Chapter 9 - HIS date

1749 Words
James Matthew "You lose! Finally, I bet you!" sigaw ni Jericho pagkatapos namin maglaro ng NBA game. Hindi ako makapaniwala na natalo ako dahil sa ilang beses na namin na paglalaro ay never pa ako natalo. Natatawa na napatingin ako rito dahil tuwang-tuwa ito. Nagkayayaan kami na maglaro sa loob ng office dahil break time naman. Sinabi nito na may dare sa kung sino ang matatalo. Hindi naman ako kinabahan dahil alam ko na mananalo ako pero ngayon habang tinitingnan ito ay bigla akong kinabahan sa kung ano ang ipapagawa nito sa akin. "Okay, fine. What's gonna be your dare?" tanong ko rito at tumawa ito ng malakas. "Hayaan mo naman muna na magdiwang ako dahil sa loob ng mahabang panahon ay ngayon lang ulit ako nanalo sa iyo," masaya na sabi nito at parang bata na tumalon-talon kaya napailing lang ako. Hinayaan ko lang ito sa ginagawa nito at inisip ko ang maaring ipagawa nito sa akin. Maya-maya lang ay humihingal na umupo ito sa tabi ko at ngumiti na para bang wala ng bukas. "I dare you go to a blind date tonight," sabi nito at umiling ako dahil never po ako nakipag-blind date. "Sorry Bro, but it's my choice because I win and you lose," natatawa na sabi nito. "Just think of another dare because I won't go," sabi ko at nilagay ko ang dalawang kamay ko sa ulo saka sumandal sa upuan. "Okay, if you insist but it's either you let me drive Betty or you go on a date?" tanong nito at umayos ako ng upo. "What time and where?" tanong ko rito at tumawa ito ng malakas. "Just what I thought," nakangiti na sabi nito at tiningnan ko ito ng masama. Si Betty ang pinaka iniingatan ko na sasakyan. Ako lang ang tanging gumagamit noon at wala ng iba pa. Iyon ang unang sasakyan na nabili ko gamit ang sarili kong pera kaya naman sobrang mahalaga iyon sa akin. Sentimental akong tao at kapag mahalaga sa akin ay talagang pinagkakaingatan ko. "Tonight seven o'clock at Grand Hyatt Hotel," sabi nito at huminga ako ng malalim. "How I will know if she is my date?" tanong ko rito. "She will be waiting for you in the Bar counter and she's wearing a red dress," sagot nito at nagatataka na tumingin ako rito. "That's all you can say? What if there's ten women waiting at the counter and they are all wearing red dresses?" tanong ko rito at ngumiti ito. "Approach them one by one and asked her if she's your date," sagot nito at tiningnan ko ito ng masama. "Kidding aside napaka-impossible naman na mangyari ang sinasabi mo pero if ever nga na ganoon. I told your date that your name is JM so better ask the girl first," sabi nito at naguguluhan ako na nakatingin dito. Ang mga close ko lang na kaibigan ang tumatawag sa akin ng JM pero mostly ay Matt ang tawag sa akin ng mga kakilala ko. James Matthew was my father's name so he goes by name of James and me as Matthew or Matt for short. "Just be there before seven," sabi nito at tumayo na. "Kapag hindi ka sumipot mamayang gabi you better leave the key in my table tomorrow," paalala nito bago naglakad palabas ng office namin. Napapailing na lang ako dahil alam na alam nito na hindi ako nakikipag-date. At saka ilang weeks pa lang ako rito sa Pilipinas dahil umiwas ako sa girlfriend ko na magiging Ex ko na. Habang nandito ako sa Pilipinas ay may mga nakarating sa akin na balita tungkol kay Sophia kaya mas lalo ako naging decided na tapusin na ang relasyon namin. Mahihirapan na ako magtiwala sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin na hindi lang isang beses pero maraming beses na pala. Mabilis na lumipas ang oras at nagpaalam na ako sa mga ito. Pinaalala ulit sa akin ni Jericho ang tungkol sa date ko at magiging consequence kapag hindi ako pumunta. Pagdating sa bahay ay naligo na ako at nagbihis. I'm planning to be there early para makita ko agad ang itsura ng date ko. Wala akong tiwala kay Jericho at sigurado ako na isang prank lang ang lahat ng ito. Sa aming tatlo si Jericho talaga ang puro kalokohan at mahilig magbiro. "I just hope this is not one of your stunts," sabi ko habang sakay ng sasakyan papunta sa place na sinabi ni Jericho. Pagdating ko sa Hotel ay agad ako dumiretso sa Restaurant. Pagpasok ko ay konti pa lang ang tao sa loob. Pumwesto ako sa may table na may kalayuan sa bar para hindi masyadong obvious. Tumingin ako sa orasan and it's only six thirty kaya mahaba-haba pa ang oras ng paghihintay ko. Maya-maya lang ay may pumasok na babae na naka-red pero hindi dress. Mga ilang sandali lang ay may pumasok ulit pero may kasama naman. Tumingin ulit ako sa orasan and it's quarter to seven na kaya ilang minuto na lang ay dapat dumating na ang ka-date ko. Tumingin ako sa paligid at nagsisimula ng dumami ang mga customer. Kung ako ang tatanungin hindi ako komportable na makipag-date sa ganitong lugar. Mas gusto ko iyong medyo tahimik at maaliwalas ang ambience. Abala ako sa panonood sa banda ng mapansin ko ang isang babae na nakaupo sa may bar counter na malapit sa may stage. Mag-isa lang ito at mas pumukaw sa attention ko ang suot nito na red dress. Pinagmasdan ko ito ng mabuti at kahit may kalayuan ay lutang na lutang ang kagandahan nito sa suot nito. Hindi nagtagal ay may isa pang babae na umupo rin sa may counter at naka-red ito na dress. "Seriously?" natatawa na sabi ko habang pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawang babae na nakaupo sa counter. Pinag-iisipan ko muna na mabuti kung paano ko lalapitan ang dalawa na hindi magmumukhang ewan. Hindi naman ako mahihirapan na lapitan ang kahit sinong babae ang iniiwasan ko lang ngayon ay baka magkamali ako ng lapitan na babae. Hinintay ko muna na mag-seven o'clock bago ako gumawa ng moves. Napansin ko na may lumapit na lalaki roon sa isang babae na naka-red kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako. Nakita ko na may kausap sa telepono ang babae na malapit sa may stage. Tumayo na ako para lapitan ito at alamin kung ito ba ang ka-date ko. Pagkalapit ko rito ay nakayuko ito. "Excuse me, Miss?" narinig ko na rito at unti-unti itong umangat ng tingin sa akin. "JM?" alanganin na tanong nito at ngumiti ako. Kung sa malayo ay napansin ko na agad ang kagandahan nito ay mas lalo akong humanga dahil mas maganda ito sa malapitan. Mukhang hindi ito isang prank o joke dahil hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ng makaka-date ko. Tinanong ko ito kung pwede ba kami lumipat ng place at pumayag naman ito. Hindi ko alam pero parang normal lang na hawakan ko ang kamay nito na para bang matagal ko ng ginagawa sa dalaga. Wala naman akong narinig na reklamo o pagtutol mula rito. Gusto ko matawa ng sabihin ko na sasakyan na lang nito ang gagamitin namin dahil nakita kong natigilan ito. Hindi naman kasi normal na sabihin iyon sa unang pagkikita pa lang. Hindi ko maipaliwanag pero ang gaan agad ng loob ko sa babaeng ito at may something na interesting dito na hindi ko ma-explain. "Ano pala ang work mo?" tanong nito sa akin habang kumakain kami. "May negosyo kami ng bestfriend ko isang Repair, Service and Customize Car Shop. How about you?" tanong ko rito. "We organize parties and events," sagot nito at tumango ako. Hindi ko maiwasan na hindi ito pagmasdan dahil sa expressive nito na mga mata at ang nakakaakit nitong ngiti. Hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti kapag tumatawa ito. "Ano naman ang pinagkakaabalahan mo kapag hindi ka busy sa work?" tanong ko rito at uminom muna ito ng tubig. "Kapag may free time ako pumupunta kami ng mga kaibigan ko sa beach. Ngayon naman ay nagustuhan ko ang mag-hiking dahil sa friend ko. Ikaw?" tanong nito at napaisip ako. "Talaga hiking? That's interesting to know parang ngayon pa lang ako nakakilala na babae na gusto ang mainitan at umakyat sa mga batuhan. Hindi ko naman sinasabi na hindi dapat o bawal pero nakakagulat lang for me. Mostly kasi iyong mga babae na kilala ko more on sa makeup, shopping, traveling that kind of stuff ang pinagkakaabalahan. Same, I love going to the beach when I have time," sagot ko rito. "Do you mind if I order something to drink?" tanong ko rito at saglit itong natigilan saka tumango. Sinenyasan ko ang waiter, umorder ako ng maiinom ko at umorder naman ito ng beer. Napangiti ako dahil ngayon lang ako nakilala ng babae na beer ang iniinom instead of wine. Kakaiba talaga itong ka-date ko at hindi ko mapigilan ang ma-amaze. "Huwag mo sana masamain pero how long have you been going on date?" tanong ko rito pagdating ng order namin na alak. Isang bucket of beer ang inorder nito, kumuha ito ng isa saka binuksan iyon at ngumiti sa akin. Pinagmasdan ko ito habang umiinom at hindi ko napigilan ang mapalunok. Napaka-sexy kasi nito na tingnan habang umiinom. "Almost one year na ata, hindi ko na matandaan. After ko mag-mukmok pagkatapos akong lokohin ng boyfriend ko ay saka ako nagdecide na makipag-date hoping na makakilala ng guy na magiging interesado sa akin at magiging interested ako. Hindi kasi ako nagkaroon ng chance na makakilala ng ibang guy noon dahil iyong Ex-boyfriend ko ay siya iyong first boyfriend ko," paliwanag nito at tumango-tango lang ako. "Ikaw? Ano naman ang kwento mo?" tanong nito at napangiti ako. "To honest ikaw pa lang ulit ang naka-date ko after namin maghiwalay ng girlfriend ko. Nakita ko siya na may kahalikan na ibang lalaki and when I confront her she admit having s*x with another guy when she was away," sagot ko saka inubos ang laman ng baso ko. "Nakita ko sila naghalikan sa parking lot at ng sinundan ko sila ay papunta pala sila sa isang motel. Ang masaya po noon it happen the day before our fifth anniversary," pilit ang ngiti na sabi nito. "I think I should thank him," nakangiti na sabi ko at nakakunot ang noo nakatingin ito sa akin. "Kasi I got the chance to meet you," sabi ko at umiiling na nakangiti ito. "Sasabihin ko rin sana iyon kaso magiging redundant na," natatawa na sabi nito at natawa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD