Chapter II: Her Beki Life

2444 Words
Ibinagsak ni Cash ang katawan sa sofa, hindi alintana ang mangilan-ngilang customers sa parlor na pagmamay-ari ng ama-amahang si Dodie. She was dead tired. Buong araw siyang nasa school dahil sa ginanap na program. At isa siya sa coordinator. Hinilot niya ang nananakit na sintido. "Aah ang sakit..."she complained na ikinalingon ng mga baklang naroon.  "Ayan kasi, kung nakikinig ka ba naman sa amin di sana hindi mo na kailangan pang magpakahirap para makahanap ng datung." maarteng wika ni Arnie na kasalukuyang nag bo-blower ng buhok ng customer nito. Napasimangot siya sa tinuran nito. "Echosera ka kasi, ayaw mong gamitin yang ganders mo, aba kung aketch ang nabigyan ng ganyang feslak, hay naku winner." Eto nanaman sila. Simula nang magdalaga siya ay hindi miminsang sinuyo siya ni Arnie kasama ang buong lupon ng mga kabaklaan sa lugar nila na lumahok sa mga beauty contest.  Bakit naman hindi, kung sa qualification ay siguradong pasok na pasok siya. Cash is five feet, five inches na lalong nag-mukhang matangkad dahil sa magandang tindig ng dalaga. Maganda ang features ng mukha niya at slim ang pangangatawan. Pwedeng pang modelo o maging beauty queen.  Pero siya ang may ayaw. Hindi niya alam kung bakit. Maybe because it wasn't her call of profession? Hindi rin niya matiyak. Simula kasi pagkabata ay isa lang ang gustong na niyang gawin, at iyun ay ng maging teacher. Especially for the pre-school students. Cash loves children so much at gusto niyang iparamdam iyon sa lahat ng mga bata. Dahil na rin siguro sa past niya. She was adopted. Kinuha siya ni Dodie sa bahay-ampunan, ng minsang pasyalan nito ang isang malayong pinsang nagtratrabaho doon. Ang sabi ng ama-amahan ay namumukod tangi siya sa mga batang nasa El Cielo. Bikod daw sa pagiging jolly ay gandang-ganda ito sa kanya. Nang oras na iyon kasi ay brokenhearted ito. At sa ilang beses na pagpasyal ay napapangiti niya ito. And so he decided to adopt her. At labis niyang ipinagpapasalamat ang hindi pagtatago ni Dodie ng tungkol doon. Kaya naman imbes na magmukmok at magrebelde dahil sa nalaman ay mas lalo pang pinaigting ni Cash ang pagmamahal sa mga tumayong magulang sa kanya. All the gay in their community ay itinuring niyang pamilya. Kaya nga nang makatapos siya ng kolehiyo at makahanap ng maayos na trabaho ay agad niyang ipinagpagawa ang ama-amahan ng sarili nitong parlor. At ito nga ang kinaroroonan nila ngayon. Ang ikalawang palapag ay ang bahay nila. "Hanggang ngayon ba naman yan Arnie? I'm already too old for that."napailing siya.  "Vaklah, walang pinipiling edad ang pagiging beauty queen lalo na kung amateur pageant lang." singit ni Tintin, another gay worker sa parlor nila. "Oo nga naman, pumayag ka na at para mapakita mo sa dati mong jowawelles na nagkamali siya nang ipinagpalit ka niya sa payatolang Lou na iyon." Komento ni Eva. Tiningnan ito ni Arnie ng masama nang mapansing umasim ang mukha niya. Nanahimik naman ito pati na rin ang ibang naroon. Tanging ang tunog ng blower ang pumuno sa buong silid. Napahalukipkip si Cash. Mag-iisang linggo na simula nang maghiwalay sila ni Franc at mukhang wala itong balak maski mag-sorry man lang sa kanya. Malaking bahagi niya ang nasasayangan sa apat na taong pinagsamahan nila. Kahit naman papaano ay marami silang good memories nito. Nagsimula na naman siyang maging dramatic, kaya tinangal niya ang clip sa bangs. Hinipan niya iyon upang tumaas. It was partly her own way to calm herself. "Ay vaklah maiba ako, nag-kausap na ba kayo ng gwapong hombre na nabangga mo noong nakaraang lingo?" biglang agaw ni Arnie sa atensyon niya. "Correction, hindi ko siya nabangga, yung kotse niya ang humarang sa daan kaya nagkaganoon" she defended and rolled her eyes. Iyon ang paniniwala niyang totoong nangyari. Maaaring siya nga ang bumangga pero nasa tamang lane siya. Ang lalaki ang bigla nalang sumulpot kung saan at ito pa ang galit samantalang pareho naman silang na damage ang kotse. "Oh siya, yung hombre na ang biglang sumulpot sa harap mo, pero nakipagkita ka na ba sa kanya?" si Arnie pa rin. Ito lang naman ang ganun makipag-usap sakanya dahil na rin siguro sa bestfriend niya ito. Hindi siya sumagot. Dahilan upang manlaki ang mata nito. "Hindi ka pa rin pumupunta? Naku vaklah, panu ang taning na ibinigay niya sa iyo?" tili nito habang pumipitik ang mga daliri. " Mag-iisang linggo na bukas paano kung kasuhan ka niya at bigla nalang may dumating na pulis dito at damputin ka. Naku, nakakahiya." Bigla siyang kinabahan. Hindi imposible iyon lalo na at abogado ito at mukha pang mayaman. "Hay naku dayy, gorah kana bukas at baka makaabot ka pa sa taning niya" suhestiyon naman ni Eva. "E-Eh kasi natatakot ako." Isinatinag niya ang nararamdaman at ikinuwento kung paano siya pumunta sa opisina ng lalaki and ended up bringing someone to hospital. Nang malaman niyang wala si Atty Martinez sa office ay umalis na siya. At paglabas niya ng mismong building ay kitang-kita niya nang banggain ng isang rumaragasang kotse ang isang dalagita. Hindi man lang huminto ang sasakyang nakabangga. Ang mga tao sa paligid na nagulat rin sa bilis ng pangyayari ay nanatiling nakamasid sa walang malay na babae. At siya naman bilang isang mabuting mamamayan ng Pilipinas ang kusang nagdala sa kawawang dalagita sa ospital. Saka lang siya umalis nang may dumating na immediate family ng biktima. Nag-iwan nalang siya ng contact number sakaling magsampa ng case ang nabunggo at mangailangan ng witness. "Hanggang ngayon pa rin ba yang kamalasan mo?" napapatastikuhang turan ni Arnie. "May kilala akong manggagaway baka gusto mong magpatawas para maalis na yang maitim na enerhiyang pumapalibot sayo." Biro nito na ikinatawa ng ibang customer. "Ganito nalang, bukas pupuntahan natin siya sa bahay niya, hindi ba may address ka niya?" si Eva na tumabi sa kanya sa upuan." Sasamahan ka namin hanggang sa gate ng bahay." Lumabi siya."Bakit hanggang gate lang, baka pwedeng pati na sa loob." "Hindi pwede baka magalit iyon pag nagsama ka." She gave him a suspicious look. "Plano niyo ba akong ibugaw sa lalaking iyon. Paano kung gawan niya ako ng masama habang nasa loob kami" she was a little hysterics. Wala na siyang tiwala sa mga lalaki. Kung si Franc nga na mapili sa babae ay nagawang patulan si Lou na pangit ang reputasyon. Hindi imposible sa lalaking iyon ang gawan siya ng masama lalo na at nasa loob siya ng teritoryo nito "Naku ayan ka na naman, umiral na naman ang pagiging nega mo vaklah. Siyempre kapag hindi ka nakalabas after thirty minutes saka kami susunod." Paliwanag ni Eva na nakatikwas ang halos pudpod nitong kilay. "Oo nga naman Cash, ang importante ay ma-settle niyo ang problema. Kausapin mo siya at makiusap na baka pwedeng quits nalang kayo dahil pareho naman kayong naperwisyo." Si Arnie na kasalukuyang ibinabalik ang blower sa lalagyan. "Ayan teh, mabyonda kana ulit. Balik ka dito ha." Bulong nito sa customer habang hinahaplos-haplos ang buhok nito. Feeling satisfied with his creation. Napaisip si Cash. Ang totoo’y naging laman ng isip niya ang tungkol doon nitong mga nakaraang araw. Bukod sa nadisgrasyang sasakyan. Mabuti na nga lang at hindi pa umuuwi si Caloy. Saka nalang siguro niya proproblemahin iyon dahil mas imporantante ang tungkol sa nakabangga niya. At baka nga isang araw ay bigla nalang siya damputin ng mga pulis sa sariling tahanan. Hindi lang nakakahiya iyon. Isang malaking eskandalo iyon kung sakali. Lagi ngang pumapasok sa isip niya ang banta ng lalaki. Natatakot naman siyang humarap dito. Pero gayun man ay kailangan niyang harapin ito in one way or another para matapos na. All she need to do is to explain her side. Yes, iyon ang gagawin niya kapag muling nakaharap ito. Kinaumagahan nga ay pinuntahan nila ang address na nakalagay sa calling card. This is it, it's now or never. Inihinto ni Cash ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Naipagpasalamat niyang hindi ang mismong makina ng sasakyan ang nadale, kaya nagagamit pa niya iyon tuwing araw. Medyo nakakahiya nga lang dahil yupi at sira ang pintura ng harapan. "Ito na ba ang bahay ni Attorney? Ayy pak na pak vaklah." Nagningning ang mga mata ni Arnie habang nakatanaw sa malaking bahay mula sa bintana ng sasakyan. No, mansion is the right term. Isang napakalaki at napakaluwang at mamahaling mansion. Maging si Cash ay na-amaze sa ganda ng pagkakagawa ng naturang bahay. Once upon a time ay nangarap rin siyang tumira sa ganoon. Pero syempre ay agad rin niyang pinalis sa isip. Dahil sa reality, and isang ordinaryong babaeng tulad niya ay mananatiling ordinary nalang habang buhay. Sa tingin niya ay American inspired iyon dahil sa kulay at design. Mataas ang bakod ng gate pero kita pa rin mula sa labas ang buong paligid. The house itself sa hinuha niya is worth a million, paano pa kaya ang mga landscape sa paligid. Cash expected that the man was rich, but not this rich. Nag-sibabaan sila upang lalong masilayan ang ganda ng bahay. Ang mga katabi nito ay malalaki rin, pero kumpara sa mismong nasa harapan ay nagmukha itong hari ng mga mansyon. Ano ba naman ang inaasahan niya sa isang tulad nitong subdivision. Sa labas palang ng main entrance ay nahirapan na silang makapasok. Mabuti nalang at kakilala ng kasamahan ang isang guard. Pero kinailangan pa nilang iwan ang mga identification card at ang kaibigang si Pipay. "Sige na Cash, mag door bell kana." Sulsol ni Arnie na halos mabale ang leeg kakatanaw sa loob ng bahay. "After thirty minutes na wala pa ako, pasukin niyo na ako ha?" bilin niya sa mga kaibigan. "Sa tingin ko baklah, kahit maghubad ka pa sa harap ng lalaking iyon, hindi ka niya papatulan" Napasimangot siya sa sinabi ni Eva. Napatingin ito sa kanya nang mapansin ang pananahimik niya. "Eh hindi naman masama ang ibig kong ipakahulugan, tignan mo naman oh, sa laki ng bahay na iyan ibig sabihin lang ay mayaman at maipluwensya ang Anthony Martinez na ito. Kaya for sure hindi niya dudungisan ang pangalan dahil lang sa isang babae. Kahit kasingganda mo pa iyon Cash. At alam kong gets mo ang point ko." Hindi ito magkandaugaga sa pageexplain. Kahit mabigat ang paa ay humakbang siya palapit sa tapat ng gate at nag door bell. "Sino po sila?" sabi ng isang boses na galing sa speaker. Nang igala niya ang paningin ay napansin niya ang isang cctv camera mula sa itaas. On instinct ay isinuklay ang daliri sa mahabang buhok. "Ano po ang kailangan nila?" sabi ulit ng boses babae. Cash cleared her throat before she speak." Dito po ba nakatira si Attorney Anthony Troy Martinez?" alanganing tanong niya. "Tungkol po saan ang ipinunta ninyo?" Tipid na sagot ng boses. "Nandito ba siya ngayon?" she felt stupid, para siyang tanga na nakikipag-usap sa camera. "Sino po ba sila?" magalang na tanong nito ulit. Naiinis na siya dahil sinasagot nito ng tanong ang tanong niya. Ganito ba talaga kahirap ang kailangang pagdaanan ng isang tao bago makaharap ang Anthony na ito. Aba napaka-VIP naman nito. Hindi pa ma'y naiinis na ang dalaga rito. "Ako si Cash Ordonez, kliyente niya ako."Idinagdag niya para huminto na sa kakatanong. "Sandali lang po." At nawala ang boses, she patiently wait. "Ay betsung ko yan, ang hi-tech ah" hindi niya napansing nakalapit na sa kanya ang mga kaibigan. "Nakuhanan kaya ako?" tanong ni Eva na pinatabi siya at nag pose sa harap ng cctv camera. Nagulat pa sila nang biglang nagsalita muli ang boses. "Sorry, pero wala daw pong kliyenteng nag-ngangalang Cash Ordonez si Sir Anthony" Malakas niyang naitulak ang kaibigan at tumapat sa camera. "Kung makatulak wagas ah" ani ni Eva. Humihingi ng pasensiya ang tinging ipinukol niya rito.Nag-init lang ang ulo niya dahil sa pahirapang proseso para kitain ang pakay. "Pakisabi nalang ulit,na ako yung nakabangga sa kotse niya noong nakaraang lingo" nagtitimping sabi niya. Ayaw niyang makipag-away sa hindi niya nakikita. Mag-mumukha siyang tanga at hindi bagay iyun sa kaya. Mahabang katahimikan. Cash tapped her feet on the ground, sign of impatience. And like she usually does, she blew her bangs to calm herself. "Aay fatale naman ang security ng bahay na etech. Andami pang kailangang pagdaanan bago makausap ang nakatira." Ekseheradang sabi ni Arnie at pinag-krus ang kamay sa dibdib. Bakas na rin sa mukha ang pagkainip. Ilang sandali lang ay bumukas ang gate. Isang binatilyo ang tumambad sa kanila. "Hombre" narinig niyang bulong ni Eva. "Afam aRRR!"  "Sino po si Cash Ordonez sa inyo?" magalang na sabi nito na nagpalipat-lipat ng tingin kina Eva at Arnie. "Ah, ako si Cash Ordonez." Agaw niya sa atensyon ng binatilyo. Bahagyang kumunot ang noo nito nang bumaling sa kanya sa pagtataka niya. "Pumasok na po kayo." At niluwangan nito ang bukas ng gate. "Arnie?" nilingon muna niya ang kaibigan at makahulugang sumenyas dito bago humakbang sa loob ng gate. Nakakaintinding tumango ang kaibigan. Pagpasok palang ni Cash ay ramdam na niya ang karangyaan ng buong bahay. Dito palang sa labas ay bongga na ang pagkakaayos, what more pa kaya sa mismong loob. They are walking in a pathway that is made up of expensive brix. Lakas maka-sosyal! Kahit saan mo idako ang paningin ay punong-puno ng iba't-ibang klase ng bulaklak. Wala ka ring makikitang lupa dahil nalalatagan ng bermuda grass ang buong solar. Sa mismong harap ng mansyon ay may malaking fountain. It was a very beautiful house, indeed. Kung sa labas ng gate ay malaki nang tignan ang bahay, nakakalula naman ito sa malapitan. Ilan kaya ang nakatira rito? Nagkikita-kita paba sila? She was very excited to enter the house pero nadismaya siya nang tumalilis ang binatilyong sinusundan. At sa halip ay sa gilid ng bahay nagtungo. Iginala niya ang paningin sa nadadaanan. Sa may bandang sulok ay may nakita siyang greenhouse. Masyado namang mahilig sa bulaklak ang mga tao rito. And then they passed a grand pavillon sa pagkamangha niya, she was getting fascinated by the sight hindi niya napansin ang tinatahak. "Diretsuhin niyo nalang po itong daan na ito at makikita niyo po ang swimming pool. Nandoon po si kuya'' pagbibigay-alam ng binatilyo at inilahad ang kamay sa direksyong dapat tahakin. Alanganin siyang nagpasalamat. And for the first time ay gumuhit ang ngiti sa labi nito bago siya talikuran at bumalik sa pinanggalingan nila. Sandali siyang natigilan. Hoy Cash menor de edad pa yun, untag niya sa sarili. Lumiit kasi ang mata ng binatilyo nang ngumiti. At isa iyun sa kahinaan ni Cash, chinky eyes.  Napapailing siyang humakbang sa itinuro ng nito. Malayo pa lang ay tanaw na niya ang isang lalaking nakaupo paharap sa direksyon niya at kasalukuyan nagbabasa ng diyaryo. Habang papalapit ay malaya niyang napagmasdan ang ibabang bahagi ng katawan nito. Naka-suot ito trunks kaya kita niya ang matitipunong mga binti nito. Hmm Daddy!. Hindi niya napigilang sumilay ang isang maluwang na ngiti sa labi dagling naglaho nang tumaas ang mata sa pagitan ng mga binti nito. Nanlaki ang mata niya at sandaling natigilan. Dakota Harrisson!  Bigla siyang nakaramdam ng pangangapal ng mukha. Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ng binata bago pa siya dalhin ng imahinasyon sa kung saan. Ibinaba ng lalaki ang binabasa at agad nagsalubong ang kilay nang makita siya.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD