"Yes!"Galit na sagot ni Cash sa cellphone pagkapasok sa sariling kwarto. "Cash?" Natilihan siya at nabitin ang paglapag ng bag sa mesa. Muntik na niyang makalimutan ang tamang manner sa pagsagot ng cellphone. Hindi parin kasi nawawala ang pagka-inis niya kay Anthony. Wala parin ito sa mansyon nang kunin niya ang gamit at hanggang sa matapos siya sa paglilinis sa kwarto nito. Pilit niyang iniignora ang kudlit sa puso niya knowing na pinabayaan siya nito. "Cash?" muling untag ng nasa kabilang linya. "S-sorry Ariella." "It's okay. Alam ko namang pabigla-bigla akong tumatawag." Nahimigan niya ang pagdaramdam sa boses ng dalaga. Bahagyang nakaramdam ng guilt si Cash. Hindi lang dahil sa pagsagot ng pabalang kundi pati na rin nang maalala ang halik na pinagsaluhan nila ni Anthony. Hindi

