Ysabella Pagmulat ko ng mata ay napatingin agad ako sa paligid ko at space na katabi ko. Nakiramdam muna ako sa paligid bago ako bumangon. Nakagat ko ang labi ko nang makita ko ang mga damit ko na maayos nakapatong sa ibabaw ng higaan. Agad ko kinuha ang panty ko at sinuot na ang damit ko. Inayos ko na muna ang higaan bago ako naglakad palabas ng kwarto. Wala akong marinig o makita na senyales na may kasama ako sa lugar na iyon. Napatingin ako sa bag ko at naalala ko ang phone ko. Tinanggal ko iyon mula sa pagkaka-plug sa powerbank saka ko iyon binuhay. Habang hinihintay ko na mabuksan ay tumingin ako sa paligid ko. Palapit na ako sa isang display cabinet ng bigla akong natigilan dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng phone. "What?" gulat na tanong ko habang tuloy-tuloy na tumutunog ang n

