Chapter I: Accidental Encounter

1956 Words
"You can take everything I have. You can break everything I am. Like i'm made of glass. Like I'm made of paper. Go on and try to tear me down. I will be rising from the ground like a skyscraper....." Cash sings to her heart content while driving her old-new kia rio 1.2 special lx mto. Old dahil second hand na iyon na ilang buwan na rin niyang hinuhulugan sa kapitbahay at kaibigang si Caloy. Pagmamay-ari umano ng amo nito ang sasakyan at gusto lang daw idispatya. At new dahil bagong pintura iyon. Nagsihiyawan naman ang mga baklang kasama niya sa loob ng sasakyan. They were heading to the nearest disco bar.  Sa wakas ay naaya din siyang sumama ng mga ito. Hindi kasi siya mahilig sa mga ganoong lugar. And what a pre-school teacher like her would do in that kind of place. But tonight would be an exemption. She's Cassandra Ordonez but she prefer to be called Cash. It means "Ok or allright" sa gay community na kinabibilangan niya. "Aaay, bitter ocampo ang drama ni Bakla." hindi napigilang komento ng matalik na kaibigang si Arnie na siyang nakaupo sa passenger seat. Sa likuran ay si Jeffie at Eva. And yes, the three of them are gays.  Nai-kwento na niya sa mga ito ang dahilan ng pagsisentimyento. Nag break kasi sila ng long-time boyfriend na si Franc. They've been together for almost four years now. Their relationship had been to many trials and difficulties, but they tend to survive it. Kahit minsan masyado itong babaero at naniniwala sa pre-marital s*x, na siya namang kabaligtaran niya, ay hindi naging dahilan iyun upang hindi sila magka-sundo. Madalas nga lang nilang pinagtatalunan iyun pero sa bandang huliy napapahinuhod niya ang binata. At nito ngang mga nakaraang buwan ay hindi na nila napagdidiskusyunan ang tungkol sa bagay na iyon na sobrang ikinatuwa niya. Until this afternoon, nahuli niya itong nakikipag make-out at sa kinamalas-malasan ay sa greatest rival pa niya na si Lou. Kaya pala niya laging nahuhuling nakatingin sa kanya ito na nang-uuyam. At ang balahura niyang ex-boyfriend ay siya pa ang sinumbatan kesyo daw masyado siyang pakipot. Sabi pa nito ay mag-isa niyang pabulukin ang virginity niya. "Huh, feeling ka, akala mo ikaw lang ang lalaki sa mundo! Magsama kayong dalawa ni Lou!” Mariin niyang tinapakan ang silinyador at lalong bumilis ang takbo ng sasakyan. But who cares, nasa open highway naman sila at kaunti na ang mga nagdaraang sasakyan. Pumapasok sa nakabukas na bintana ang malakas na hangin. Bahagyang guminhawa ang pakiramdam niya. Gusto pa niyang matawa sa suot. Actually she was really fun of wearing colorful clothes especially the light one. Pero kakaiba nag trip niya ngayon dahil nagmukha siyang magandang bakla with matching long false eye lashes, hard make-up and a pink wig. It was her friend's idea para kahit daw magwala siya ngayong gabi sa bar ay walang makakakilala sa kanya. Dahil kung mangyayari iyon ay siguradong sibak siya sa trabaho. “Ikaw na teh, ikaw na ang mabilis mag drive. Ayy" malakas na tili ni Jeffie na pinasundan ng dalawa pang kasama. Bahagyang binagalan ni Cash ang patakbo nang mabasa ang bahagyang panic sa mukha ng mga kasama. Ngunit dahil madaming gumugulo sa isip, hindi niya agad napansin ang isang sasakyang bigla nalang sumulpot mula sa isang eskinita. On instinct ay agad niyang natapakan ng mariin ang break at sinubukang umiwas but she knew it was too late. Ang tanging naramdaman ni Cash ay ang pag-uga ng buong pagkatao niya dahil sa impact. Wala ni isa man sa kanila ang nagtangkang kumilos sa kinauupuan dahil sa bilis ng pangyayari. Tumaas-baba ang dibdib ni Cash habang mahigpit ang hawak sa manibela . Nang mula sa kinauupuan ay nakita niyang lumabas sa sasakyan ang isang lalaki. He isn’t just tall, he was also big and intimidating. Dali-daling lumabas si Cash upang tignan ang pinsalang inabot ng kani-kanilang sasakyan. "A-Anong nangyari? Ah...". Natutop niya ang bibig at biglang nanghina nang makita ang kondisyon ng sasakyan niya. Basag ang isang bahagi ng headlight niya. "You should ask that to yourself, what are you thinking Miss? If you are planning to kill yourself, huwag kang mandamay ng ibang tao". Galit na singhal ng lalaki. Nanlaki ang mata niyang napatitig rito. "What----" napabuga siya ng hangin. Agad sumulak ang galit sa kaibuturan niya. Sa tingin ba nito ay ginusto niya ang nangyari? Hindi ba pwedeng aksidente ang lahat. Sayang gwapo pa naman sana ito kung hindi lang bintangero. He actually look like Ashton Kutcher minus the cliff chin. Hindi niya mai-compare ang katawan nito sa crush niyang Hollywood star dahil nakasuot ang lalaki ng coat. Overall ay iri-rate niya ang physical looks nito into 9.99. Syempre hindi pwdeng perfect, kailangan niyang bigyan ng kaunting flaws ito.  Gwapo sana suplado naman, at bintangero pa. "You know what Miss, I can sue you with this, like reckless driving o kaya naman ay overspeeding". Napakurap siya sa akusasyun nito."A-Ano?T-Teka lang bakit ako ang kakasuhan mo, samantalang ikaw ang biglang sumulpot kung saan." Nagsalubong ang kilay nito sa ginawa niyang pagsagot dito"Okay ganito nalang, I have a very important matter to catch at nagmamadali ako, maybe we can discuss this next time." habang nagsasalita ay tumingin ito sa relo. Inilabas nito ang wallet at may kinuhang tarheta at inabot sa kanya."May number ako diyan na pwede mong tawagan at ang address. Kailangan nating mag-usap tungkol dito but right now I really have to go". He was in a hurry na basta nalang ibinigay ang nadukot na card at tinalikuran siya. Pabalik na ito ng sariling sasakyan nang magdalawang isip. Pumwesto ito sa harap ng kotse at tinignan ang plate number. "Just in case na hindi ka magpakita sa akin." Pagbibigay-alam nito. Marahil nabasa nito ang pagtataka sa mga mata niya. "Remember this, you need to see me in one week or else hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." There was a firm threat in his words. Pumasok ito sa sasakyan at pinaandar iyon. Naiwan siyang nakatulala. "A-Ano daw?" she murmured to herself. Ang totoo’y hindi napagtuunan ang sinabi ng lalaki. Ang buong atesyon niya ay nasa mukha nito habang nagsasalita. Noon lang siya nakakita ng ganoong ka-gwapo ng personal. "Winner dayy, ang sarap i-lafang" komento ni Arnie na nakasunod rin ang mata sa papalayong sasakyan. "Ay betsung!" dagdag pa ni Eva. "Hay naku mga baklah, imbes na pantasyahin niyo yung lalaki, bakit hindi niyo kaya tignan ang kotse ni Cash. Nagmukhang kawawa" napapailing na sabi ni Jeffie habang chini-check ang unahan ng kotse. "Hoy bakla, bakit ka nakatulala diyan. Gumising ka mukhang nananaginip ka na." At inagaw ni Arnie ang hawak "Anetch iteys? Hmm. Attorney Anthony Troy Martinez. Hmmm pangalan palang masarap na" Maya-maya’y napasinghap ito. "N-Naku lagot ka baklah, mukhang abogado yung nadisgrasya mo." eksaheradong bulalas nito. Marahas siya bumaling rito at inagaw ang card sa kamay nito. Titiyakin niyang hindi siya niloloko ng kaibigan. Nanlaki ang mata niya nang mapatunayang seryoso nga si Arnie. "Anthony Troy Martinez, Attorney at Law" ayon sa nabasa niya. Nakasulat din sa calling card ang iba pang impormasyon tungkol sa lalaki tulad ng address ng opisina at bahay nito. Mukhang hindi pa natatapos ang kamalasan niya nang araw na iyon. At lalo siyang nawindang nang makita ang kinahantungan ng sasakyan niya. Yupi ang isang side ng harapan at basag ang headlights. Biglang nanlambot ang tuhod niya at nakaramdam ng pagkahilo. "Hindi ito totoo!" Bulong niya. Ni hindi pa nga siya nakapangalahati sa bayad niyon ay nadisgrasya na niya. At doon na tuluyang nagdilim ang paningin niya. "Ayy bakla." Tilihan ang mga kasama, mabuti nalang at nasa malapit ang mga ito at agad siyang dinaluhan. Binilisan ni Anthony ang pangmamaneho. Mukhang hindi pa siya aabot. Nakalimutan niyang ngayon ang anniversary nila ni Lizzy at may dinner date sila. These past few days ay naging busy siya sa pangangalap ng ebidensya para sa hawak na malaking kaso. Ilang beses na niyang na-indiyan ang date nila ng current girlfriend. Noong una ay napagbigyan pa siya ng kasintahan. Pero kaninang tumawag ito at malamang nakalimutan ang importanteng okasyon ay nagalit ang dalaga. Binigyan siya nito ng isang oras upang makarating sa restaurant na ito pa ang nagpareserve. Sa lahat ng naging girlfriend ni Anthony, si Lizzy ang pinakamatagal dahil siguro sa pagiging understanding ng babae. Pero mukhang sa ngayon ay malapit na iyong maubos. Naalala niya ang pangyayari kanina. Kung sana ay hindi pa siya naantala, malamang nakarating na siya sa pupuntahan. Lumitaw sa isip ang itsura nang hindi pa siya sigurado kung babae nga iyon. The girl was actually beautiful kung hindi lang ito ganoon mag ayos. But for all he knows ay dahil lang sa make-up kaya na-enhanced ang mukha nito. Ilang sandali pa ay narating niya ang restaurant. Dali-dali siyang pumasok at hinanap ang kasintahan. Nakangiting nilapitan at tangkang hahalikan sa labi pero nag-iwas ito ng mukha "Buti at nakarating ka pa" galit ang boses nito pero napanatili ang composure. "I'm sorry babe, na traffic ako and you know what-----" Hindi na natapos ng binata ang sasabihin dahil itinaas ni Lizzy ang kamay at nagsalita. Bakas ang pagkayamot sa magandang mukha nito."Another lame excuses Anthony. Hanggang kailan kita mapagbibigyan? Lagi ka nalang ganito and I'm tired of it." "I'm really sorry Lizzy. Please give me another chance" malambing na sabi ng binata. Alam niyang kaya niyang paamuhin ang kasintahan. "No. I already gave you many chances pero lagi mo nalang sinasayang. Hindi mo ba napapansin, wala kang oras sa akin. This relationship will not work anymore Anthony. I'm breaking up with you.”matigas na sabi nito. “You are not serious, babe.” Sinabayan iyun ng marahang tawa. "Lizzy, listen..." "No, Anthony. Ganito rin ang ginawa mo noon kay Ariella hindi ba. At first you were so sweet and caring. Pero noong nakilala mo ako'y bigla kang nanlamig sa kanya. At ang lagi mong dahilan ay iyang trabaho mo but the truth is you were already dating me." Bakas ang pagka-gulat sa mukha ni Anthony. "Akala mo hindi ko malalaman. Im smarter than you think. I've done research bago kita sagutin. Ang sabi ko sa sarili ko'y baka iba ako kay Ariella. Yes, we both came from good family pero spoiled and nagger siya at mas mature ako sa kanya kaya ako ang pinili mo. But I was wrong." Nangilid ang luha sa mata nito. "Wala sa aming mga nakakarelasyon mo ang problema. Nasa sayo, Anthony." Itinuro siya nito. "Madali kang magsawa. At hindi ko na hihintayin pang pagsawaan mo ko dahil uunahan na kita. I'm breaking up with you" Naningkit ang mata ng Anthony sa akusasyon ng kasintahan. For a moment ay hindi siya nakapagsalita. Ang tinutukoy nitong Ariella ay ang dating kasintahan bago ito. At tama ang akusasyon nito. He likes Ariella when he first met her. Ngunit habang tumatagal ay nakilala niya ang tunay na ugali nito. Selosa at nagger. Gusto na niyang hiwalayan talaga ang dalaga noon ngunit hindi siya makahanap ng idadahilan rito. Hanggaang sa makilala na nga niya si Lizzy at doon siya nagkaroon ng lakas ng loob para tuluyang tapusin ang walang patutunguhang relasyon rito. Ariella was so mad that time ngunit wala rin itong nagawa. At ngayon ay inaakusahan siya ng kasintahan. Of all things he hate is being accused lalo na kung walang katotohanan. "You know you can still have me, pero gusto ko dapat ako na ang first priority mo. Pero kung hindi mo kaya, consider yourself free to date whoever woman you like." Tumayo ito at dumiretso sa pinto ng restaurant. Naiwan siyang mag-isa. He can't believe that she really broke up with him. Bahagya siyang nasaktan at lalo na ang ego niya. Because he actually likes her. At sa sinabi nito na pwedeng itong bumalik sa kanya kapag ito na ang priority niya. It’s a big no, hindi pa niya kaya. At his age, wala pa sa isip niya ang magpatali at alam niyang iyon ang ibig sabihin ni Lizzy. But damn, for the first time ay nakaramdam ng kudlit sa puso si Anthony dahil sa break-up.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD