Chapter 7 - Excitement

2125 Words
Ysabella "Rezzie, pwede bang ikaw na muna ang pumunta sa Event ng Gonzales mamaya?" tanong ko rito ng tawagan ko ito. "Bakit?" nagtataka na tanong nito. "Remember Mrs. Marquez iyong nag-mentor sa akin way back in college?" tanong ko rito. "I think so," tugon nito. "She called me last night and she wants to meet me today. She wants us to organize their forty years Anniversary. Hindi natin ito dapat palampasin kasi this will be our biggest project," excited na kwento ko rito at tumawa ito. "Ano naman kaya ang nakakatawa sa sinabi ko?" nagtataka na tanong ko habang inaayos ang suot na damit ko sa harap ng salamin. Hindi ko talaga inaasahan na matatandaan pa niya ako. Nagkita kami nito last month sa isang exhibit ng kakilala ko at binigyan ko ito ng calling card. Isa ito sa mga kilala na artist hindi lang dito sa Pilipinas pero sa buong Asia dahil sa magaganda nito na obra. Sobrang down to earth at hindi matatawaran ang kabutihan nito kaya naman hinahangaan ko ito. Paggising ko kanina ay naghanap agad ako ng isusuot ko dahil gusto ko na maging presentable kapag nagkita kami. It's been ten years and I'm truly grateful for her. Pinasok ako ni Lola sa isang rehabilitation center dahil sa drinking problem ko. Doon ko nakilala si Mrs. Divine at hindi ako nito sinukuan lalo na noong unang linggo ko. Ito ang nagsabi sa akin na may potential ako basta ibuhos ko lang ang damdamin ko sa ginagawa ko. Nakatulong ng malaki sa akin ang pagpinta dahil nawala ang nararamdaman ko na anxiety at depression. Paglabas ko ng Rehab ay hinahanap ko kung saan pa ito nagtuturo at sumasali ako. Natigil lang ako dahil pinigilan ako ni Christopher, sa opinion nito ay wala akong mararating at hindi makakatulong sa amin. Bumalik lang ako sa pagpipinta nang maghiwalay na kami at nakatulong iyo para madivert ang attention ko. Ang unang paycheck ko mula sa company ay bumili agad ako ng painting niya na hanggang ngayon ay nakasabit sa Apartment ko. "I think you forget napag-usapan natin kahapon na si Michelle na ang bahala sa event ng Gonzales," natatawa na sabi nito at nakahinga ako ng mabuti dahil buong akala ko ay ako pa rin ang in-charge. "Thank God," nakangiti na sabi ko. "I think you also forget something," sabi nito at natigilan ako. Kinuha ko agad ang phone ko at binuksan ang calendar ko para tingnan kung may nakalimutan nga ba ako ngayon. Lumabas ako sa walk-in cabinet ko at umupo sa gilid ng kama. Ang event lang ng Gonzales ang nakasulat doon. Tiningnan ko naman ang planner ko nagbabakasakali na may notes ako roon pero wala rin ako makita. Nag-isip ako ng mabuti para matandaan kung ano ba ang tinutukoy ni Rezanie. "Let me help you Ms. Magnaye, you have a date later around seven o'clock at Grand Hyatt Hotel with JM," paalala nito at bigla ko nasapo ang noo ko. Pinag-usapan nga pala namin kahapon na ngayon ko makipagkita sa kababata ni Jacob. Ako nga rin pala ang nagbigay ng address dahil malapit iyon sa venue ng Gonzales just in case na magka-problema. Hindi na ako pwedeng umurong dahil nakakahiya kaya pilitin ko na dumating ng mas maaga. "Hindi ko ba talaga pwede makuha ang number niya?" tanong ko rito. "Para ano Ysa? Para in case na magbago ang isip mo ay pwede mo siya tawagan para mag-cancel. I know naman na ayaw mo na pero please, last na talaga ito," sabi nito at huminga ako ng malalim. "Okay," sabi ko rito. "Just be there at exactly seven o'clock. Don't forget to wear a red dress and just stay at the bar counter near the stage. He will just approach you when he sees you," paalala nito at napatingin ako sa suot ko na floral dress. "Hindi ba parang ang weird naman nun? Maghihintay lang ako roon sa Bar hanggang lapitan niya ako? Paano kung magkamali siya ng nilapitan? Paano kung mag-back out siya after niya ako makita?" naguguluhan na tanong ko rito at tumawa ito. "Hinding-hindi siya pwedeng magkamali at hindi rin siya mag-back out dahil nakita ka na niya sa pictures. Kung alam mo lang Ysa, na love at first sight ata siya sa iyo," kinikilig na sabi nito at napasimangot lang ako. "Hindi ba parang unfair naman iyon sa side ko dahil nakita na niya ako pero ako ay hindi ko pa siya nakita? Paano naman kung ako ang hindi magkagusto sa kanya?" inis na tanong ko rito at lalo pa ito tumawa. "Just trust me, okay? Be there and follow my instructions. Bye and Enjoy. Love you," sabi nito bago pa ako makapagsalita. "Sana lang talaga ay hindi ako magsisi," sabi ko saka tumayo. Bumalik na ulit ako sa loob para maghanap ng red dress. Red Bodycon dress na pwede ko patungan ng black na blazer para maging semi-formal at pwede maging casual kapag tinanggal ko na ang blazer sa gabi. Dahil wala akong idea kung ano ba ang itsura at klase ng date ko kaya I need a dress to kill. Kinuha ko na iyon at isang black na stiletto. Around lunch pa naman ang appointment namin ni Mrs. Divine kaya may oras pa ako na maglinis at mag-ayos. Pagkalipas ng ilang oras ay sakay na ako ng sasakyan papunta sa Restaurant kung saan kami magkikita ni Mrs. Divine. Sobrang excited na ako na makaharap at makausap ulit siya. Siya ang naging inspiration ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagpipinta at gayahin ang ginagawa nito na pagtulong sa mga nangangailangan. Pagdating ko sa Restaurant ay agad ko siya nakita sa may terrace habang may kausap sa phone nito. Naglakad na ako papalapit dito at sakto naman na katatapos lang nito makipag-usap kaya pinatong na ang phone sa lamesa. "Hello, there Darling," magiliw na bati nito sa akin. Tumayo ito, sinenyasan ako na lumapit dito at hindi ko inaasahan na yayakapin ako nito. Nakangiti na tinugon ko naman ang yakap nito. "You look so gorgeous, My dear," puri nito bago kami umupo. "You look gorgeous to Mrs. Divine," puri ko rito at ngumiti ito. "If I'm not mistaken it's been like nine or ten years since we talked to each other? The one last month is not counted because we didn't have enough time to catch up," nakangiti na sabi nito. "Hindi nga po ako makapaniwala dahil natatandaan pa po ninyo ako kahit ang tagal na po noon," tugon ko rito. "Darling, I may forgot the name but not the face and the story behind it. Marami na akong nakilala at nakasalamuha pero iilan lang sa kanila ang tumatatak sa akin," nakangiti na paliwanag nito. Maya-maya lang ay may lumapit na waiter sa amin para kunin ang order namin. Pagkatapos namin umorder ay umalis na ang waiter. Nilabas ko na ang laptop, notebook ko at pen para magsulat ng mga notes habang nag-uusap kami. "As I said last night, six months from now our Company will be celebrating it's forty Anniversary. I checked your website and I'm so impressed, that's why I called you. My husband and I were thinking that this year the theme of the party would be Black and White Masquerade. The venue will be in our Hotel. One hundred to two hundred are the estimated guests we are expecting. Next month after the meeting we can get the total of guests to be invited. The program will be organized by my staff and they will coordinate it with you," sabi nito at isa-isa kong sinulat ang mga sinasabi nito. "Do you have any specific design or preferred look for the venue?" tanong ko rito. May mga customers kasi na before pa kami tawagan ay may idea na sa kung ano ang gusto na maging design ng event. Mas pinapahalagahan namin ang mga idea at suggestion ng customer. Sinasabi lang namin kung applicable ba iyon o hindi sa kabuuan ng design. "I want white roses in the venue but I couldn't think of another flower that can go with it," sabi nito at nag-isip ako. "Pwede naman po na hindi na natin siya samahan ng bulaklak. In every table the centerpiece will be a big tower glass with white roses, feather and pearl string. We can make the feather black so it will contrast the white color," suggest ko habang pinapakita ko rito ang mga pictures na search ko. Nakita ko na nagliwanag ang mga mata nito senyales na nagustuhan nito ang idea na ipinakita ko. Tiningnan pa nito ang ibang pictures sa screen. "Ipapagawa ko po sa Artist namin ang magiging design ng entrance at ang mismo stage po. Kailangan ko po makita ang venue para masukat ko po kung gaano kalaki ang space na kailangan po na ayusan. Ang concern ko lang po Mam is hindi po ako sure kung gaano karami iyong roses na kakailanganin natin para sa centerpiece at sa iba pa po," paliwanag ko rito at ngumiti ito. Tumango ako ng sumenyas ito na kung pwede na gamitin nito ang laptop ko. Nag-type ito sa search button at maya-maya lang ay ipinakita nito sa akin ang mga pictures ng bulaklak. Namangha ako dahil ang lawak ng lupain kung saan nakatanim ang iba't ibang kulay ng mga roces pero mas marami ang white. Marami rin na iba pang klase ng bulaklak na makikita roon. "My family owns a flower farm in Tagaytay so you don't have to worry where to get them. You just need to tell me how many you need so I can send it to you," nakangiti na sabi nito at tumango-tango lang siya. Bago pa siya makapagsalita ay dumating na ang waiter dala ang order namin na pagkain. Tinabi ko muna ang gamit ko para hindi makasagabal sa pagkain namin. "Let's eat first Darling because work can wait," nakangiti na sabi nito at ngumiti rin siya. "Do you still paint?" tanong nito habang kumakain kami. "Yes po, actually I'll be having my third exhibit after I complete my collections," proud na sagot ko rito. "That's great. Akala ko kasi ay tumigil ka na after mo maging okay. Kadalasan sa mga tinuruan ko noon na may pinagdadaanan after nila maka-recover ay hindi na sila gumuguhit. Marami pa ring tao na maliit ang tingin sa mga artist dahil sa tingin nila ay walang patutunguhan sa buhay at walang asenso sa ganitong larangan. Hindi ko naman sila masisisi dahil ilan lang naman talaga ang nakaka-appreciate ng Arts," sabi nito na may bakas ng lungkot. "Naalala ko iyong first interview ko, ang Arts daw ay para lang sa mga mayayaman. Para sa akin wala naman qualifications or requirements pagdating sa Arts, mayaman o mahirap kung nasa puso mo pwede mong gawin. Hindi naman basehan ang estado sa buhay para gumawa ng sining. Sinasabi nila ginagawa ko ang gusto ko dahil may pera ako pero ang hindi nila alam ginagawa ko lang talaga ang gusto ko may pera man o wala. Nagpapasalamat talaga ako dahil suportado ako ng husband ko at ng pamilya ko," kwento nito at tumango siya bilang pagsang-ayon. Bigla ko tuloy naalala si Dad, Mom at Christopher dahil hindi nila suportado ang pagpipinta ko. Para kay Mom nag-aaksaya lang ako ng oras at panahon. Si Dad naman sa tingin niya ay hindi makakatulong iyon sa kanya at dapat ay mag-focus ako sa ibang bagay. Nagalit pa sa akin si Mom ng malaman nito na dinonate ko lahat ng kinita ko sa unang exhibit ko. Binigyan ko rin naman sila pero hindi lahat. "Katulad mo may trabaho ka pero ginagawa mo pa rin ang hilig mo, ang magpinta. Pwede mo naman silang gawin ng sabay at hindi mo kailangan na mag-sakripisyo para lang gawin ang gusto mo. Sa case ko mas pinili ko na gawin siya na full-time at ibigay sa mga nangangailangan ang makukuha ko," sabi nito. "Sa akin naman po Mrs. Divine nakakatulong po siya para mawala ang anxiety ko. Kadalasan po nagagawa ko siya kapag sobrang lungkot ko o kaya naman po sobrang saya ko. Nagpapasalamat po ako kay Dahlia iyong may-ari po ng Art gallery dahil siya po ang nag-organize ng exhibition. Tinulungan po niya ang mga undiscovered artist para po ma-expose," sabi ko rito. Marami pa kaming napag-usapan at sobrang nalilibang ako na makausap ito. Napatingin ako sa relo ko at quarter to six na kaya dapat ay umalis na ako kung ayaw ko na malate. "Need to be somewhere?" tanong nito at nakangiti na tumango ako. "Go Darling, we can meet again another time. Take care and let's keep in touch," sabi nito at sinimulan ko na ayusin ang mga gamit ko. "Maraming salamat po. Yes, we will be in touch and you also take care," sabi ko at nakipag-beso na ako rito bago umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD