Chapter III: He's So Arogant

2896 Words
"Who are you at sino ang nagpapasok sayo?" Magkasalubong ang kilay ni Anthony at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng nabungarang babae. Pagkuwa’y nilingon ang pinanggalingan nito. Mayroon siyang hindi inaasahang bisita sa oras na iyon at wala siyang panahon para guluhin ng isang babae, kahit na sabihing kasing ganda pa ng nasa harapan. Lingo ngayon, and he always considered it as his rest day, maliban nalang kung emergency. At hindi lang sa trabaho applicable iyun, kundi maging sa mga babae. Sakto kasing laging wala ang mga kapatid sa ganuong araw kaya nakaka-pagpahinga talaga siya ng mabuti. Muli niyang tinitigan ang nasa harap. The girl was tall compare to ordinary Filipina, and has a slender body. Hindi niya tipo ang mga babaeng payat. He's more on big ass and boobs. Pero kung hindi niya type ang katawan ng nasa harapan ay bumawi naman ito sa mukha. Hindi ito yung tipo na pang beauty queen. But there is something in her lovely face that can make you instantly feel hard. Particularly her sultry sng pinkish lips. Parang may nag-uudyok sa kanyang lapitan ito at ikulong ang labi nito with his own. Delectable and very sensual. "Tititigan mo nalang ba ako? I thought you want to discuss something” Mataray na untag ni Cash sa pananahimik ng lalaki. At kung hindi gusto ni Cash ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, sh*t. Yes sh*t, dahil siya ay nag eenjoy titigan ang malapad na dibdib ng binata na malaya niyang nasisilayan. The man is not only yummy, he was a real hot. Hindi lang pala nito kahawig sa mukha si Ashton at pati katawan ay kuhang-kuha nito. "Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina, who are you?" bumalik ang pag-kakakunot ni Anthony. Hindi nagustuhan ang hayagang pagsuyod ng tingin ng dalaga sa katawan. A normal lady will close their eyes, o di kaya ay iiwas ang mata kapag naka-kita ng halos hubad na katawan ng lalaki. But damn this women for surveying him. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng pagka-ilang si Anthony.  "Hello? are you expecting another visitor aside from me? I'm Cash Ordonez." pagpapakilala niya. Lalong lumalim ang gatla sa noo ng binata. "You are a girl?" Tumaas ang isang kilay niya. "Of course, I'm a girl, ano ba sa tingin mo?" Mukhang wala sa sarili ang kausap niya. "And I'm here to discuss with you about what happened last week." Dugtong niya nang hindi ito umimik. Nag-alis ng bara sa lalamunan ang kaharap. "Please have a seat Miss Ordonez." at itinuro ang upuan sa tapat ng kinauupuan nito. Sumunod naman siya. "Pinag aralan ko na ang tungkol sa nangyari noong nakaraang linggo at kung susumahin nating mabuti ay maaari kitang kasuhan ng reckless driving. Pero may paraan pa para hindi kita kasuhan." Anitong nakatingin ng diretso sa mata niya. "Ano?" kinakabahan siya. "You're going to pay the damage on my car." Walang pasakalyeng sabi nito. "What!!!" Dahil sa sinabi nito ay tumuwid ng upo si Cash. Aaaminin niyang may kasalanan nga siya sa nangyari pero hindi naman puwedeng akuhin niya lahat ng sisi. Sumusobra naman yata ito. "T-Teka lang, bakit kailangang bayaran kita. Mister, kung hindi mo lang alam ay malaki din ang pinsalang tinamo ng kotse ko, pareho lang tayong biktima, hindi ba pwedeng quits nalang tayo?" "Miss, kung ikukumpara mo ang kotse mo sa kotse ko ay malaki ang kaibahan ng dalawa..." Nagpanting ang tenga niya. Aba't inapi pa nito ang sasakyan niya. "Huh! porke ba maganda ang kotse mo at pangit naman ang kotse ko ay ako na ang magbabayad. Sumusobra ka naman yata. Hindi dahil abogado ka ay masisindak na ako sayo." Umikot ang mata niya sa galit. Hindi alintanang malaking tao ang makakabangga niya kung sakali. "I didn't say any of those." Mahinahong sabi nito. "Ang sa akin lang, ako ang naperwisyo dito. Because of what had happened that night, my girlfriend broke up with me. Hindi ko din magamit ang kotse ko dahil sa kapabayaan mo. In case that you don't know, your car left a big dent on the right side of my car. Kung gusto mong makita ay dadalhin kita sa garahe. Hindi ko pa siya naipagagawa, because I've been busy these past few days." Napabilib si Cash sa pagiging mahinahon nito kahit hayagan niyang ipinapakita ang galit. "Ah, Alam ko na, you're just pissed off because you lose your girlfriend at sa akin mo ibinubunton ang galit mo. Pwede ba mister wala akong oras para sa mga sentiments mo." Mataray niyang sabi at nagtangkang tatayo na sana. "Try to leave Miss Ordonez at inuulit ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." May bahid ng pagbabanta sa tinig nito. Napatigil siya at tinignan ng masama ang lalaki. "Wala kana bang alam gawin kundi bantaan ang mga taong walang kalaban-laban sa iyo?" she asked in a calm anger. Galit na siya. Mariin siyang pumikit upang kalmahin ang sarili. Wala silang matatapos ng binata kung paiiralin niya ang init ng ulo. "Okay, if ever man na pumayag akong bayaran ka, how much will I owe you?" Kung ang pera lang ang solusyon para matapos ang argumento nila ay mas mamatamisin nalang niyang magbayad. Kaysa naman magmatigas siya and end up in jail. Huh, no way! Hindi niya sisirain ang imahe dahil lang sa isang aksidenteng hindi naman niya ginustong mangyari. "I have a friend, nagmamay-ari siya ng isang talyer. Naipagtanung ko na ang kundisyon ng kotse ko. He said only fifty thousand and I will have my car as good as new." "F-Fifty kiaw?” she exclaimed. “Nagbibiro ka ba, saan ako kukuha ng ganun kalaking halaga?" Napataas ang boses niya dahil sa pagkabigla. "Will you let me finish first." Bakas sa mukha nito ang pagkabagot.  Aba, ito pa talaga ang may ganang magpakita ng ganoong reaksyon. As if she was enjoying talking to him, kung pwede nga lang ay gusto na niyang mag walk-out kanina pa dahil sa mga pinagsasabi nito. And end up in jail? sabi ng konsensya niya. Ano pa nga ba, eh iyon naman ang dahilan kaya niya tinitiis ang makipag-usap sa lalaki.  O sige, gawing panakot yan sabi ng isang bahagi ng isip. "As what you’ve said, hindi lahat ng kasalanan ay dapat kung ibunton sayo, part of it was also my fault. Kaya naman ibinaba ko sa thirty thousand ang dapat mong bayaran." "Thirty kiaw? It's still a big amount at wala akong ganung kalaking halaga." Nanlulumong sabi ni Cash. Bumaba nga ng twenty thousand ang dapat niyang bayaran pero hindi pa rin birong halaga ang thirty kiaw. Ang perang nasa ATM niya ay inilaan niya for emergency cases only, as in only for matter of life and death lang niya maaring gamitin. Hindi pa rin kasi siya nakakamove-on sa ilang taong pagbabayad ng loan na ginamit sa pagpapatayo ng parlor. At sa kasalukuyang pagbabayad ng ngayo'y nasirang sasakyan. Saka ano ba naman ang sweldo ng isang pre-school teacher. Maliit lang iyon kung tutuusin. Kung hindi lang niya talaga mahal ang pagtuturo sa mga bata ay nungkang gawin niya iyon. Bukod sa nakakapagod ang paulit-ulit na pagtuturo sa mga bata, minsan ay makukulit talaga ang mga ito. But she loves children at kung gusto mo ang trabaho mo, pangalawa nalang ang sweldo. Bahagyang lumambot ang mukha niya dahil sa pagkaalala sa mga bata. At hindi iyun nakaligtas sa mapanuring mga mata ni Anthony. "Maliit na iyon kumpara sa original price, Miss Ordonez. And I said thirty thousand not "kiaw". Nabulol pa ito sa huling sinabi. "Kaya nga kiaw means thousand'' Wala sa sariling paliwanag niya rito. Ang isip ay nasa pagkwe-kwenta kung paano niya pagkakasyahin ang natitirang ipon kung sakali. "What language is that?" Marahil hindi ito makapaniwala na ang abogadong tulad nito ay may salitang hindi nito maintindihan. "Beki word iyon. Ganon kasi kami magsalita minsan" "What’s beki?" tanong ulit nito. Dahil sa nararamdamang inis sa kaharap, naisip tuloy niyang pagtripan ito para kahit papaano ay makabawi siya. "Ah beki, ang tawag sa mga kakaibang tao. Gusto mo bang matuto? Gusto mo turuan kita?" kumislap ang mata niya sa katuwaan. "Whatever!" sabi ng binata na halatang na disappoint sa ibig sabihin ng beki. "So, are you okay with our deal?" Nabura naman ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi nito "Naku sir, wes talaga aketch ades, baka naman may iba pang paraan para makabayad ako" pagpapakumbaba niya rito. Wala na siyang choice. Wala siyang cash na ibabayad rito pero ayaw rin naman niyang makulong. Magbabaka-sakali nalang siyang baka may itinatago rin itong awa sa kasulok-sulukan ng puso nito. "Please?" at nagpaawa effect sa harap nito. Magsasalita na sana ito nang biglang tumunog ang cellphone na nakapatong sa mesa. Nag-excuse ito at lumayo ng bahagya saka sinagot ang tawag. Nasundan nalang niya ito ng humahangang tingin. Broad shoulder, nice butt at ang medyo bumukol na harapan dahil sa trunks lang na suot. Hindi napigilan ni Cash ang mapalunok at biglang pagkapal ng pisngi. He was so damn hot. She pressed her lips to hide the smile when he finish his call and goes back to her. Kinuha ang tuwalyang nakasabit sa upuan at inilagay sa balikat. "I'm sorry to interrupt our conversation pero kailangan kong umalis at may emergency meeting ako sa aking client. Besides, we already have a deal. Bumalik ka nalang rito bukas o sa office ko to give your payment. I’m really in a hurry. You know your way out." Pagdidismiss nito. Bago pa man siya makapag-response ay tumalikod na ito at pumasok sa loob ng bahay. Naiwan siyang nakatanga. Ansabe! Wala rin pinatunguhan ang pakiusap niya. Paano na ngayon yan saan siya kukuha ng thirty thousand at bukas na agad. Hindi tuloy niya napigilang sisihin si Franc. Kung hindi dahil dito hindi niya aabutin ang ganitong kamalasan.  Kinagabihan ay hindi siya agad nakatulong. Biling-baligtad si Cash habang nakahiga sa kama. Sa tuwing pipikit kasi siya ay kusang tumatakbo ang sariling utak  kakaisip kung saan niya maaring kunin ang thirty thousand na kailangan niya. Paglabas niya kanina sa bahay ni Anthony ay excited sina Arnie at Rica ngunit dagli ring nawala nang masilayan ang sambakol na mukha at laylay na balikat. They offered help ngunit alam naman niyang hindi makapagbibigay ang mga ito ng malaking halaga dahil may kanya-kanyang pamilyang binubuhay. Cash blew her bangs over and over. At saka bumangon at marahas na huminga. "Thirty kiaw saan kita kukunin." At muling ibinagsak ang sarili. Haay. Ginulo niya ang sariling buhok. Ano bang klaseng kamalasan ang kumapit sa kanya at nangyayari ang lahat ng ito. Kanina'y nagkwenta narin siya ng sariling savings. Kasya naman iyon ngunit walang maiiwan sa kanya. Paano kapag nagkaroon ng emergency tulad nalang last month kung saan inatake ng alta presyon ang kanyang ama-amahan at dahil sa panic ay dinala sa ospital. Mabuti nalang at kahit papano'y medyo may naitabi ito kaya hindi siya masyadong gumastos. Iyon nga lang ay halos naubos na rin ang ipon nito. Kaya naman ang savings niya ay inilaan niya kung sakaling atakihin muli ito, na ipinagdarasal niyang hindi manyari. "Haay, Lord please help me. Nawalan na nga ako ng boyfriend. Nasira pa ang second hand kong kotse at ngayon thirty thousand." Padadrama niyang nakatitig sa kisame. " Ano pa? Anong pang susunod? Sige ibagsak niyo na lahat sa akin." Kasunod nun ay biglang gumuhit ang kidlat at dumagundong ang isang malakas na kulog. Dali-daling nagkumot si Cash at umusal ng dasal. Humingi siya ng paumanhin "Im just kidding My Lord." Nakangiwing dasal niya habang naka-fetus position. Sa ganuong posisyun siya hinila ng antok. Kinaumagahan, maaga palang ay nasa mansyon na ng mga Martinez ang dalaga. Ilang minuto na siya sa harapan ni Anthony ay hindi parin siya makapagsalita. Bukod kasi sa hindi niya alam kung saan uumpisahan ang gagawing pakiusap ay nadi-distract siya sa mala-Ashton Kutcher nitong katawan. Ang matitipunong mga bisig, malapad na dibdib at ang six packs nito. Hmmm nakakapang-maniac sabi ng isip. Bakit? Bakit ba lagi kang nakahubad sigaw ng isa pang bahagi ng isip. "As I can see wala kang dala." Pang-uumpisa ni Anthony sa lumilipad na utak ni Cash. Marahan siyang tumango and gave him her best pleading look at sinubukang tanggalin ang mata sa hubad nitong katawan. Anthony looked at her for a long moment. Sa palagay ni Cash ay tinitiyak ng binata kung gaano ka-sincere ang pagpapa-awa effect niya. Sa huli’y napa-buntung-hininga ito."You know what, Ms. Ordonez, honestly thirty thousand is just a small amout for me." Iyun naman pala eh bakit kapa naniningil!  Pero pinigil niya ang bibig, Hindi makakatulong ang pagtataray sa kalagayan niya. "But as a lawyer, kailangang maparusahan ka sa nagawa mo. I can’t tolerare any wrongdoing especially when it comes to breaking laws?" Ano daw????Kinalma ni Cash ang sarili. Pigilan mo muna Cash at baka makuha mo siya sa paawa effect mo aniya sa sarili. "Hindi ko naman kasi talaga sinasadya. Alam mo sir kasi mahirap lang talaga ako. At ang thirty thousand na sinasabi mo ay malaking halaga na para sa akin." "I see. Pero hindi ko naman pwedeng palampasin ang nangyari." Sandali itong nag-isip. Saktong umihip ang hangin at tumabing ang bangs sa mukha ng dalaga na agad hinipan para tumaas. Hindi tnapansin ni Cash ang emosyong dumaan sa mata ng kaharap. Anthony smiled in the corner of his lips. "I have another proposal for you. Iyon ay kung gusto mo lang naman." Pigil ni Cash ang hininga habangbhinihintay ang sasabihin nito. "How about you become my maid for at least two to three weeks." He said in very calm tone na para lang itong may sinabing ordinaryong bagay. Hindi niya napigilang humalakhak ng malakas ng rumihistro sa isip ang tinuran nito. "You're kidding right?" Unti-unting nabura ang ngiti sa labi nang makitang seryoso ang lalaki sa sinabi nito. "Y-You can't be serious!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Cash. "Well, sad to say Miss Ordonez I'm serious about it." Iniangat  nito ang baso mula sa mesa at ininom ang natitirang juice habang hindi inalis ang mata sa kanya. Pakatapos ay ibinaba nitong muli ang wala ng lamang baso at muling nagsalita. "That is your only option. Be my maid or pay me thirty thousand and I want it cash as soon as possible." There was finality in his words. Parang salita ng hari na hindi pwedeng baliin. "P-Pero hindi naman ako katulong" Nanghihinang sabi niya na napasandal sa upuan. Hindi makapinawala sa offer nito. "Don't worry, I just used the brutal term 'maid'. Pero kaunting tulong lang ang kailangan namin. Siguro ay napansin mong walang katulong na nagsisilbi sa atin. It was simply because, wala talaga kaming katulong ngayon. My parents went for vacation at ang nag-iisang kapatid kong babae ay nasa Quezon. Mukhang naisahan kami ng mga magulang namin dahil pinagbakasyon nila ang lahat ng katulong na naninilbihan sa mansyon. Ang tanging kasama namin ay ang namamahala sa buong technical security ng bahay at ang sumundo sayo sa gate na malayong kamag-anak. Hindi ko naman sila maaaring abalahin sa ginagawa nila para lang ipagtimpla ako ng juice o kaya naman kape, hindii ba." Mahabang litanya nito sakanya. "So kaya ako ang tatayong katulong mo ganun?" Mataray niyang sabi. At talagang gagawin pa siyang chimay nito ah. "Hindi naman sa ganoon. I will not ask you to clean the entire house or cook my every meal. Hindi rin naman ako madalas kumain dito. Siguro sa kwarto ko lang ang lilinisan mo pero hindi ka rin naman mahihirapan dahil masinop naman ako. Just stand by in case may kakailanganin ako.” Sandaling  napaisip si Cash. Nilingon ang napaka-laking bahay. Siguro kahit linisan niya iyun ng isang buong linggo ay hindi niya kakayanin. Napangiwi siya. Wala pa man ay tila nararamdaman na niya ang aabuting pagod ng katawan. Hindi pa naman siya maalam sa gawaing-bahay.  “Isipin mo nalang na parusa ito sa nagawa mo, kumbaga community service ba. Besides, mas maswerte ka dahil hindi kana magkakaroon pa ng police record. Alam mo bang kung susundin natin ang batas ay baka marami kapang pag-dadaanang proseso kung saan maabala kapa. Kung sa iba ka magko-community service baka ipadala kapa sa malayong lugar. O kaya naman pagwalisin ka habang tirik ang araw sa edsa. Think about Ms Ordonez" Tinignan niya ito ng masama. Is he normally this strict? Aba’t kulang nalang ata pati paghinga nito’y may susundan na rin itong alituntunin. Ayaw mo ba nun, araw-araw mo siyang makikita tukso ng isang bahagi ng isip. Napatitig siya sa gwapong mukha nito. So what kung makikita niya ito? As if naman papatulan siya ng binata. Itong ganitong kaliit na bagay na nga lang ay mahirap na itong i-please, what more pa kaya sa tipo nitong babae. Baka nga hindi siya maka-pangalahati sa standard nito. Thirty thousand or three weeks being a maid.Think about it, Cash. Napangiwi siyang muli nang sumagot agad ang utak. Sabagay, praktikal ang suhestyon ng binata. Three weeks compare sa ilang buwan niyang pag-iipunang thirty thousand kung sakali... Pero paano ang trabaho niya? Totoong half day lang ang pasok niya sa pinag-tuturuang school, pero hindi niya kakayanin ang pagiging katulong. Of all things. Cash rolled her eyes. "Just think about it as a little punishment."pangangatong pa nito na lalong ikinainis ni Cash. She exhaled sharply. "You know what, I still believe na wala akong kasalanan, Mr. And being a maid is absurb." "If thats what you think then I can’t do anything about it." pagkikibit-balikat nito. Tuluyang umahon ang inis sa loob-loob ni Cash. Arogante! At binigyan niya ito ng katakot-takot na irap. "Huwag kang mag-alala babayaran na lang kita." Padabog siyang tumayo at tinalikuran ang abogado. "Kung iyan ang gusto mo then I'll see you the day after tomorrow. By then sana'y may pambayad kana Ms. Ordonez." Pahabol nito nang hindi pa siya nakakalayo. Naikuyon ni Cash ang kamao. Nanggigigil siya sa lalaki, ang sarap nitong batukan. Akala mo. Ang yabang yabang mo. Kapag nakaipon ako ng thirty thousand ihahampas ko yun sa gwapong mukha mo. Galit na sigaw ng isip at tuluyang nilisan ang bahay ng binata.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD