Ysabella
Sobrang dami na namin napag-usapan at nakakatuwa malaman na ang dami pala namin common interest. Marami rin akong nalaman tungkol sa binata at hindi ko mapigilan ang humanga. Sa edad nito ngayon ay may sarili na ito na negosyo at CEO pa ito ng company na ipinundar ng pamilya nito. Mahilig ito sa mga outdoor activities at sport kaya hindi nakakapagtaka na maganda ang hubog ng katawan nito. Magaan ang loob ko rito at pakiramdam ko ay pwede kong sabihin dito ang lahat-lahat.
"Saan ka ba nakatira?" tanong ko rito pagkatapos nito tawagin ang waiter para kunin ang bill namin.
"Ihahatid mo ba ako?" nakangiti na tanong nito at natawa ako.
Pagdating ng bill ay agad kong kinuha sa waiter at pilit iyon inagaw ni Matthew sa akin. Kinuha ko ang wallet ko sa bag para kumuha ng pera. Kapag nakikipag-date kasi ako ay hindi ako napayag na hindi ako humahati sa bill.
"Hati tayo," nakangiti na sabi ko rito habang pilit pa rin nito inagaw sa akin ang bill.
"No I insist dahil ako ang lalaki," sabi nito at tiningnan ko ito ng masama.
"Hindi po dahil lalaki ka ay ikaw na ang dapat magbayad," katwiran ko rito at nakangiti na umiiling ito.
Bago ko pa mabuksan para tingnan kung magkano lahat ang bill namin ay mabilis nito naagaw sa akin ang papel at naiwan lang sa akin ang pinaglagyan. Tiningnan ko ito ng masama habang sinesenyasan na ipakita nito sa akin. Hindi ako nito pinansin at kumuha ng card saka inabot sa waiter. Sinubukan kong habulin ang waiter pero parang nananadya na mas binilisan pa nito.
"Magkano lahat?" tanong ko rito at umiling ito.
"Matthew, magkano nga?" tanong ko ulit dito at inubos nito ang laman ng baso nito.
"Mabulunan ka sana," natatawa na sabi ko at nagkatotoo nga kaya lako ako natawa.
"Kuya, magkano po lahat? Kapag hindi mo sinabi sa akin mababaog ka," banta ko sa waiter pagbalik nito at natawa ito.
"Okay lang po Mam, bakla naman po kasi ako," nakangiti na sagot nito at napangiti ako saka ko tinapik ang kamay nito.
"Sorry teh," sabi ko at ngumiti lang ito saka umalis.
"Gusto mo pa ba uminom?" tanong nito sa akin at mukhang alam ko na kung saan papunta ang sinasabi nito.
"Pwede pa naman," sagot ko rito at tumingin ako sa relo ko.
Nine o'clock pa lang naman kaya maaga pa. Hindi ko na palalampasin pa ang pagkakataon na mas makasama ko pa ito. Halata naman na may something sa aming dalawa at hindi lang ako basta nag-assume. Hindi ko naman maitatanggi na interesado ako rito at mas gusto ko pa ito makilala.
"Ngayon ko lang naramdaman ito kaya bakit pipigilan ko pa?" sabi ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ito.
Inilagay na nito ang receipt sa bulsa nito at ang card sa wallet nito. Tumayo na ito at inalalayan ako na tumayo. Natigilan ako nang hawakan nito ang kamay ko. Pakiramdam ko kasi ay nakuryente ako sa paglapat ng kamay nito sa akin at nag-aalala na tumingin ito sa akin.
"Ito ba ang epekto?" natatawa na tanong ko sa sarili ko habang hawak pa rin ng binata ang kamay ko.
"Okay ka lang ba, Ysabella?" nag-aalala na tanong nito at nakangiti na tumango lang ako saka tumayo na.
Magkahawak kamay kami na naglakad palabas ng Restaurant. Hiningi nito ang susi sa akin at binigay ko naman. Inalalayan muna ako nito na sumakay saka ito pumunta sa driver side. Kung kanina ay hindi ko nararamdaman ang epekto ng alak pero pagpasok ko ng sasakyan ay doon ako nakaramdam ng pagkahilo. Binuksan ko ang stereo sa sasakyan ko at naghanap ng magandang kanta. Binuksan ko ang bintana para pumasok ang hangin dahil ang init-init ng pakiramdam ko.
"We're here," sabi nito pag-park ng sasakyan ko sa pinaka-basement ng building. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Sa pagkakatanda ko ang huling beses na naramdaman ko ito ay noong first time namin ni Christopher.
"Are you okay? Kung nagbago na ang isip mo o kaya ay may gusto ka na ibang place na puntahan ay okay lang sa akin," sabi nito at napatingin ako rito.
"Okay lang. I mean okay lang ako at okay lang kahit saan," kinakabahan na sagot ko rito at ngumiti ito.
Bumaba na ito sa sasakyan at pinagmasdan ko ito na maglakad papunta sa pwesto ko. Binuksan nito ang pinto at inilahad ang kamay nito na tinanggap ko naman. Inabot na nito ang susi ko at nilagay ko naman iyon sa bag ko. Kinuha nito ang kamay ko at naglakad na kami papunta na sa elevator. Pagpasok namin sa elevator ay pinindot nito ang number eleven at hindi na nito binitawan ang kamay ko. Habang tumataas ang floor ay pabilis naman ng pabilis ang t***k ng puso ko.
"Nasa tamang katinuan pa ba ako? Normal ba itong nararamdaman ko?" tanong ko sa sarili ko.
Napatingin ako kay Matthew ng biglang tumunog ang indicator na nasa eleven floor na kami. Napalunok ako ng bumukas na ang pinto at naglakad na ang binata palabas dahil hawak pa rin nito ang kamay ko kaya naman halos sabay kami. Ilang pinto ang nilampasan namin bago ito tumitigil. May pinindot ito at ilang sandali lang ay nagbukas na ang pinto.
"Welcome," nakangiti na sabi nito pagpasok namin.
Malaki ang unit nito na sa tingin ko ay katumbas ng dalawang unit na pinagsama. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar at namangha ako dahil napakaganda ng pagkakaayos. Ang bawat gamit na nakikita ko ay halatang mamahalin dahil na rin sa disenyo at materyales na ginamit.
"Beer?" tanong nito at napalingon ako rito.
Inabot nito ang beer sa akin bago ito umupo sa mahabang upuan at umupo na rin ako. Uminom muna ako saka inilibot ko ang paningin sa paligid.
"Maganda itong place mo," sabi ko saka tumingin dito.
Natawa ako dahil nakatingin pala ito sa akin. Pinipilit ko na pakalmahin ang sarili ko dahil kahit ang tingin lang nito ay may epekto na agad sa akin. Uminom muna ako saka tumayo para umiwas dahil hindi ko kaya na manatili na nakaupo lang. Naglakad ako papunta sa may terrace para magpahangin. Napalingon ako nang maramdaman ko na nasa likuran ko na ito.
"I know this might sound ridiculous but the moment I laid my eyes on you I felt something strange. I have been on many dates before but I never feel the connection like this instantly. I can't really explain it but did you feel it too?" tanong nito sa akin at marahang tumango ako bilang sagot saka ito ngumiti.
Agad itong lumapit sa akin at sinakop ang labi ko. Sa una ay hindi muna ako tumugon pero naramdaman ko ang pag-haplos nito sa pisngi ko kaya dahan-dahan na rin ako tumugon at pumikit. Habang tumatagal ay lumalalim at nagiging mapangahas na ang halik nito. Namalayan ko na kinuha na nito ang bote na hawak ko. Nag-umpisa na kami na naglakad papasok na hindi naghihiwalay ang labi namin. Maya-maya lang ay naramdaman ko na kinarga ako nito bridal style. Hindi naman ako tumutol at hinayaan ko na lang ito.
Dahan-dahan ako nito binaba at saglit na naghiwalay ang labi namin. Tiningnan ako nito na para bang may hinihintay ito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinanggal ko ang sapatos ko na hindi inalis ang tingin dito. Sinimulan ko na tanggalin ang butones ng polo nito. Nakakailan pa lang ako nang lumapat na ang labi nito sa labi ko. Pinagpatuloy ko ang pagtatangal ng iba pang butones nito habang abala naman ang kamay nito sa katawan ko. Tuluyan ko nang tinanggal ang polo nito at hindi ko napigilan ang sarili ko na kapain ang matigas nitong dibdib hanggang sa abs nito. Naramdaman ko ang pagbaba ng zipper ng dress ko at ilang sandali lang ay naramdaman ko na iyon sa paanan ko. Walang pasabi na binuhat na ako nito at naramdaman ko na lang ang malambot na kama sa likuran ko. Mula sa labi ko ay nagsimula ng maglakbay ang labi nito sa may leeg ko pababa sa dibdib ko.
"Ahhh…," ungol ko nang maramdaman ko ang dila nito sa pinaka corona ng dibdib ko at ang isang kamay naman nito ay minamasahe ang kabilang dibdib ko.
It's been a year since I have been this intimate with someone and this is way far good from it. Mula pa lang sa halik nito kanina ay nakaramdam na ako ng kakaibang init at ngayon ay mas umalab pa iyon. Nagpalipat lipat ang labi at kamay nito sa dibdib ko na hindi ko na rin alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko dahil sa sensayon na nararamdaman ko. Unti-unti naman bumaba ang labi nito sa may tiyan ko at napalunok ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Napapaliyad ako dahil sa ginagawa nito na paghalik sa may binti ko. Napasinghap ako ng dahan-dahan nitong binaba ang panty ko at ng tuluyan na iyong natanggal ay nakagat ko ang labi ko. Una kong naramdaman ang kamay nito at mariing na ipikit ko ang mga mata ko. Nilalaro ng daliri nito ang pinakasensitibong parte ng katawan ko kaya hindi ko mapigilan ang mapaliyad at umungol dahil sa ginagawa nito. Hindi nagtagal ay ang dila naman nito ang naramdaman ko kaya napalakas ang ungol ko.
"Matthew!" tawag ko sa pangalan nito pero hindi ito tumugon.
Imbes na tumugon ay mas naging abala pa ito sa pagpapaligaya sa akin. Nararamdaman ko na may namumuong tensyon sa puson ko at ilang sandali lang ay lalabasan na ako.
"Matthew!" tawag ko ulit dito dahil hindi ko na kayang pigilan pa iyon.
Hindi pa rin ito tumigil at hindi ko na rin talaga napigilan. Mukhang iyon talaga ang gustong mangyari ng binata. Tumayo ito at tinanggal nito ang pantalon kasunod ang suot nito na brief. Napalunok ako ng magawi ang mga mata ko sa galit na galit nitong alaga. May kinuha ito sa drawer at alam ko na kung ano iyon. Ilang sandali lang ay nasa ibabaw ko na ulit ito. Lumapat ang labi nito sa labi ko at kahit nalalasan ko ang sarili ko ay it didn't bother me. Nilaro ulit ng kamay nito at dila ang dalawang dibdib ko. Kung kanina kahit papaano ay humupa na ang umaalab na init sa katawan ko ngayon ay nag-uumpisa na naman. Buong ingat na hinawi nito ang dalawang hita ko at napaliyad ako ng maramdaman ko ang ulo ng alaga nito sa b****a ko. Napapikit ako nang dahan-dahan itong pumasok at sa una ay nakaramdam ako ng sakit. Nakita siguro iyon ng binata kaya hinalikan ako nito sa labi at naging gentle ito sa ginagawa nito. Naging mabagal lang muna ang pagpasok at labas nito sa akin. Nang nakapag-adjust na ako sa kabuuan nito ay ako na mismo ang gumalaw sa ilalim nito. Unti-unti nagiging mabilis na ang galaw nito at sinasabayan ko naman. Hinawakan nito ang bewang ko at pinipisil iyon.
"Ysabella," bulong na tawag nito sa pangalan ko.
Napatingin ako sa mga mata nito na noon ay nakatingin din sa akin. Buong alab na hinalikan ako nito na tinutugon ko naman. Pabilis ng pabilis ang galaw nito at naramdaman ko na naman ang namumuong tensyon sa puson ko. Mukhang malapit na rin ito at ilang sandali lang ay halos sabay na namin tinawag ang pangalan ng isa't isa. Hinalikan ako nito sa labi ng ilang sandali bago ito umalis sa ibabaw ko. Hinila nito ang comforter sa may paanan namin at tinabing sa katawan ko. Hindi ko alam pero nakakaramdam na ako ng antok sa mga oras na iyon dahil na rin siguro sa pagod. Naramdaman ko na lang ang braso nito sa may bewang ko kaya tumagilid na ako at hinigit pa ako nito papalapit rito. Ramdam ko ang mabilis na t***k ng puso nito mula sa likuran ko at ang hininga nito sa may ulo ko kaya pumikit na ako.
"You're amazing, Babe," bulong nito at naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko.