Chapter IV: A string of bad luck

2078 Words
Nakapalumbaba si Cash sa bintana ng sariling silid. Kahapon dahil sa inis at pride kaya siya namromroblema ng malaki. At ngayong nasa huwisyo na siya’y parang gusto niyang pagsisihan ang naging desisyon. Kung tinanggap mo na kasi yung offer ni papa pogi. Mula sa kaliwang kamay ay inilipat niya ang pangangalumbaba sa kanan. "Katulong naman kasi ang gusto niya. Pwede namang secretary nalang niya tutal abogado naman siya." At pumasok ang eksena sa isip habang pinagtitimpla niya ito ng kape. Napangiti siya. "O kaya naman tutor nalang ng kapatid niya o kaya naman anak." Napasimangot siya sa ideyang may anak na ito. Malamang kapatid meron pa ito o kaya naman pamangkin." Lumiwanag ang mukha niya. "O kaya naman pagbibigyan nalang niya ko kasi maganda ako." Napahagikgik siya sa isiping iyon. Napatigil siya sa pag-iimagine nang makarinig ng sutsot. Hinanap niya kung saan ang pinanggagalingan nun. "Cash" tawag mula sa baba. Nawala ang kulay ng mukha nang makilala ang nagmamay-ari ng tinig. Itinaas niya ang kamay upang kumaway bago tumalikod. "Patay, sinusundo na ko ni kamatayan." Kagat ang daliring dali-daling bumaba mula sa ikalawang palapag ng bahay. Nadatnan niya si Caloy na nakamaang sa harap ng sasakyan niya. Kagat ang labing humingi siya ng pasensya ng rumihistro ang pagkagimbal sa mukha ng kaibigan. "A-anong nangyari Cash???" Hindi makapaniwalang bulalas nito. Napakamot sa ulo ang tinanong at unti-unting isinalaysay kung paanong ang hindi pa niya nababayarang sasakyan ay nawarak ng ganoon. "Naku naman Cash. Ni hindi mo pa nga nakakalahati ang bayad niyan diba.." anitong iiling-iling. "Eh oo nga pasensya na. Minalas lang talaga ako. Pati nga yung naka-bangga ko sinisingil ako ng malaking halaga, kung tutuusin pareho lang kaming naperwisyo." Sumbong niya rito "Naku panu ba yan doble-doble ang gastos mo. Nandito pa naman sana ako para kunin ang hulog mo ngayon at noong nakaraang buwan." "Huh ngayon naba?" Sabagay ilang araw na niyang hinihintay ito. Napakagat-labi siyang muli. "Alam mo namang sweldo ko ang ibinabayad mo. Kailangan kasi ni nanay para sa maintanance niya. Medyo nagigipit kasi ang amo ko." "Ganun ba?" Nasabi nalang ni Cash. Actually naitabi na talaga niya ang pambayad niya rito. Iyon nga lang ipapagawa pa muna sana niya ang sasakyan dahil akala niya ay hindi pa maniningil si Caloy. "Bakit hindi ka makiusap sa nakabunggo mo?" Suhestyon ni Caloy habang inieksamin ang sasakyan. "Hay naku Caloy, katakot-takot na pakiusap na ang ginawa ko. Kulang na nga lang lumuhod ako sa harap niya. Pero ang damuhong abogado na iyon nungka ba namang gawin akong katulong tutal naman daw hindi ko kayang bayaran ang thirty thousand na pinapabayaran niya." Sabay irap ng muling maalala ang binata. Huminto ito sa pagsuri ng sasakyan niya at nilingon siya "Abogado ang nakabungguan mo??" Nakagat niya ang hintuturo sabay tango. "At mayaman pa. Ewan ko ba at masyadong importante sa kanya ang maparusahan ang isang taong nagkasala." Nayayamot na komento ni Cash. Nagkibit-balikat ito. "Sabi mo nga abogado." At muling bumalik sa pagkalikot sa sasakyan niya. "Nagagamit mo paba to?" tanong nito at pilit inaabot ang isang kablye. Tumango siya. Saka lumapit kay Caloy at bumulong "Alam mo ba, gwapong abogado yun. At sobrang yaman pa." Tumaas ang kilay nito. "Hindi bat masyado ka namang eksaherada." Binatukan niya ang kaibigan na lalong ikinangisi nito. "Hoy, alam mo namang hindi ako basta-basta nagwagwapuhan sa isang lalaki. Talaga namang gwapo si Atty Martinez." Dagling nawala ang ngiti sa labi ni Caloy pagkarinig sa pangalang binanggit niya. "A-Ano kamo yung pangalan ng abogado?" "Atty Martinez. Anthony Martinez.?" Natahimik ito sandali. "Siya ba yung kapatid ng modelo na si Angela Martinez?" Tumaas ang kilay niya sa biglang pagseryoso nito. "Siguro, hindi ko alam. Bakit kilala mo?" Balik tanong niya. Umiling ito ngunit hindi nakaligtas sa mata ni Cash ang biglang pagkahulog nito sa malalim na pag-iisip. Maya-maya’y nabulabog sila ng sigawam mula sa loob ng parlor. "Ayy vaklah anong nangyari sayo.?!" Nagkatinginan sila ni Caloy bago siya patakbong nagtungo sa bahay. At mula sa pinto ay kitang-kita niya ang tuluyang pagbagsak ng katawan ng ama-amahang si Dodie. "Mamu!" sigaw niyang pinanlakihan ng mata. Dali-dali niyang nilapitan si Dodie na pinagtulungang buhatin ng mga baklang beautician. "Mamu?" Hindi siya magkandaugaga sa nakikitang walay malay na ama-amahan. "Itakbo na natin siya sa ospital." Sabi ng isang bakla. Wala sa sariling tumango siya. Dahil sa pagkataranta ay litong-ltalilongsi Cash. Ito ang unang pagkakataong nasaksihan niya ang pag-atake ng sakit ni Dodie. Pakiramdam niya pati siya ay aatakihin na rin ng nerbyos dahil sa panlalamig ng kamay at panginginig ng buong kalamnan. She had never been this scared. Atleast nang unang atake nito ay nasa eskwelahan siya at inabutan nalang itong nasa ospital. At nasa mas maayos na kalagayan. Dali-daling tinakbo si Dodie sa pinakamalapit na ospital. Dahil sa pagkataranta at takot ay hindi na alintana na sa pribadong ospital sila napadpad. Mabuti nalang at naagapan ng doktor ang biglaang pagtaas ng presyon ng matandang bakla. Hindi natahimik si Cash hanggat hindi tuluyang nakakausap si Dodie. That night ay hindi niya iniwan ang baklang ama-amahan sa ospital at magdamag nag-bantay dito kahit may pasok pa siya kinabukasan..         "Na-review ko na. Yes. Dont worry Mr. Santillan, I'm very positive that we'll win this case. I'll see you tomorrow." Pagkababa ng cellphone ay kung saan nalang inilapag iyon ni Anthony kasama ang attache case saka niluwangan ang suot na necktie bago pabalang na humiga sa sariling kama. Buong araw siyang nasa opisina upang pag-aralan ang sa tingin niyay isa sa pinakamahirap na kasong nahawakan niya. Masyadong complicated. At lalo pa siyang nahihilo dahil sa mga witnesess na nakakausap. Bahagyang hinilot ni Anthony ang sentido habang nakapikit. Tired of work at ni walang girlfriend na mag-aasikaso man lang o papawi man lang ng pagod. Anthony smiled to himself. Kahit papano'y natatanggal ang stress niya noon pagkatapos ng trabaho kapag may magandang babae siyang ka-date. Napailing-iling ang binata at pinindot ang intercom. "Can I have a coffee please." Walang tugon. Ilang beses pa siyang pumipindot ngunit walang tumutugon. Pagak siyang natawa at natapik ang sariling noo nang maalalang wala palang katulong. Napailing si Anthony. Hassle talaga ang walang katulong. Nawala sa isip niya ang bagay na iyon. Hindi pa naman siya kumakain ng hapunan. "Walang na ngang girlfriend wala pang katulong." Anthony inhaled harshly at inihilamos ang palad sa mukha. Wala siyang choice kundi ang bumaba at ipagtimpla ang sarili ng kape. Titignan na rin niya kung may homemade sandwich pang natitira sa ref. Kailangan niyang kausapin ang mga kapatid. Hindi pwedeng wala silang katulong. He wanted to hate their parents for doing this to them. Naisahan silang magkakapatid ng inang si Aurora.     Cash blinked twice. And then blinked again. Totoo ngang nasa harapan niya and dating beauty queen na si Ariella Santillan. At talaga namang nakaka-intimidate ang ganda nito. Ang lokong Caloy na iyon ni hindi man lang nabanggit na sikat pala ang amo nito. Kanina, pag-out niya ng klase ay sinundo siya ng kaibigan at gusto daw siyang makausap ng amo. Tumanggi siya noong una dahil balak niya munang dumaan ng ospital bago siya tumuloy sa bahay ni Atty. Martinez. Ngunit mapilit ito kaya pinagbigyan nalang niya tutal saglit lang naman daw. The woman smiled at her. Yung ngiting ginamit nito kaya naka 3rd place sa Ms. Universe tatlo o apat na taon na ang nakararaan hindi siya sigurado. "How are you Cash?" Very familiar ang pagkakatanong nito na para silang magka-ibigan na ngayon lang muling nagkita. Gustong taasan ng kilay ng dalaga pero sa halip ay tipid na ngumiti.  "O-okay lang naman." "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko na ang nangyari sa sasakyan ko na ngayoy sasakyan mo na. Well, wala na akong pakialam pa doon dahil nga binili mo na siya. Pero dahil hindi mo pa nga nakakalahati ang bayad ay nagasgas mo na, hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng tampo. Alam mo kasi mahal na mahal ko ang sasakyan na yun. Kung hindi lang sinabi ng papa ko na ibenta dahil hindi ko naman ginagamit eh nungkang ibenta ko yun." May halong hinanakit ang tinig nito. Humingi siya ng paumanhin. "Naiintindihan kong may pinagdadaanan ka. At ikinalulungkot ko ang nangyari sa father mo. Naikwento lang sa akin ni Caloy." Dipensa nito nang makitang rumihistro sa mukha ang pagtataka. "At totoo bang si Anthony Martinez ang tinutukoy ni Caloy na abogadong nakabungguan mo?" Alanganin siyang tumango "Oh I see." At kyimeng ngumiti na itinakip pa ang palad sa bibig. "I actually know him personally. Yes. He's actually my ex-boyfriend." At binuntunan nito ng marahang tawa ang sinabi. Gustong-gusto ng tumaas ng kilay ni Cash ngunit pinigil niya ang sarili. Ang weird pala ng babae sa personal. "At hindi na ako magtataka kung pagbayarin ka man niya. He’s the same Anthony that I know. Very strict and loyal pagdating sa pagiging lawyer niya." Hindi nakaligtas kay Cash ang bahagyang pagka-disgusto ni Ariella sa huling sinabi nito patungkol kay Anthony. "And base on Caloy story ay gusto ka daw niyang maging katulong?" Exaggerated nitong tanong. Muli siyang tumango. Hindi niya alam kung saan patungo ang pag-uusap nila. "Huh? but thats absurb." Bulalas nito. "Exactly my point." Sang-ayon niya na labis ikinatuwa. Finally, may kumampi rin sa kanya. Ariella gave her a friendly smile. "Naku paano ba yan nagsabay-sabay pala ang babayaran mo." "O-Oo nga eh." Nahihiyang sang-ayon ni Cash. Mabuti na nga lang at pinautang siya ng kapwa guro at kaibigang si Elisa. Kaya mababayaran na niya ang binata. So ang problema nalang niya ay ang bayarin sa ospital, pambayad sa pampapagawa ng sasakyan at hulog para doon. Napangiwi siya. Lubog siya sa utang pagkatapos ng lahat ng ito. At ang malaki pa niyang tanong saan siya uutang? Hay buhay nga naman. Nagulat si Cash nang maramdaman ang paghawak ng malambot na kamay ni Ariella sa palad niyang nakapatong sa mesa. "I feel for you Cash. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo pero wag kang susuko." Anito sa malamyos na tinig. Naguguluhan man sa inaakto ng kaharap ay nagpasalamat parin siya. "You know what may suggestion ako sayo. Nabanggit sa akin ni Caloy na medyo hirap ka sa pera ngayon. Bakit kaya hindi mo nalang tanggapin ang alok sayo ni Anthony." Nagulat siya. Parang kanina lang ay tinawag nitong absurb ang lalaki bakit ngayon ay pinapayuhan siyang tanggapin ang alok nito. "Oh, don’t get me wrong huh. Kasi sa kalagayan mo ngayon parang iyon nalang ang nakikita kong chance mo. At higit sa lahat magagawan mo pa ako ng pabor." Napakunot-noo siya. "Pabor?" Sandaling gumuhit ang hesitation sa magandang mukha ng babae. Tila ito isang babasaging kristal na kailangang pag-ingatan "Medyo nahihiya ako.” Pinamulahan ito. “Alam mo kasi ang totoo niyan hanggang ngayon ay may feelings parin ako para kay, Anthony." Nagkaroon ng lambong ang mata nito. Lungkot ang nakapaloob doon. "And since wala na sila ni Lizzy, gusto ko sanang magkabalikan kami." Walang kagatol-gatol nitong bulalas. Sa una ay nagulat si Cash. Pero unti-unting nanaig ang malambot na puso para sa kabaro. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng awa para rito. She must have love him. "Ang gusto ko lang naman ay malaman ang bawat kilos at ginagawa niya. Pwede mo bang gawin iyon para sa akin??" Nakikiusap pati ang kislap ng mata nito. "P-Pero hindi ko kayang maging katulong. Bukod dun ay tumanggi na ako kay Atty. Martinez." Siya magiging katulong? Kahit lumaking mahirap ay kasing-taas ng Mt. Everest ang pride niya, baka hindi niya kayanin. "Wala namang mahirap doon. You just have to observe and report to me kung anong mga ginagawa ni Anthony. Besides, im sure hindi niya tototohanin ang sinabi niya. Maybe he just wanted you to learn your lesson. Don’t worry hindi naman ako hihingi nga pabor ng walang kapalit." Pinag-aralan ni Cash ang mukha ni Ariella. Bakit pakiramdam niya may parang mali sa hinihingi nito. She just can't quite pinpoint it though.  "Nakikita ko ang pagtataka sa mukha mo. Nakakahiya ako noh desperado na. I just love him." Ariella shrugged pero nasa mga mata parin ang tila longingness. "And I know deep in his heart ay may puwang parin ako sa puso niya. He even keep something that belongs to me. I know nasa kanya parin yung envelope na may pangalan ko. Oh, dont worry hindi ko ipapakuha sayo yun." Anito nang makita ang panlalaki ng mata niya. Talaga! Hindi naman siya magnanakaw. "Just observes him. Anong ginagawa niya? Sinong mga nakakasama niya? Mga ganun lang. At kapalit nun ay ang sasakyan ko. Yes, hindi na kita sisingilin sa remaining balance mo. I could even pay for your father's hospital bill." Napasinghap siya sa offer nito. Ito na ang kasagutang hinihintay niya. This woman is the only answer to her prayers.  "You seem surprised? Alam mo kasi when it comes to love,  gagawin mo ang lahat para sa taong yun. Foolish yeah and sometimes greedy, but what can I do. I just love." At binuntunan iyon ng isang malamyos na tawa. Matagal na nag-isip si Cash bago sumagot.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD