Ysabella
"Bakit naman ganyan ang mukha mo?" tanong ni Aileen pagkatapos ko ipatong ang phone ko sa lamesa.
Kasama ko si Aileen at kasalukuyan kami sa Restaurant para kumain at hinihintay lang namin si Rezanie at Jacob. Araw ng linggo at katatapos lang namin magsimba. Malapit lang kasi ang Apartment ko sa bahay ni Aileen kaya lagi kami sabay magsimba kapag araw ng linggo. Noon ay sa isang Apartment lang kami nakatira ni Rezanie pero last year ay nagsama na ang dalawa ni Jacob kaya naman naghanap ako ng mas maliit na place para sa akin. Tutol si Mom at Dad sa desisyon ko pero wala naman nagawa ang mga ito. Gusto ni Dad na doon ako tumira sa kanila kasama ang mga ito. Gusto naman ni Mom na bumalik ako sa bahay ni Lola dahil pamana iyon sa akin kaya dapat daw ako ang tumira roon.
"Ang kulit kasi ni Dad gusto niya ako umattend ng family dinner nila kasama rin ang family ni Chris. Imagine makakasama ko sa isang table ang akala ko na magiging future in-laws ko. Mula kasi nang sabihin ko sa kanya na aattend ako sa kasal ni Sandra ay gusto niya na present ako sa lahat ng ganap nila," inis na sabi ko at natawa ito.
"Syempre para naman happy big family ang dating hindi ba?" natatawa na sabi nito at napabuntong hininga na lang ako.
Nakaka-pressure lang talaga kasi kahit si Sandra at Tita Christina ay nag-message rin sa akin na para bang magiging kasalanan ko kapag may nangyari na masama kay Dad. Bawal kasi kay Dad ang ma stress at masyado mag-isip.
"Ang nakakatawa pa kapag nagkasakit si Dad dahil sa sobrang pag-iisip ay ako ang may kasalanan. Honestly, pumayag lang din naman ako para tumigil na si Dad kaso hindi ko naman inaasahan na ganito ang mangyayari. Noon ang tapang-tapang ni Sandra mag-message sa akin bago ngayon guilt trip naman. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang decision ko na pumayag?" tanong ko rito.
"I also don't know Ysa kung tama ba o mali ang naging desisyon mo. Tama naman na pumayag ka kasi ibig sabihin noon ay your taking a step forward to heal from the past. Hindi naman kasi niya pwede na habang buhay ka na umiwas sa kanila. The result is that they want you to be part of their life because they thought you're okay with it. It's your choice now kung gusto mo ba o hindi at kung handa ka na ba o hindi pa. Tanungin mo ang sarili mo dahil ikaw ang mas makakasagot sa tanong mo," payo nito at tumango lang ako.
"Hindi pa ako handa at hindi ko alam kung kailan ako magiging handa," sabi ko at tinapik ako nito sa balikat.
Pagkalipas ng ilang minuto namin na paghihintay ay nakita namin na pumasok na ang dalawa sa Restaurant. Kumaway si Aileen para makita nito kung saan kami nakapwesto. Nakipag-beso agad si Rezanie sa amin ni Aileen paglapit nito. Tumango naman ako ng tapikin ni Jacob ang balikat ko. Very supportive at understanding ng boyfriend ni Rezanie. Saksi kami ni Aileen sa pagmamahalan ng dalawa at talaga hanga ako sa mga ito. Minsan pa nga ay kasama namin ito sa mga lakad namin. Nagtratrabaho ito sa isang bangko bilang financial consultant. Mukha lang ito seryoso pero kwela at palabiro ito kaya hindi boring kasama.
"Ang tagal naman ninyo magsimba. Marami ka siguro kinumpisal Jacob," biro ni Aileen at nagtawanan kami dahil tumungo ito.
Sinenyasan ni Aileen ang waiter para maka-order na kami ng pagkain. Isang family size na pizza, bucket of wings, fries at nachos ang inorder namin. Natatawa na umiiling si Jacob dahil sa dami ng inorder namin. Normal na sa amin ang kumain ng marami at pasasalamat na lang talaga ako dahil hindi ako tabain although nag-eexcise pa rin naman ako. Nasa lahi kasi ni Mom ang mapapayat na at sa side naman ni Dad ang matataas.
"Baliw ka talaga, Ai. Nakita kasi namin iyong kababata ni Jacob na galing UK kaya nag-chikahan saglit. Gusto nga namin isama kaso may lakad pa raw siya kaya next time na lang," paliwanag ni Rezanie pag-alis ng waiter.
"Mukhang nangangamoy blind date na naman," natatawa na sabi ni Aileen at tiningnan ko ng masama si Rezanie.
Sinabi ko rito kahapon na hindi na muna ako makipag-date dahil nakakapagod din. Sa tingin ko ay kailangan ko muna magpahinga at hahayaan ko na lang kung may darating. Mag-focus na lang muna ako sa trabaho at sa upcoming exhibit ko.
"Mabait naman iyon at saka promise lampas ten sa rating. Mukha, datingan at tindigan pa lang ay eleven over ten na agad ang score," pag-bida nito at umiling ako.
"Wait, hindi ba naging maganda ang date ninyo ni Carl?" nagtataka na tanong ni Aileen at napapikit ako saka umiling.
Pagkatapos nang gabi na nakilala ko si Carl, ilang days lang ay inaya ako nito na lumabas. Ayaw ko naman siya husgahan base lang sa nakita ko sa mga social media account niya kaya binigyan ko siya ng chance. Sa isang kilalang Restaurant niya ako dinala at sobrang gentleman niya the whole dinner. Maraming kaming common interests kaya naman nag-enjoy talaga ako. Habang tumatagal nga lang ay may napansin ako sa kanya na hindi ko talaga nagustuhan. Pasimple na sinusundan niya ng tingin ang mga babae na dumadaan sa amin. Hindi ako nagpahalata na naiinis ako sa ginagawa niya. Nagpaalam ako na pupunta lang sa ladies room at pagbalik ko ay wala na siya sa table namin. Nang hahanapin ko na ito ay nagulat ako na may kalandian ito sa may bar counter na ibang babae. Bumalik naman agad ito sa table namin nang makita ako at ito naman ang nag-excuse. Na curious ako kung tama ba ang hinala ko kaya sinundan ko ito at tama nga. Nakita ko na pumasok ang girl sa men's room at napailing na lang ako dahil alam ko na ang mangyayari. Hindi ko na hinintay na bumalik siya at umalis na ako. Lahat ng iyon ay kinuwento ko kay Rezanie kinabukasan kaya nag-decide ako na ayaw ko na muna makipag-date.
"Wow, I can't believe it. Nagawa talaga niya iyon habang may ka-date siya?" hindi makapaniwala na tanong ni Aileen pagkatapos na ikuwento ni Rezanie rito ang buong pangyayari.
"Another one on my list of the worst date. He could have just tell me or much better he shouldn't have asked me to go out with him. Date pa lang pero ganun na siya what more pa kung tumagal. Buti na lang talaga at nakita ko agad dahil kung hindi ay baka may nangyari na rin sa amin. Ang nakakainis lang I felt we have so much things in common and the connection," nanghihinayang na sabi ko.
Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain na inorder namin. Nagsimula na sila kumain at napansin ko na panay ang pindot ni Aileen sa phone nito.
"Kumusta naman ni Marco?" tanong ko rito at buntong-hininga muna ito bago tumingin sa akin.
"Okay naman siya kaso nga lang medyo clingy at demanding," sagot nito at natawa kami ni Rezanie.
"Paanong clingy?" curious na tanong ni Jacob.
"Mula noong lumabas kami para mag-date halos araw-araw niya ako tawagan. Lagi niya tinatanong kung nasaan ba ako, anong ginagawa ko at sino ang kasama ko? Pakiramdam ko tuloy si Papa ang kausap ko dahil halos pareho sila ng sinasabi," inis na sabi nito.
Masasabi ko na kakaiba si Aileen pagdating sa maraming bagay. Maraming tao ang naweweirdohan sa kanya dahil kakaiba siya mag-isip. Eversince hindi siya nagkaroon ng long-term relationship at pinakamatagal na ang six months. Pagdating sa relasyon mas gusto niya iyong praktikal kaysa iyong mala-fairytale. Gusto rin naman niya ng romance pero not to the extent na hindi na kapani-paniwala. Naniniwala kasi siya na less expectations, less heartache and less mistakes.
"Okay naman sana siya sweet, gentlemen, very good looking at saka super good in bed," paliwanag nito.
Muntik ko na maibuga ang iniinom ko dahil sa huling sinabi nito. Si Rezanie naman ay umubo dahil bigla itong nabilaukan sa pag-inom ng tubig. Natawa lang si Jacob habang hinihimas ang likod ng girlfriend nito.
"What?" natatawa na tanong ni Aileen at tumingin sa paligid namin.
"Huwag nga kayo pa-virgin diyan dahil hindi bagay sa inyo," sabi nito at napailing lang ako.
"So ano ang plano mo kay Mr. Good in bed?" tanong ko rito at biglang nag-ring ang phone nito.
"See? Kakasabi ko lang sa kanya kanina na kasama ko kayo at mag-dinner lang tayo. Tinatanong na agad niya kung what time ako uuwi. Kung hindi ko pa sinabi kanina nasa loob ako ng simbahan siguradong kanina pa ito tumawag. What I mean is two weeks pa lang kami magkakilala and his been acting like months or years na kaming dalawa. Okay na sa akin iyong tatlong beses niya ako tawagan sa isang araw pero iyong almost every two hours? For me, I don't think it's normal," sabi nito habang nag-ring pa rin ang phone nito.
"Bakit hindi mo kausapin? Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo? May mga babae naman kasi na gusto ng ganyan na attention nagkataon lang na kakaiba ka. Mas mabuti kung kausapin mo siya para malaman niya," payo ni Rezanie at tumango-tango ako rito bilang pagsang-ayon.
"Sayang kasi," sabi nito at kunot ang noo nakatingin kami rito.
"Ang alin?" nagtataka na tanong ko rito.
"Magaling kasi Girl kaya baka kapag sinabi ko ay bigla na mag-disappear," sagot nito na hindi namin alam kung seryoso ba o nagbibiro ito lang.
"Ewan ko sa ito Ai, mababaliw na ata ako sa iyo. Puro ka talaga kalokohan kahit kailan," natatawa na sabi ni Rezanie at umiiling lang ako.
"Ikaw Jacob, ano sa palagay mo?" tanong ni Aileen dito at napatigil ito sa pagsubo ng fries.
"Well sa akin kasi kapag interested talaga ako sa isang tao as much as possible ay gusto ko siya makausap palagi at makasama. In your part you consider it being clingy and demanding but to others they think it's sweet and thoughtful. Magkakaiba kasi kayong mga babae ng gusto kaya unless you tell him na hindi mo gusto iyong ginagawa niya he will think there's nothing wrong. Just tell him Ai, if he take it and change her style meaning he is worth it but if he didn't definitely something is wrong with him. It's just a matter of compromise, talking to each other and being able to adjust. Sa case naman kasi namin ni Rezanie she didn't complain when I called her everyday but not like every two hours," paliwanag ni Jacob.
Tama naman ang sinabi ni Jacob nasa pag-uusap lang talaga iyon. Iyon din ang wala kami ni Christopher noon kaya siguro hindi kami tumagal. Kapag kasi may sinabi ito hindi na ako nakikipagtalo at sinununod ko na lang. Hindi ko rin nasasabi kung ano ang nararamdaman ko dahil natatakot ako na baka mawala siya sa akin. Hangga't maaari kasi ay sumasang-ayon lang ako sa lahat ng gusto niya. Ang iniisip ko kasi noon ay baka maghanap si Christopher ng iba kapag palagi kaming mag-aaway katulad ng nangyari kay Dad at Mom. Napatunayan ko na mali pala ako ng iniisip dahil ginagawa pa rin niya ako lokohin at ipagpalit kahit na ginawa ko ang lahat ng sinabi niya.
"Baka naman kasi masyado mong ginalingan kaya lagi kang hinahanap," natatawa na biro ko rito at nagtatawanan kaming lahat.
"Dapat pala ay hindi ko ginalingan. Ginalingan din naman niya pero hindi ko naman siya tinawagan maya't maya," tugon nito at mas lalo kaming nagtawanan.
"Ysa, last na talaga ito," sabi ni Rezanie pagkalipas ng ilang minuto na katahimikan.
"Promise Ysa hindi ka magsisisi dahil matagal ko na siyang kilala. Magkababata kami at matagal din kami nagkasama kaya kilalang kilala ko siya. Kagagaling lang din niya sa isang heartbreak at sa tingin ko ay magkakasundo kayong dalawa. Makipagkita ka lang sa kanya then kung hindi mo siya bet okay lang kahit wala ng kasunod," pakiusap ni Jacob at napatingin ako sa dalawa.
Ngayon lang nag-request si Jacob sa akin kaya hindi ko ito matatanggihan. Panghahawakan ko na lang ang mga sinabi nito na hindi ako magsisisi. Wala naman mawawala kung pagbigyan ko ito kumpara sa mga pabor na hiningi ko rito noon.
"Okay, but this will be the last," sabi ko at ngumiti si Jacob.
"Thank you, Ysa. Promise hinding-hindi ka magsisisi," nakangiti na sabi nito at natawa lang ako.
"Last blind date," sabi Aileen at tinaas ang baso at ginaya naman namin.
"Hopefully the one," hirit ni Rezanie bago kami mag-toast at natawa lang ako.