Ysabella
"Pwede ba na awat muna tayo? Gusto ko lang na mag-enjoy ngayong gabi ng walang umaaligid sa atin," pakiusap niya kay Rezanie at Aileen habang sakay sila sa sasakyan.
Hindi ko na matandaan kung ilang lalake na ang ipinakilala ng mga kaibigan ko sa akin mula ng maging single ako. Halos every week or other week ay may ka-blind date ako. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero minsan ay parang nagsasawa na ako. Everytime I meet a guy I need to introduce myself and sometimes I can hear myself over and over again. It felt like a routine now and I don't feel excited anymore unlike before. Nangako ako sa mga ito na magiging open ako na makakilala ng iba't ibang tao at so far I think I did. I had experienced bad, worst and great dates. Ang nakakatawa lang is kung sino po ang gusto ko ay siya naman na walang interest sa akin at iyong mga ayaw ko naman ang sobrang nangungulit sa akin.
"Sa akin ay walang problema Ysa dahil hindi naman ako ang bigla na lang nawawala at pagbalik ay may kasama na," sabi ni Rezanie at napatingin siya kay Aileen na nasa backseat ng sasakyan.
"Ako ba ang tinutukoy ninyo?" maang-maangan na tanong nito at tumawa silang tatlo.
Hindi ko siguro malalampasan ang mga problema na dumating sa buhay ko kung wala ang dalawa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko. Rezanie has been her friend since elementary and they met Aileen when they were in high school. Para silang kambal dahil kung nasaan ang isa ay nandoon naman ang dalawa. Magkakasundo sila sa halos lahat ng mga bagay at wala silang nilihim sa isa't isa. Mula sa uri ng pagkain, hobbies, klase ng music, pananamit at sa iba pang bagay. Sa mga panahon na pakiramdam ko ay wala ng nagmamahal sa akin ang mga ito ang nagparamdam sa kanya at dumamay sa kanya.
"Ayaw ko mangako pero promise ko na mag-eenjoy tayo!" sigaw ni Aileen at nakangiti na umiiling lang siya.
Papunta sila ngayon sa isang bagong Bar ng kakilala ni Aileen. Sa kanilang tatlo si Aileen talaga ang mas outgoing and adventurous. Hindi nakakapagtaka na ito ang pinagkatiwalaan ng magulang nito para mag-manage ng Travel and Tour Agency. Napaka-straightforward nito at vocal sa lahat ng gusto nito. Somehow ay kabaliktaran naman ito ni Rezanie pero nagkakasundo ang dalawa. Si Rezanie ay organize sa lahat ng bagay at perfectionist. Hindi ito kasing outgoing namin ni Aileen pero hindi naman ito killjoy. Ito ang nag-encourage sa kanya na ipagpatuloy niya ang pagpinta. Sa kanila tatlo si Rezanie ang mas tumatayo na nakatatanda at magaling magpayo. Ito lang din ang may lovelife sa kanila at going strong.
"Ang mga mata mo, para kang agila kung makatingin," natatawa na saway ko kay Aileen at tiningnan ako nito ng masama.
Dahil bago pa lang ang bar kaya sobrang dami ng tao mula sa labas hanggang sa loob. Maganda ang ambiance ng Bar at halatang high class ang lugar. Halata iyon mula sa interior hanggang sa outfit ng mga tao sa loob.
"Mga mata ko pa lang busog na," excited na sabi ni Aileen pagupo namin sa table at natawa kami ni Rezanie dahil para itong bata na binigyan ng lollipop.
Tatayo pa lang si Rezanie para kumuha ng iinumin namin nang may lumapit na waiter sa amin. Napatingin ako kay Aileen at nagkibit-balikat lang ito.
"Good evening. Drinks for the beautiful ladies," sabi ng waiter at nagkatinginan silang tatlo.
"Baka galing sa friend mo?" tanong ni Rezanie kay Aileen at napaisip ito.
"Galing po ang drinks na iyan sa table po na iyon," sabi ng waiter pagkatapos nito ilagay ang drinks sa table namin.
Sinundan namin ng tingin ang direksyon na itinuturo nito. Mukhang nakamasid naman ang mga ito sa amin dahil ngumiti ang mga ito habang hawak ang iniinom. Kinuha ni Aileen ang cocktail nito at nakangiti na tumingin sa mga lalaki. Nagkatinginan muna kami ni Rezanie saka tumingin sa mga ito at marahang tumango lang.
"Sino sa kanila ang owner?" tanong ko kay Aileen pagkatapos ko maubos ang inumin at umiling ito.
"Ha?" nagtataka na tanong niya rito.
"Wala sa kanila ang owner nitong Bar," nakangiti na sagot nito at kunot ang noo napatingin ako rito.
"Why did you smile at them?" tanong ni Rezanie at tumawa si Aileen.
"Wala lang it's my way of saying thank you," sagot ni Aileen at umiling na lang ako.
Maya-maya lang ay umorder na kami ng sarili naming drinks. From time to time ay sumisilip si Aileen sa kabilang table at sinasabi nito na nakatingin ang mga ito sa amin. Aminado naman si Aileen na flirt siya pero nasa lugar. Si Rezanie naman ay faithful at loyal kay Jacob.
"Let's dance," aya ni Aileen sa kanila at naglakad na ito papunta sa dancefloor kung saan may ilan na nagsasayaw.
Sumunod kami ni Rezanie rito sa dancefloor. Naging stressful ang linggo ito para sa akin. Pakiramdam ko ay sobrang na drain talaga ako hindi lang physically but also emotionally. Mula ng bumisita ako kay Dad noong nakaraang linggo ay halos araw-araw na ako nito tinatawagan. Sinabi ko rito na attend ako sa kasal ni Sandra at natuwa ito. Pumayag ako umattend pero hindi ibig sabihin noon ay handa na ako na makasama ang mga ito. Gusto kasi ni Dad na kasama ako sa mga family event bago ang kasal. Hanggang maaari ay ayoko ko muna isipin ang kasal ng mga ito. Sobrang busy din namin dahil sa fully-booked ang schedule namin. Ilang buwan na lang ay gaganapin na ang exhibit ng mga artwork ko kaya naman talagang exhausted na ako. Thankful ako dahil napaka-understanding ni Dalhia ang may-ari ng gallery. Ang lahat ng kikitain sa exhibit ay nakalaan na para sa isang organization na tumutulong sa mga matatanda at mga bata.
"Relax Ysa, akala ko ba gusto mo mag-enjoy tayo," sabi ni Aileen nang tapikin ako nito sa braso.
Hindi ko namalayan na wala sa tabi namin si Rezanie at bago pa ako magtanong kay Aileen ay papalapit na ito sa amin. Nakangiti ito habang may hawak na maliit na tray. Kinuha ni Aileen ang baso na may lamang tequila at inabot sa akin pati rin ang slice ng lemon. Kinuha ni Aileen ang para rito at pagkatapos ipatong ni Rezanie ang tray ay kinuha naman nito ang natira na baso.
"Never ending happiness and more blessings!" sigaw ni Aileen at natawa ako saka sabay namin ininom ang hawak na alak.
Napaka-blessed talaga namin at sobrang thankful ako sa lahat. May ilang kamag-anak ako sa side ng Mom ko na galit sa akin dahil nasa akin na raw ang lahat. Kung alam lang sana nila kung ano ang nararamdaman ko. Marami kasi ang nagtataka kung bakit sa akin pinamana ni Lola Rosario ang bahay nito at ilang lupa sa probinsya pati na rin ang malaking halaga ng pera. Base sa Will of Testament na iniwan ni Lola ay dapat lang sa akin mapunta dahil wala ako ng mga bagay na mayroon ang iba katulad ng pamilya. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o ma offend sa sinabi na iyon ni Lola. After mamatay ni Lola ay hindi na ako tumira sa iniwan nito na bahay at pinatira ko sa ibang kamag-anak namin na walang matirhan. Ang mga properties naman ay hinati ko para sa lahat para walang gulo kahit pa nga hindi sang ayon si Attorney Vargas. Aanhin ko naman kasi ang mga iyon kung hindi naman noon mapupunan ang kakulangan sa buhay ko. Ayaw ko na rin ng away at gulo sa buhay ko dahil gusto ko lang maging maayos ang lahat sa paligid ko.
"We still need more," nakangiti na sabi ni Aileen at sinenyasan nito ang isang waiter na dalhan kami ng another round of shot ng tequila.
Sumayaw muna kami habang hinihintay ang inorder namin na alak. Hindi naman nagtagal at dumating ang waiter na may dalang alak.
"To our booming business, future lovelife and our everlasting friendship!" sabi ni Rezanie at nag-toast muna kami saka inubos iyon.
Pagkalipas ng ilang minuto na pagsasayaw at pag-inom ay nakaramdam na kami ng pagod kaya naman umupo na muna kaming tatlo. Habang nagpapahinga ay nilapitan kami ng tatlong lalaki na nagbigay ng alak sa amin kanina. Mukhang napag-usapan na ng mga ito kung sino ang lalapitan.
"Can we join you?" nakangiti na tanong ng isa sa mga ito.
"Yes," nakangiti na sagot ni Aileen bago pa siya makapagsalita.
Umupo na ang mga ito sa tabi ng bawat isa sa amin. Dahil nakaupo kami sa couch kaya naman kasya kaming anim. Sinenyasan ng isa sa mga ito ang isang waiter at umorder pa ng maiinom namin.
"Hi, I'm Carl," nakangiti na pakilala ng katabi ko at napatingin ako rito.
Okay naman ito base sa nakikita ko kaya hindi ako nag-atubili na tanggapin ang nakalahad nito na kamay.
"Ysabella," sabi ko habang magkadikit ang palad namin at nakangiti na tumango ito.
"You have the most expressive eyes I have ever seen," sabi nito habang nakatingin sa akin at napangiti ako.
"You also have great smile," puna nito at sinubukan ko na pigilan ang mapangiti kaya natawa ito.
Napatingin ako kay Aileen dahil sa lakas ng tawa nito. Napailing ako saka tumingin kay Rezanie na umiiling din. Isa iyon sa mga gusto kong ugali ni Aileen, napaka-masayahin kasi nitong tao. Kahit gaano kalaki ang problema ay nagagawa nito na maging optimistic at nakakahawa iyon.
"Do you guys usually go out?" tanong nito pagkalipas ng ilang minuto at tiningnan ko ito.
"Not really it depends on our schedule," sagot niya.
May kinuha ito sa wallet at inabot sa akin ang isang card. Nakasulat roon ang pangalan ng company nito at nakita ko na ito pala ang CEO noon. Familiar ang kompanya nito dahil kilala iyon sa larangan ng Real Estate. Kinuha ko ang purse ko at kumuha rin ng card. Nakangiti ito ng inabot ko iyon dito.
"I think I heard your company before," sabi nito habang hawak ang card na inabot ko.
"Did you guys organize the opening of Emerald Plaza Hotel last month?" tanong ng katabi ni Aileen at napatingin ako rito.
"Yes we did," sagot ni Aileen.
"That's why you look familiar to me," nakangiti na sabi nito.
"Biruin ninyo guys magkapatid pala silang tatlo," hindi makapaniwala na sabi ni Aileen at tiningnan ko ang tatlo saka ko lang nakita ang resemblance ng tatlong lalaki.
The three guy looks so dashing and very good looking. Halatang magkasundo agad si Aileen at ang partner nito. Si Rezanie naman ay nakikipag-kwentuhan sa partner nito. Okay naman ang partner ko hindi ko akalain na may sense of humor pala ito kaya hindi ko mapigilan ang tumawa sa mga corny jokes nito. So far ay nag-enjoy ako sa pakikipag-usap dito dahil interesting ang mga sinasabi nito. Hindi naman puro business ang pinag-uusapan namin. Katulad ko ay mahilig rin pala ito pumunta sa beach at nature lover din ito. Pinag-uusapan namin ang mga napuntahan nito na lugar at nag-share rin ako ng mga napuntahan ko na.
"I'm so glad that we have the same interests. Maybe we can go surfing or diving sometime. Last month I was in this place with gorgeous coral and a great diving spot. I'm sure you will love it," excited na sabi nito at ngumiti ako.
Kapag hindi kami busy ay napunta kaming tatlo sa beach. Si Aileen ang nagturo sa akin na mag-surf at diving. Si Rezanie naman ay diving lang ang nagustuhan. Lately ay sinusubukan naman namin ang mag-hiking ni Aileen at nagustuhan ko iyon lalo na kapag nakaakyat na kami sa tuktok. Gustong-gusto ko ang mga activities na nakakapag-dulot ng adrenaline rush para mawala ang stress ko. Lahat ng social media accounts ko ay puro nature ang pictures.
"Sure, why not. We can all go," sagot ko rito at nakangiti na tumango ito.
"Can I add and follow you?" tanong nito at tumango ako.
Kinuha nito ang phone at binuksan ang mga social media application kung saan ako makikita nito. Maya-maya lang ay kinuha ko na rin ang phone ko para naman I-approve ang request nito. Nadismaya ako dahil bumungad sa akin ang laman ng account nito. Ayaw ko ito husgahan dahil lang doon pero dapat siguro ay mag-ingat ako rito. Puro kasi pictures ng mga babae at halos puro babae rin ang nasa list nito. Finollow na rin nito si Aileen at Rezanie.
"Sayang naman," sabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ko ang i********: nito.
Hindi ko maipaliwanag pero bigla akong na turn-off dito. Okay na sana kaso iba ang dating sa akin ng mga post nito. Hinayaan ko na lang at nakipagkwentuhan na lang ako rito.