Elle’s POV PAGKATAPOS ng ilang araw kong pahinga, nandito ako ngayon sa Redstone entertainment tower, para sa aking major interview, ayon sa email na natanggap ko muna sa assistant ni Mav, major interview with the scandal after my first fashion finale walk. “Kaya mo yan,” pagpapalakas ng loob ng aking hairstylist. Mapakla akong ngumiti sa kanya. Nakatingin ako sa salamin. “I know, kaya, pero kinakabahan pa rin ako.” Kabadong sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin ng matamis at itinapat sa baba ko ang kamay niya. “Ito? Ang gandang ito? Kinakabahan? I doubt that.” Marahan kong hinampas ang kamay nito na ikinatawa niya. “Thank you, Bernard.” Inikutan niya lang ako ng mata. “I said Beranda nga, kulit nito, mukha ba akong lalaki sa mukha ko?” Kumending-kending pa. Lalo akong tumawa

