"H-uh kailangan ba kasama ako?" Hindi alam ni Cash kung kakayaning makasama si Anthony sa mga susunod na sandali dahil sa nangyari. "Dito nalang ako. Hindi pa ako tapos maglinis." Katwiran niya na ipinagala ang paningin sa loob ng kwarto nito to stressed the obvious. "No, you're coming with me and that's an order." At nagpatiuna itong lumabas ng silid. "Final pala ha. Kapag na-inlove ako sayo wag mo akong sisihin." At padabog na sumunod sa binata. Naabutan niya ito sa garahe. "Saan ba kasi tayo pupunta?" curious niyang tanong habang ikinakabit ang seatbelt. "You'll see when we get there." Anito habang nagko-concentrate sa pagmamaneho. Mukhang hindi naman ito affected sa nangyari kanina. Kaya dapat ikaw rin, paalala niya sa sarili. Panakaw niyang sinulyapan ang katabi habang nasa daa

