"Please Anthony, huwagwag mong hayaang tuluyang lamunin ng kasamaan si Ariella. She's a good child, nagsimula lang ang kalbaryo namin sa kanya nang makilala niya ang kriminal na Marlo na yun. Save my little girl, she still have chance." May luha sa mga mata ng matandang Santillan. Hindi napigilang hindi makaramdam ng simpatya ni Anthony dahil sa tanawing nasa harapan. Malaki na ang idinagdag ng edad no Ronaldo Santillan mula nang una niyang makilala ito three-fours years ago. Noong ipakilala siya ni Ariella bilang kasintahan dito. Sa tabi ay ang parang gulay na kabiyak na kasalukuyang nasa wheelchair. "Gawin mo ang lahat para mabulok sa kulungan ang walaghiyang lalaking iyon na nagtulak sa anak namin sa madilim at maruming landas." Puno ng galit at pagkamuhi sa tinig ng matanda. At l

