Chapter 5 - Back on my feet

2270 Words
James Matthew "So the news was really true?" tanong na bungad sa akin ni Mom pagbukas ko ng pinto. "Good morning, Mom," malambing na bati ko rito at hinalikan ko ito sa pisngi bago tuluyang pumasok sa unit ko. Dalawang buwan ako nag-stay sa Europe bago isang buwan naman sa Thailand. Pinasyalan ko ang mga supplier namin ng car accessories at inabala ko ang sarili ko sa pagpunta sa iba't ibang car shows para maglibang. Wala akong sinabihan ng mga lakad ko at kung nasaan ako para mas nakakapag-isip ako ng mabuti. "Me and your Dad were so worried because we can't get in touch with you for how many days. If I didn't call Sophia I wouldn't have known you've been missing for weeks. I just went here hoping that you would be here and here you are," sermon nito sa akin at nakangiti na umiling lang ako. "What did she tell you?" tanong ko rito pagkaupo ko sa dining at tumingin ito sa akin. Pinatong nito ang dala na paper bag at isa-isa na nilagay sa lamesa ang mga dala nito na pagkain. Gusto niya tumawa dahil nagbabakasakali lang ito na puntahan ako pero nagdala pa rin ng pagkain. Her Mom is like a Girl Scout, always ready and prepared. Even though I'm an only child, my parents didn't spoil me. They didn't just hand me everything because my father taught me to work hard before I get what I want. I'm so blessed to have a family that always there to support me and love me no matter what. My mother is very talented, compassionate, loving and a great person. She's a well-known artist that always help other people. "Nothing," simpleng sagot nito at tiningnan ko ito ng mabuti. "Mom!" tawag ko sa pangalan nito dahil alam ko na may iba pang sinabi si Sophia rito. "Okay," sabi nito saka umupo ng maayos at tumingin sa akin. "Mattt, I don't know what really happened to the both of you but you have to talk to her. She's been crying and telling me that she's sorry. She told me that you haven't talked to her for almost a month and she's worried about you, Matt. I never pry sa mga affairs mo pero nakakapanghinayang naman ang ilang taon ninyo na pagsasama kung hahayaan mo na lang na magkakaganito kayo. Mag-usap kayo because that's what relationships are all about talking, compromising and listening to each other. She didn't tell me what happened but I can feel that she's sorry about it," payo nito. Huminga muna ako ng malalim saka tumingin sa labas ng bintana. He was expecting na hindi talaga sasabihin ni Sophia kung ano ang nangyari sa amin lalo na at siya ang may kasalanan. Ayaw ko rin naman malaman ni Mom dahil alam ko na maganda ang tingin nito kay Sophia. For almost two years ay naging malapit na ang dalawa sa isa't isa at siya lang ang tanging babae na pormal kong ipakilala sa magulang ko. Hindi naman sa nagmamalinis ako pero sobrang sakit ng ginawa ni Sophia sa akin. Naging gago rin naman ako pero after ko makilala si Sophia ay tumino na talaga ako dahil pakiramdam ko ay siya na talaga pero mukhang nagkamali ako. "Don't worry about us Mom," sabi ko rito at ngumiti ito sa kanya. "What's your plan now?" tanong nito sa akin at ngumiti ako. "Maybe it's about time Dad retired and I take over the operation of the company here. You and Dad should go on vacation to relax and have time for each other," sagot ko rito at mas lalo ito ngumiti. Ang Dad niya ang in-charge rito sa Pilipinas habang ako naman ang in-charge sa branch namin sa New York. Our company is known for being top distributor of high quality construction supplies. Most of the materials we supplied is either we produce them and others we import them from other suppliers. Matagal na ako sinabihan ni Dad na ako na ang mag-handle ng operasyon ng company namin rito sa Pilipinas. Mas pinili ko na mag-stay doon dahil sa trabaho ni Sophia. Ayaw ko kasi na maghiwalay kami dahil sobrang mahal ko ang dalaga. "Your Dad would be very happy to know that. Maybe if you work things out with Sophia, she will agree to stay here also with you," nakangiti na sabi nito. "I doubt that," bulong ko at napatingin ito sa kanya. "She doesn't want to live here in the Philippines," sagot niya at nakita kong nalungkot ito. "Siguro naman you can make it tomorrow lunch time at the house. Your Dad will be glad to see you. I won't tell him about your plan because I want you to tell him it yourself," sabi nito at tumango lang ako. "Yes, Mom. Thank you," sabi ko. Tumayo ito at lumapit sa akin. Niyakap ako nito at tinugon ko naman. It's been six months mula ng makasama ko ang mga ito. Hindi naman ako Mama's boy nagkataon lang na sobrang close ako sa mga magulang ko. Lahat ng bagay na nangyari sa buhay ko ay alam ng mga ito. "Just remember that we are always here for you. We love you so much," sabi nito habang yakap pa rin ako. "I love you too guys," tugon ko rito. "I'll be going now, I still have class to attend to," sabi nito. "Ihahatid na kita Mom, I'll just get my keys. Pupunta rin ako sa shop ngayon dahil magkikita kami ni Jericho," sabi ko rito at tumango ito. Tumayo na ako at nilagay ang mug na ginamit ko sa lababo. Pumasok ako sa kwarto ko para kunin ang gamit ko at ang susi ko. Naglakad na kami palabas ng unit ko at papunta sa basement kung saan nandoon ang sasakyan ko. Kahit hindi ako madalas sa Pilipinas ay monitor ko naman ang lahat ng nandito. Every two weeks ay may pumupunta sa unit ko para maglinis. Plano ko sana na magpatayo ng bahay last year kaso nalaman ko na ayaw ni Sophia na tumira sa Pilipinas. Ayaw naman nito sabihin sa akin kung ano ang dahilan. "Are you sure Matt, out of way ang pupuntahan ko," sabi nito at ngumiti lang ako saka nito binanggit ang address na pupuntahan nito. "See you tomorrow. Thank you," nakangiti na sabi ni Mom pagdating namin sa parking lot nang building kung saan ito nagtuturo. Mula pa noon ay passion na talaga ni Mom ang magpinta at magturo. Kadalasan ay nag-aalok ito ng free class sa mga tao na gustong matuto na magpinta. Lahat ng kinita nito sa mga exhibit ay para sa foundation na itinayo ng kumpanya. Foundation iyon para sa mga bata na iniwan ng mga magulang. Naka-ilang miscarriages kasi si Mom bago ako nabuo kaya naman ganoon na lang ang compassion nito sa mga bata. "Bye, Mom. Take care," paalam ko pagkababa nito ng sasakyan at kumaway pa ito. Ilang oras lang at nasa tapat na ako ng shop namin ni Jericho. Parehas kaming car and motorcycle enthusiasts kaya naman naisipan namin magtayo ng business na related sa mga sasakyan at motor. Noong una ay more on sa maintenance and repair lang ang inooffer ng shop pero as years goes by sinubukan na rin namin ang mag-customize. Maganda naman ang takbo ng business kahit lagi akong wala pero napaka-hands on at perfectionist ni Jericho. Araw-araw naman kami nag-uusap kaya alam ko ang mga nangyayari. "Good afternoon Sir," bati ni April sa akin pagpasok ko sa office at tumango ako. "Is he in there?" tanong ko rito bago ako pumasok sa office ni Jericho. "Yes Sir," sagot nito. Naabutan ko na may kausap ito sa telepono. Natawa ako dahil sa reaction nito makita ako. Usually kasi kapag umuuwi ako ay pinapaalam ko sa mga ito. Sinenyasan ko ito na ipagpatuloy lang nito ang pakikipag-usap. Pagkalipas ng ilang sandali ay nilapitan ako nito saka niyakap. "Kailan ka pa nakabalik? Bakit naman hindi ka nag-sabi?" tanong nito at tumawa lang ako. "Kadarating ko lang kahapon," sagot ko bago umupo sa sofa. "May problema ba?" tanong nito pagkaupo nito sa bangko na katapat ko. Magkababata kami ni Jericho dahil malapit na magkaibigan ang mga magulang namin. Kung saan ako nag-aral ay nandoon din ito at katulad ko ay only child din ito. Magkasundo kami sa lahat ng bagay at magkasangga kami sa lahat ng bagay kaya sobrang close talaga kami. Kapatid na ang turingan namin sa isa't isa. "Bakit mo naman nasabi?" natatawa na tanong ko rito at umiling ito. "Matt, ako pa ba? Hindi ka naman basta uuwi kung walang problema. Sigurado ako na may kinalaman kay Sophia kung bakit ka nandito. Napaka-imposible na sila Tito at Tita ang dahilan," paliwanag nito at huminga ako ng malalim. "I caught her kissing another guy backstage and I thought it was the first but it wasn't. She also admits that she slept with someone else during her show in Macau," sagot ko at nagulat ito. "Really? She did that?" hindi makapaniwala na tanong nito. "Pare hindi ako makapaniwala na nagawa niya iyon sa akin. I trusted her," sabi ko habang pinipilit ko na pakalmahin ang sarili ko. Kapag naaalala ko ang tagpo na iyon at ang mga sinabi nito ay hindi ko mapigilan ang magalit. I admire her for being honest but I'm not dumb to just let it slip. "She knows my past and I already prove to her that I changed for her because I love her. Everything is going perfectly but I can't understand why she did this to me," pigil ang emotion na sabi ko rito. "I think we need a drink, Matt. I will call Raiver para malaman niya na nandito ka na at baka magtampo naman iyon," sabi nito at tumango lang ako. Pagkatapos tawagan ni Jericho si Raiver ay umalis na kami sa shop. Ibinilin na lang ni Jericho ang pagsasara ng Shop kay Benny. Lahat ng employees namin ay mapagkakatiwalaan na dahil lahat ng mga ito ay kasama na namin mula ng sa umpisa hanggang ngayon. Last year ay natapos na namin ipagawa ang workshop kung saan ginagawa ang pag-customized ng mga sasakyan. Nagdagdag din kami ng mga tauhan at ang ilan sa mga iyon ay pinag-aral pa talaga namin para mahasa sa ginagawa nila. Thankful kami dahil nakahanap kami ng mga tao na may malasakit sa trabaho at sa kumpanya. Pagdating namin sa Bar ay agad namin nakita si Raiver na naghihintay sa amin. Tumayo ito nang makita kami at nilapitan namin ito. Si Raiver ay ang total opposite ni Jericho. Naging kaibigan namin ito noong nasa high school kami. Isa itong scholar kaya ito naman sobrang talino nito. Kung si Jericho ay certified playboy, si Raiver naman ay one woman man dahil ang isa pa lang ang naging girlfriend nito na soon ay magiging asawa na nito. Nagtatrabaho ito sa isang Telecom company at mataas na ang position nito. "Ano ang dahilan at umuwi ka ng walang abiso?" tanong nito pagkatapos namin umorder ng inumin. "Let's just say na bumalik na ang karma," natatawa na biro ni Jericho at tiningnan ko ito ng masama. Mukhang na gets naman agad ni Raiver ang sinabi ni Jericho dahil tumawa ito saka ako tinapik sa balikat. Mukhang ito nga ang karma ko sa mga kagaguhan na ginawa ko noon. Aminado naman ako na marami akong nasaktan babae noon pero ang pinagkaiba lang ay hindi ko sila pinagsabay sabay. For a record si Sophia pa lang talaga ang minahal ko ng sobra at sa kanya ko lang nararamdaman iyon. Kaya "So, you know now how it felt to be broken-hearted Mr. James Matthew Marquez II?" tanong ni Raiver at tumawa naman si Jericho. "Masakit dahil akala ko siya na talaga ang babaeng hinahanap ko. Nagbago ako para sa kanya dahil sobrang mahal ko siya pero ito ang nangyari. Hindi ko pinagsisihan na minahal ko siya pero as soon as inamin niya sa akin that she had s*x with another guy when she was away it really broke me. Sa dalawang taon namin na pagsasama nawala iyon ng halaga at pakiramdam ko ay nawala na talaga ang tiwala ko sa kanya," sagot ko saka ko straight na inubos ang laman ng baso. "Are you going to stay here for good or just to relax?" tanong ni Jericho sa akin. "I told Mom that I'm finally taking Dad's position in the company. It's about time that Dad retired and relaxed. I'm planning on giving them their early anniversary gift, a Caribbean Cruise," sagot ko at tumango-tango ang mga ito. "That's good dahil matagal ka na rin nila gusto na mag-stay dito. Iba pa rin kasi kung ikaw ang mag-handle ng company ninyo rito since rito ang pinaka-mother company," sang-ayon ni Jericho. "Ano naman ang plano mo kay Sophia?" tanong ni Raiver at napaisip ako. "Sa loob ng isang buwan na hindi kami nag-uusap ni Sophia marami rin akong na realize. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip na magkaibang magkaiba kami ni Sophia pero tumagal kami? Ilang beses na nga ba kami nag-away sa mga walang kwentang bagay? Naisip ko rin kung gaano na nga ba niya ako katagal niloloko. Hindi kasi siya makasagot ng tanungin ko siya kung iyon lang ba ang ginawa niya? What happened really hit me hard. Ayaw ko na muna siya makausap at makita dahil sobrang sakit ng ginawa niya sa akin," sabi ko sa mga ito. "Mag-focus muna ako sa company ngayon para naman makapag-enjoy din sina Dad at Mom," dugtong niya. "Just give it some time and you'll be back on your feet again," payo ni Raiver habang tinatapik ako sa balikat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD