Elle'S POV NGUMISI ako dahil hila-hila na ni Crystal si Zach palabas. Kumaway pa ako kay Zach para asarin ito. Parang uusok na ang ilong niya sa galit. Umakyat ulit ako papunta sa runway patungo sa backstage, humahabol pa rin ng palakpakan ang mga audience at flash ng mga camera. Pero sa likod ng kurtina, biglang bumigat ang hangin sa paligid ko. Ang adrenaline rush na kanina ay nagpapalakas sa akin, ngayon ay napalitan ng kaba. “Great job, Elle,” bati ng ilang staffs. Pero hindi ko sila halos narinig. Kasi sa gilid ng backstage, nakita ko siya. Si Zach… Hindi ko alam kung saan siya dumaan dahil kani-kanina lang ay hinila na siya ni Crystal wala pang halos ilang minuto nandito na naman siya. Wala talagang ka dala-dala! Matikas pa rin ang tindig niya, pero puno ng galit ang mga mata

