin ako kay Mav, dahil pagod na akong magpaliwanag. Wala rin naman sense sa iba gusto lang kumita para sa headlines ng pangalan ko

