Chapter 8 - HER date

1789 Words
Ysabella Mabuti na lang at napansin ko agad ang oras dahil kung hindi ay siguradong hindi ako makakarating sa tamang oras. Hindi naman kalayuan ang Hotel na pupuntahan ko sa Restaurant na pinanggalingan ko pero dahil sa traffic kaya kailangan ay lagi akong ahead of time. In fact, ayaw na ayaw ko na ma-late sa kahit anong lakad ko at same ayaw ko rin sa mga tao na late dumating. Pagdating ko sa parking lot ng hotel agad kong tiningnan ang relo ko and it's six thirty kaya may time pa ako para mag-retouch. Tinanggal ko na muna ang blazer ko bago ako bumaba ng sasakyan. Agad ako pumunta sa ladies room para roon na mag-ayos. Buti na lang at walang ibang tao sa loob kaya nagsimula na ako na mag-retouch ng make up ko. Habang nakatingin sa salamin ay pinag-isipan ko kung hahayaan ko ba nakalugay ang mahaba at curly ko na buhok o mag-pusod ako. Nagulat ako ng biglang mag-ring ang phone ko at nakita ko na si Aileen ang tumatawag. Sinagot ko iyon at binuksan ang screen. "Wow! Iyan ba ang mukha ng ayaw makipag-date? Halata nga na napipilitan ka lang. Curious tuloy ako kung ano ang itsura mo kapag full blast," pang-aasar nito habang tumatawa. "Tumawag ka ba para asarin lang ako?" inis na tanong ko rito at tumigil na ito sa pagtawa. "Ito naman pikon hindi na mabiro. I just want to check you out," sabi nito. "What do you think should I just let my hair down o tie it?" tanong ko rito at tiningnan nito ang ginagawa ko na pagtaas sa buhok ko. "I think you just let it down mas mukhang sexy. Rawr!" sabi nito at tinaas pa ang dalawang kamay. "Joke lang po Sister Ysabella, pero seriously mas bagay kapag nakalugay Sis," bawi nito nang makitang naningkit ang mga mata ko. "Puro ka talaga kalokohan. Sige na at malapit na mag-seven kailangan ay nasa loob na ako," sabi ko rito. "Okay Bye. Enjoy!" sigaw nito bago ko pindutin ang end button. Nag-apply din ako ng pabango sa likod ng tenga ko, sa may leeg, pulsuhan at sa may dibdib. Kahit naman papaano ay gusto ko maging maganda ang impresyon nito sa akin. Nilagay ko na sa bag ko ang mga gamit ko nang bigla ko marinig ang phone ko. Tiningnan ko iyon at nakita ko na ten percent na lang ang battery ng phone ko. Hinanap ko sa bag ang power bank ko pero bigla ko naalala na iniwan ko nga pala iyon sa sasakyan kanina. Nagdadalawang isip ako kung babalik ba ako sa sasakyan o hahayaan ko na lang. "Bahala na nga," sabi ko at lumabas na ako sa ladies room. Pagpasok ko sa Restaurant ay napatingin agad ako sa paligid. Wala pa masyadong tao at wala rin tao nakaupo sa may bar counter. Naglakad na ako papunta sa mismong lugar na sinabi ni Rezanie. Pagkaupo ko ay tumingin muna ako sa paligid bago ko sinenyasan ang bartender para umorder ng maiinom habang naghihintay. Sa totoo lang ay sobrang kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko. Sinusubukan ko na maimagine kung ano ang posibleng itsura nito base sa mga binanggit ni Jacob at Rezanie. Matangkad, magandang lalaki at may dimples. "Sana lang po ay hindi niya ako indianin dahil sayang naman ang effort ko," sabi ko sa sarili ko pagpatong ng inorder ko na cocktail. Pasimple na tumingin ako sa relo ko at ten minutes na lang ay seven na. Inaliw ko muna ang sarili ko sa pakikinig sa acoustic pband na tumutugtog sa stage. Halos lahat ng mga nakikita ko roon ay may mga partner na. Malapit na maubos ang iniinom ko at saktong seven o'clock na. Naghintay ako na may lumapit na sa akin any moment kaya umayos na ako ng pagkakaupo. Hindi ko alam kung naiinip na ako dahil maaga ako dumating kaya technically ay matagal na ako naghihintay o talagang mainipin lang ako. "Ten minutes. Ten minutes more. Kapag wala ka pa rito after ten minutes aalis na ako," bulong ko at huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bag kaya kinuha ko iyon. Napasimangot ako ng makita ko na si Rezanie ang tumatawag. Dalawa lang naman ang posibleng dahilan kung bakit ito tumatawag. It's either late darating ang date ko o kaya naman hindi na ito makakapunta. "Nasaan ka Ysa?" tanong nito at gusto ko matawa sa tanong nito. "Kanina pa po ako nandito," sagot ko. Bago pa ulit ako makapagsalita ay nag-indicate na ang phone ko na low battery at hindi nagtagal ay tuluyan ng namatay. Sinubukan ko ulit buhayin pero ayaw na talaga. Napapikit ako sa sobrang inis dahil na lowbat na ang phone ko bago wala pa ang date ko. Sa sobrang pagmamadali ko kasi kanina ay hindi ko na full-charge ang phone ko. "Ano ang gagawin ko ngayon? Maghihintay ba ako hanggang dumating siya? O susundin ko iyong palugit ko?" tanong ko sa sarili ko at yumuko ako. "Excuse me, Miss?" narinig ko na at dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para malaman kung ako ba ang tinutukoy nito. Natigilan ako dahil sa nakita ko. Nasa harap ko ang isang lalaki na tumutugma sa description na narinig ko mula sa dalawa. Obvious na matangkad ito dahil kahit mataas na upuan ko ay kailangan ko tumingala. Hindi lang ito basta magandang lalaki dahil malakas din ang dating nito. Matikas ito tingnan sa suot nito na dark blue long sleeve polo. "JM?" alanganin na tanong ko at ngumiti ito. Halos mapasigaw ako sa tuwa nang ngumiti ito dahil kitang-kita ko ang isang dimples nito. Masaya ako dahil hindi pala ako naghihintay sa wala. Nakahinga na ako dahil sulit ang effort ko sa gabi na ito. "Sorry, if I was late. This is embarrassing but I was late because I got a little lost," apologetic na sabi nito at tumango siya. Bigla ko naalala na kababalik pa nga lang pala nito galing abroad kaya acceptable ang reason nito. Hindi ko maipaliwanag kung ano ba ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. He is ten times more than as I anticipated. Masyadong mababa ang ibinigay ni Rezanie na rate para rito dahil para sa akin he is more like fifteen over ten. "It's okay halos kadarating ko lang din naman," pagsisinungaling ko at bumaling ang tingin nito sa hawak ko na cocktail glass na halos wala ng laman. "I'm really really really sorry," sincere na sabi nito at natawa na lang ako. "I'm James Matthew Marquez and your name is?" tanong nito saka ilahad ang isang kamay nito sa kanya. "Ysabella Magnaye," nakangiti na tugon ko at tinanggap ko ang kamay nito. Ngumiti ito at pinigilan ko ang sarili ko na ngumiti rin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam na parang may kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko. Ramdam ko na ayaw pa nito bitawan ang kamay ko pero dahan-dahan ko na binawi ang kamay ko rito. Umiwas ako ng tingin at pasimpleng tiningnan ko ito. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ito ang ka-date ko. Ngayon ko talaga masasabi na hindi ako dapat magsisi na pumayag na makipag-date rito. "Would you mind if I asked you to go somewhere else?" bulong na tanong nito at nakakunot ang noo napatingin ako rito. Tumingin ako sa paligid at medyo dumami na ang tao sa loob ng Restaurant at dahil malapit kami sa stage kaya medyo malakas ang sound dahilan para bumulong ito. Sobrang naweweirdohan ako sa sarili ko dahil sa saglit na paglapit nito ay kakaiba ang nararamdaman ko. "Jusko po kahit sa langit sasama ako," pilya na sabi ko sa sarili ko. "Not at all," sagot ko at kinuha nito ang kamay ko para alalayan ako nito na bumaba sa upuan. "Where are we going?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng Restaurant at hawak pa rin nito ang kamay ko. "You will know when we get there," nakangiti na sabi nito pagdating namin sa parking lot. "Would you mind if we just take your car?" tanong nito at napatingin ako rito. "Hindi naman siguro siya carnapper o holdaper. Mukhang desente naman at professional siyang tingnan para maging ganoon. Dapat ba magtiwala agad ako sa kanya? Pero kababata siya ni Jacob so siguro naman ay hindi siya masamang tao," sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako rito. "Naisip ko lang kasi na medyo hassle kung magkahiwalay pa ang sasakyan natin. But if you're not comfortable we can just go on convoy," sabi nito ng mapansin natigilan ako. "Okay, we can just take my car," sabi ko at naglakad na kami pa punta sa sasakyan ko. "Pero paano ang sasakyan mo?" tanong ko rito. "I'll just call my friend, he have a spare key of my car," sagot nito at tumango-tango lang ako. Naisip ko na totoo nga na hassle pa iyon kung mag-convoy po kami papunta sa kung saan nito na isipan. Pagpasok namin sa sasakyan ay nakita ko na inilibot nito ang mata sa loob. Malinis ako pagdating sa sasakyan ko kaya sigurado na wala itong maipipintas. My car is like a second home to me, that's why I always clean it. "So where to?" tanong ko rito. Sinabi nito ang location at pangalan ng Restaurant. Familiar sa kanya ang lugar kaya hindi siya mahihirapan na hanapin iyon. "Sorry kung lumipat pa tayo ng location hindi kasi ako komportable sa medyo crowded na lugar. Sa tingin ko ay hindi rin tayo makapag-usap ng maayos dahil na rin sa lakas ng sound," sabi nito at nakangiti na tumango lang ako habang nakatingin sa kalsada. May point naman ito dahil malakas na rin ang sound at dumami na ang tao. Naalala ko ang sinabi ni Jacob na matahimik ito na tao pero magaling makisama. Ilang sandali lang at nakarating na kami sa destination namin. Lumabas agad ito at nagulat ako ng maglakad ito papunta sa pwesto ko. Tinanggal ko ang seatbelt ko at binuksan naman nito ang pinto. Inilahad nito ang kamay sa kanya at tiningnan ko ito saka iyon tinanggap. "A friend of mine recommended this," sabi nito habang naglalakad kami papasok. Mas pinili nito ang pwesto na malapit sa terrace at medyo may kalayuan sa stage kung saan ay may tumutugtog. Maganda ang view mula sa pwesto namin kaya napangiti ako. Unlike sa unang Restaurant, open area ang Restaurant na pinuntahan namin ngayon kaya naman hindi kulong ang sounds. Inalalayan muna ako nito umupo saka ito umupo. Ilang sandali lang ay may lumapit sa amin na waiter para kunin ang order namin. Maganda ang ambiance ng lugar at mukhang masarap ang pagkain. "I hope you like the place," sabi nito. "Much better," sagot ko at ngumiti ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD